Kabanata 21

94 4 0
                                    

Kabanata 21

"Where are we going? Aga pa!" reklamo ko kay Calyx nang makapasok sa sasakyan niya.

Kinusot ko pa ang mga mata dahil sa antok pa rin. It's just 5:23 in the morning and I don't know why he's bugging me at this hour.

"Good morning," he said as he glanced at me.

Kumunot ang noo niya sa suot ko kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. May kinuha siya sa likod at binato sa akin ang jacket niya.

"Wear this. Baka lamigin ka."

"How about you?" sabi ko habang pinagmamasdan ang jacket na bigay niya.

"I have extra." proud na sabi niya saka pinakita ang isa pang jacket na katulad sa akin bago pinaandar ang sasakyan.

Gusto kong matawa dahil obvious namang match ang jacket na ito. I don't have any idea na ganito siya ka-corny.

"Liar. Hindi ko alam na nakakaya mong magsinungaling para lang mapagtakpan ang kabaduyan mo."

Kinurot niya ang ilong ko na agad naman akong napasigaw.

"Sabi na nga ba aasarin mo ako! Dapat nga thankful and honored ka pa dahil ngayon ko lang ito gagawin para sa girlfriend ko."

"Siyempre, sa'kin ka lang din naman patay na patay."

"You're so full of yourself, Mendez."

"Bakit? Totoo naman ah? You are obsessed with me. Hindi ba?" mas confident na sabi ko na naman.

"Totoo..." ngumuso pa siya.

"See?"

"Sa sobrang obsessed ko, anumang oras gusto ko nang palitan ng Jimenez ang apelido mo."

Nag-iwas ako ng tingin at nagpipigil ng ngiting ibinaling ang tingin sa labas. Doon ko inilabas ang ngisi ko. Narinig ko pa siyang humalakhak kaya kaya kinurot ko siya.

"Aw!" reklamo niya.

Hindi ko alam pero kahit may isang linggo na kaming mag-on ay nahihiya pa'rin ako sa kaniya. Lalo na kung kaming dalawa lang. Hindi ko maiwasan makaramdam ng awkwardness lalo na ngayon at palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa harapan.

"Focus on driving, Lyx."

Nakagat ko naman agad ang bibig ko dahil doon.

Ngayon ko lang siyang tinawag na ganoon at mukhang natigilan rin siya dahil nanatili ang tingin niya sa akin.

Ang kulit talaga.

"I-I said focus on driving, Calyx."

He smiled a bit, feeling amused.

"I like Lyx better, Kat."

Kita mo na? Sabi na nga ba eh.

"Whatever, Calyx. Just drive." irap ko pa.

"I said I like Lyx better. Call me Lyx, Katana."

"Oo na, sige na! Look at the road na."

"Lyx..."

"Oo na nga." Sabi ko, nagkunwaring iritado.

"Lyx nga kasi. You're makulit."

"Oo na nga. Lyx na."

"Better."

"Bakit ba gusto mo no'n? What's so special in Lyx?"

Sinulyapan ko siya. Tutok na siya ngayon sa pagda-drive dahil dumarami na rin ang mga sasakyan sa daan. Hay naku, even in side view he look so gwapo and hot. Lahat na yata ng anggulo ay babagay sa kaniya.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon