Kabanata 15

119 6 0
                                    

Kabanata 15

Tumakbo din palabas si Carliyah. Binalingan ko ang lahat pero tahimik lang sila at parang walang pake-alam sa nangyayari.

Akma akong susunod ngunit pinigilan ako ni Mommy.

"You're not going anywhere, Katana." banta niya.

"I need to follow Carliyah, Mom."

Tumaas ang kilay niya.

"She can handle herself. Sinuway nga niya si Ate."

"Mom!"

"What?"

Inis akong bumalik sa upuan ko. Walang nagawa kundi hintayin ang pag-alis nila Tita Laarni bago umalis.

"Ang tanga ng pinsan mo." bulong ni Cody sa akin.

"Baka pinsan mo?" sarkastikong ani ko.

Ngumiwi siya.

Nagpaalaman na sila Mommy matapos ang ilang minutong pananatili pa roon. I can't believe they still manage to continue the dinner even if there's a commotion happened.

"Don't try to look for Carliyah, Katana. Hayaan mo siya." si Tita Laarni.

"Pero tita..."

"I said no, Katana!" tumalim ang tingin niya sa akin.

Sinulyapan ko si Mommy, taas ang kilay niyang nakatingin sa akin. Si Tita Marcela naman ay kalmado na.

Hindi ko na siya sinunod. Bagkus ay nagpaalam na lang bago dali-daling umalis. At gaya ng inaasahan ay nagalit siya sa akin. Pero hindi na mahalaga iyon. Kailangan kong hanapin si Carliyah because she needs me.

Hinanap ko si Carli sa hotel pero wala siya doon. Nagtanong tanong na rin ako pero walang may alam kung nasaan siya. Wala din akong makita ni anino niya malapit sa hotel. Cody told me na wala pa daw siya sa bahay nila. Where is she now?

I tried to call her but she isn't answering her phone. Si Archie naman ang tinawagan ko at sa pangatlong ring ay sinagot niya.

"Archie!" nabunutan ako ng tinik.

"What is it, Katana?"

He's calm. Hindi maganda ito. He's hurt. My friend needs me! But my cousin needs me too!

"Where are you?" seryosong tanong ko.

"Nasa bahay na. Why?"

He's really calm. Parang walang nangyari kaya kinakabahan ako!

"By any chance... did you know where is... C-Carliyah?"

Natahimik siya.

"No, Katana. The last time I saw her is in the hotel." he sighed. "Kung wala ka ng sasabihin... ibababa ko na 'to."

I really feel sorry for him. I wanted to comfort him right now because I know he needed somebody to lean on. But what can I do? My cousin is nowhere to be found and she also needs me. She badly needs me.

Kung bakit ba kasi ginawa niya pa 'yon? Bakit sa family dinner pa? Last week ay sinabi lang nilang okay na sila sa secret relationship, pero anong nangyari ngayon? Why is the sudden change of mind?

Nagi-guilty rin ako dahil feeling ko kasalanan ko. I told them to tell Tita Laarni about their relationship na. And feeling ko sinunod nila. And look what happened.

This is all your fault, Katana!

Nagpatuloy pa ako sa paghahanap sa kaniya pero wala talaga. It was already 9:37 pm and I found myself in front of Venture Hotel. Bigla kong naalala si Calyx.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon