Kabanata 32

152 3 1
                                    

Kabanata 32

Carliyah Grace Velasco

"Doctor Velasco, I heard hindi ka pa raw umuuwi mula no'ng duty mo kahapon ah? You're overworking yourself."

Sinulyapan ko ang kakapasok lang na si Doctor Sandoval dito sa doctors' quarters. She is my senior. Ni-pause ko ang pinapanood na video ng operasyon sa puso.

Tama siya, hindi pa nga ako umuuwi dahil sobrang toxic kahapon. Maraming nagdaratingang pasyente at ang iba ay kailangan pang operahan. And isa pa, chance ko na rin 'to para mahasa ang skills ko. Hindi pa ako gaanong bihasa sa propesyon na 'to kaya kailangan ko pa ring magsumikap.

I smiled at her.

"Kailangan, Doktora eh. I really wanted to be a skilled cardiologist. So..." nagkibit-balikat ako.

"Tama 'yan! Ipagpatuloy mo lang 'yan... Pero baka naman tumanda kang dalaga niyan ah?" she chuckled.

Sumandal ako.

"Naku, Doktora! Wala sa isip ko ang mga 'yan ngayon. Ine-enjoy ko pa lang ang buhay ko eh! And besides, kailangan ako ng hospital, lalo na ngayon, kulang tayo ng staffs. Kailangan ng naraming doktor. Sa laki ba naman ng hospital na 'to, tsk!"

Binuksan ko ang isang bottled water sa harap ko at uminom dito.

"Oh! Speaking of that... I was called by the Director a while ago, and... napag-usapan namin ang tungkol d'yan. Sabi ng Direktor, may darating na raw na mga doktor dito. And by next week, ay magsisimula na sila!"

"That's a great news, Doktora! Kahit papano ay makakapag-pahinga na rin ang mga kasama na'tin dito. Kita ko kasi kagabi pagod na pagod na sila."

I closed the bottled water and put it under my table.

Doctora Sandoval sighed.

"Naawa na nga rin ako kasi minsan hindi na sila nakakauwi." malungkot na saad niya saka umupo sa swivel chair niya.

"By the way, Doktora. Saan po mangga-galing ang mga bagong empleyado?"

She suddenly smiled widely.

"You won't believe this, Carliyah. They are skilled doctors from California! UCLA graduates!" she said happily.

UCLA graduates? Wow!

"Really? Oh my gosh, I can't wait to seem them! For sure marami akong matutunan sa kanila. Ilan daw sila, Doktora?"

"Actually four doctors and three nurses... 'Yong isa sa kanila ay anak ng may-ari ng hospital doon... Doctor Aristone. Hindi ko alam kung anong pangalan, I only know his surname. General surgeon siya. 'Yong anesthesiologist ay babae. May orthopedist din, at may cardiologist, gaya mo! Balita ko 'yong isang general surgeon daw ay humahawak din ng case ng trauma at neuro, ang galing di ba? Hinasa kasi yata ng senior nila doon. At take note, istrikta raw 'yon, pero magaling at bihasa. Lagi daw siya sa emergency room at operating room kaya Queen of Emergency and operating room ang tawag sa kaniya, pero huwag mong mabanggit banggit 'yon sa kaniya dahil hindi niya alam 'yon." she giggled.

"Talaga, Doktora? Naku, gusto ko na agad silang makilala. I want to learn from them!" I chuckled.

Dinuro naman niya ako.

"Istrikta raw 'yon! Well, lahat naman sila, sobrang propesyonal daw talaga. Pero 'yon, suplada at maldita pareho sila no'ng anesthesiologist," she chuckled. "You better be careful!" banta niya.

"Okay lang 'no, Doktora! Mas gusto ko nga ang gano'n eh. Pero ang galing ano? Sobrang experienced naman yata sila? Ilang taon na ba ang mga 'yon? Mga ka-batch mo, Doktora?"

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon