Kabanata 17

126 4 0
                                    

Kabanata 17

Fifteen minutes after Carli passed out, I decided to take her home. Halos siya kasi ang makaubos ng sini-serve ng mga tauhan nila Tito, wala naman kaming magagawa kung hindi ang hayaan ito, iniintindi ang sitwasyon.

Nagpaalam na ako kina Tito Royo at nanghihinayang naman sila dahil hindi nalaman ang dahilan ng paghahanap sa akin ni Calyx. Nanggigigil pa ang mga ito kay Carliyah at inaambahan pa ng sabunot.

"Hilahin mo pauwi iyan nang magising. Naku, nanggigigil talaga ako!" si Yolo.

Tinawanan ko na lang siya at nagpatulong para maisakay si Carliyah pauwi.

"Bakit naman ako hinahanap ng gagong Calyx? Ano sa tingin mo?" kausap ko sa lasing na pinsan habang nagda-drive.

"Wala, natanong lang niya daw..." ungol niya kaya nagulat ako. "Tubig."

I gave her my tumbler.

Matapos siyang ihatid ay umuwi na rin ako. As usual, ang mga kasambahay pa lang ang kasama ko sa bahay. Kinabukasan ay hindi ako lumabas ng mansyon. I even told Mom to contact the Carmona Building and inform that I will be moving in next week.

I got many messages from my friends and just replied Elliezel and choose to ignore the others kasi kahapon pa ang mga iyon, asking kung nasaan na ako.

From: Elliezel

Bitch, where are you?

From: Elliezel

Where did you go yesterday?

To: Elliezel

I went home. I'm not feeling well eh. But I'm okay now. Kasama ko si Carli kahapon.

Hindi ko rin binuksan ang mga social media accounts ko dahil paniguradong about sa sportsfest lang ang bubungad. I'm sick of it.

And ayoko ring magkaroon ng connection kay Calyx.

"Good morning, maam." bati sa akin ng staff ng building.

One week had passed since the sportsfest has ended. Narito ako ngayon sa Carmona para maglipat ng gamit para sa condo ko. Furnitures and my other stuffs are already fix last week. Thanks to my Dad and Kuya.

Even though, they used it as an excuse to visit and check my new place. I'm still thankful because it favored me a lot. Unlike Mom. She doesn't even bother to check if my place is okay or safe.

"That's Carmona. For sure the place is safe and I'm sure it's pretty good. And besides, I have many papers to do to my office. I don't think I can leave them."

Iyan ang lagi niyang dinadahilan. Although, pabor naman sa akin ang hindi niya pagbisita, nakakainis pa rin dahil hindi man lang niya maiwan ang trabaho niya sa opisina even just for twenty minutes para lang gawin naman ang trabaho niya bilang isang ina.

That's Emerald.

Sa loob ng isang linggong iyon, iniwasan ko na din si Calyx. Iniwasan ko lahat ng connections sa kaniya. Because I don't see any reasons to be close with him anymore. He lied to me. He's a two-timer, coward.

Can you believe it? For those months, he made me feel that he really likes me. Tapos makikita ko silang dalawa ng ex niya kuno na naghahalikan? The heck? He's confusing me! And the fact that he admitted that he likes me, made me so furious after seeing him flirting with his ex.

The nerve of him?

Good thing hindi ko naman siya nakasalubong. May time na nakikita ko siya sa harap ng building namin kaya niyayaya ko si Ellie sa library just to avoid him. May time ring sina Bryce at Harvey ang nakakasalubong ko. Nagbabatian lang then, aalis na agad ako.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon