Kabanata 19

126 3 0
                                    

Kabanata 19

Habol ko ang hininga ko habang pinagmamasdan ang galit na galit na Calyx sa aking harap. Kuyom na kuyom ang kaniyang kamao at gumagalaw-galaw ang kaniyang panga sa sobrang pagkakakagat sa kaniyang mga ngipin. Lapat na lapat din ang kaniyang mga labi.

He looks so damn frustrated!

Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko siyang hawakan at kalmahin pero mukhang hindi iyon tatalab. Galit na galit talaga siya.

Tiningnan ko siya sa mata at inirapan niya ako.

Napaismid ako.

Inaano ko siya? Bakit siya sa akin nagagalit?

Napatalon ako sa gulat ng magmura siya ginulo ang kaniyang buhok.

"Fuck!" aniya sa napapaos na boses.

Pinanood ko siyang lumapit sa akin at medyo kinakalma ang sarili. Agad na nangatog ang mga binti ko sa paglapit niya.

"Don't ever do that again, please. I won't forgive myself if something bad happens to you..."

So nandoon pa rin siya sa pagligtas ko sa bata. Akala ko pa naman dahil sa gagong driver na iyon.

Nagulat ako nang yakapin niya ako ng mahigpit na para bang mawawala na lang ako bigla. Hinaplos niya ang buhok ko.

"Don't ever put your life in danger again. You made me feel so nervous. You scared me... a lot."

Kumawala ako sa pagkakayakap niya at tiningnan siya ng diretso sa mata. Nagsusumamo ang mga ito kaya nag-iwas ako ng tingin.

"I'm so sorry..." iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.

Kinagabihan, hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari kanina. Takot na takot siya. Kitang-kita ko iyon sa mga mata niya. Nararamdaman ko pa ang bilis ng pagtibok ng puso niya. Dahil sa takot? Nerbyos? O ano? Hindi ko alam. Basta ang nasa isip ko lang ngayon, ang sinabi niyang mahal niya ako.

Is he just fooling me?

I don't know. Kasi ano naman ang mapapala niya kung lolokohin niya ako? We're not close back then. Ni hindi nga kami nagkikita o nagkakasalubong man lang. So, anong rason kung niloloko man niya ako? Wala akong makitang dahilan.

Pero ayoko pa ring maniwala agad.

"Did your friends already know na aalis ka?" si Kuya.

As usual, tinawag na naman niya ako for merienda. Hindi na kasi ako sa bahay umuuwi, sa condo na. Hindi niya lang ako nakita ng ilang oras ay kating-kati na namang makita ako.

Tinigil ko ang pag-aayos sa gamit ko at hinarap siya.

"Kuya, matagal pa iyon..."

Tinapunan niya lang ako ng tingin at patuloy pa rin siya sa pagbubuklat ng libro niya.

Hindi ko alam kung bakit palagi siyang nagbabasa eh kayang kaya naman niya ang business. Makakabisado na niya ata libro na yan eh.

"Hindi ba mas maganda pag ngayon pa lang ay alam na nila? They will understand, Katana kung iyon ang kinakatakot mo. Kaibigan mo sila. Unless, hindi kaibigan ang turing nila sa'yo." umirap siya.

Napangiwi na lang ako at tinuloy ang pag-aayos ng magulong bag ko.

Noon pa man ay hindi sang-ayon si Kuya sa pagsama ko sa mga kaibigan ko ngayon. Maging si Elliezel ay sinusungitan niya. Well, Ellie, Krishen, and Audrey have a crush on my brother. Malakas daw kasi ang dating niya, mature mag-isip, at saka suplado. Bonus na lang ang pagiging gwapo. Iyon ang lagi nilang sinasabi sa akin.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon