Kabanata 24

83 4 0
                                    

Kabanata 24

Iba ang ingay sa hallway ngayon. Kung dati ay simpleng ingay lang na galing sa mga nagkukuwentuhang estudyante, ngayon ay may tawanan at laitan na para bang may isang pinagkakatuwaan.

Kapansin pansin rin ang tinginan ng mga estudyante sa akin na agad nag-iiwas ng tingin kapag binabalingan ko. Parang may tinatatago. Hindi na ako magtataka kung bakit ganiyan na lang ang mga tingin nila. Tinging nag-oobserba, nagtatanong, at medyo pag-aaalala.

Really?

"Ano ba! Bitawan niyo ako!" sigaw ng kung sino sa malayo.

Doon ko lang napansin kung sino ito nang makalapit na siya.

Si Dahlia.

Hawak hawak siya mg mga seniors. Kitang-kita sa suot niyang napahirapan siya.

Sinamaan niya pa ako ng tingin.

Aba! At siya pa talaga ang may ganang gawin sa akin iyan.

"Oh, Katana! Hindi ba't isa ito sa mga naninira sa'yo? Gaga 'to eh, nilandi boyfriend ko. Gusto mo iganti kita?" si Megan.

Kilala ko ito dahil isa ito sa mga humahanga kay Kuya dati.

Nginitian ko lang siya.

"I really hate you, Katana Mendez! Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko sa'yo! Anong feeling ng trinaydor ha? Mabuti lang sa'yo 'yan!" sigaw ni Dahlia.

Pumasok ako sa room namin, hindi pinansin si Dahlia at doon ko nakita si Ellie naiiyak na pinupulot ang mga nagkalat na bond paper sa sahig.

Namulot ako ng isa at tiningnan ang laman nito.

It was a printed screen shot of Ellie and Dahlia's convo! Iyong puro trash talks about sa akin. Namulot pa ako at convo naman iyon ni Dahlia at nung Remus.

It was probably Megan's boyfriend!

I can't believe this.

Nakatingin na pala si Ellie sa akin. Naiiyak na naman ng ilipat niya ang paningin sa papel na hawak ko.

"How's the feeling, Elliezel?" Si Pauleen, isa sa mga bitchesang blockmate namin.

Tiningnan niya pataas pababa si Ellie.

"Hindi ka man lang nahiya? Si Katana ang dahilan kung bakit wala nang nambu-bully sa'yo dito sa Adamson- trinaydor mo pa?" tumawa siya ng malakas.

Hindi nagsalita si Ellie. Nakita ko rin ang pagtulo ng luha niya na agad niyang pinunasan. Hindi niya pinansin si Pauleen at ipinagpatuloy ang pagpupulot sa mga nagkalat na bond paper.

Ang dami!

Bilib din naman talaga ako kay Megan.

"Hoy, gaga! Wala nang magtatanggol sa'yo ngayon. Huwag ka ngang feelingera. Baka nakakalimutan mo, mahina ka din." saad ni Pauleen at inapakan ang pupulutin sana ni Ellie.

"Ano ba! Tigilan niyo nga ako." sigaw niya na tinawanan lang nila Pauleen.

"Nagtatapang-tapangan na naman. Hindi ka nga makalaban ng wala ang mga kaibigan mo."

"Alam mo, masyado ka ng mapagmataas, Elliezel. Tingnan na'tin ngayong wala nang magligligtas sa'yo." banat naman ni Danica.

College na kami pero may mga ganito pa ring kaganapan sa buhay namin. Parang high school lang. May wais, at may tanga. In other words, may bully at may nagpapa-bully.

Tumayo si Ellie at lalagpasan sana sila Pauleen pero hinawakan siya nito.

"Matagal na akong nagtitiis sa'yo, Ellie. Hindi lang kita magalaw-galaw dahil kay Katana, eh." tumingin si Pauleen sa akin saka kumindat. "Pero ang tanga mo, ginawa mo pa iyon sa kaniya. Pero salamat pa rin dahil magagawa ko na ang gusto kong gawin ngayon." umiling siya.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon