Kabanata 23

81 4 1
                                    

Kabanata 23

I scrolled up at mas marami pang messages ang naroon.

From: Dahlia

Gustong-gusto kong sabunutan at sampal sampalin ang babaeng iyan!

To: Dahlia

Ako nga din eh. Inis din ako sa kaniya minsan. Pinapakisamahan ko na lang. Kaka-offend ang mga sinasabi niya.

__

Sobra sobra ang pagpipigil ko kapag kasama ko si Katana, eh. Hindi ko nga alam sa mga kaibigan namin kung bakit love na love nila ang babaeng iyan, eh demonyita naman.

__

Sarap pagsasampalin ng mukha. Kainis. Akala mo kung sino! Argh!!!

__

Dapat nga ay hindi na bumalik dito yan. Sana sa States na lang siya. Sana huwag na silang umuwi!

From: Dahlia

Dati pa yan. High school pa lang tayo inis na ako diyan!

__

Puro siya na lang palagi. Siya ang magaling, siya ang maganda, siya ang gusto ng lahat! Mas maganda naman ako sa kaniya hahahha!

__

Lahat ng boys, gusto siya! Lahat ng tao gusto sa kaniya! Santi-santita naman. Bwiset, ano bang nagustuhan ng lahat sa kaniya? Sarap itulak sa sixth floor hanggang first floor eh.

To: Dahlia

Ay, true! Sarap sabuyan ng asido ang mukha. Hate na hate ko talaga siya, dati pa! Pati si Calyx Jimenez, napaamo niya! What the hell di ba? Anong klaseng kalandian iyan?

Hindi ko na kayang basahin lahat. Ang bigat sa loob. Ang sakit sa pakiramdam. Naiiyak ako sobra. Gusto kong magwala. Gusto kong tanungin si Elliezel kung bakit niya nagawa ito! Bakit?

Wala naman talaga akong pakealam kung sabihin man sa akin yan. Pero hindi ko matanggap na si Elliezel pa. Si Elliezel pa talaga!

I treated her as my sister but then she still manage to stab me at my back!

Ano bang kasalanan ko?

"K-Katana..."

I looked at the newly arrived Elliezel.

Kitang-kita ko ang gulat at pamumutla sa mukha niya.

"Elliezel," it was almost a whisper.

"L-Let me expl--"

I slapped her.

Kasabay ng pagsampal ko sa kaniya ang pag-agos ng sunod sunod na luha sa aking mga mata. Rinig na rinig ko rin ang bulungan ng mga kaklase namin at wala akong pake-alam kahit na sabihan nila ako ng masasamang salita ngayon.

"BAKIT!?" sigaw ko sa kaniya.

Humagulgol siya at lumapit sa akin sinusubukang hawakan ang mga kamay ko pero hinawi ko ang mga ito.

"Bakit, Elliezel? Anong nagawa ko? Anong ginawa ko sa'yo?  Anong kasalanan ko sa inyo ng kaibigan mo!?"

"Katana, let me explain please? L-Let me explain!" pagsusumamo niya.

"Ano pang ie-explain mo? Ayan na oh! Kitang kita ko na. Nabasa ko na lahat!"

Binato ko sa kaniya ang phone niya.

"H-Hindi ko... H-hindi ko s-sinasadya, Katana. Hindi ko s-sinasadya. M-masama lang talaga ang l-loob ko sa'yo diyan--"

"Bakit? Bakit masama ang loob mo ha? A-Anong ginawa ko sa'yo na nakapagpasama ng loob mo? Ha? Sige nga, sabihin mo nga!"

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon