Kabanata 14

118 2 0
                                    

Kabanata 14

"Are you trying to curse me?"

He chuckled.

"It's more than just a curse, Katana." napapangiting sagot niya.

"Am I know ill-fated?"

"Tsh! How could that be? My curse brings good luck."

Good luck? Really? I don't believe in lucks. If it happens, then it happens. It is your fate. Situations really bound to happen. Not because of lucks.

Nanatili pa kami sa panonood ng view hanggang sa mag-aya siyang umuwi na. Sabagay, malapit na rin namang mag 7 pm, for sure hinahanap na ako ni Kuya.

Bumalik kami sa university para kunin ang sasakyan ko. Nagpaalaman kami at pinauna akong umalis bago niya pinaharurot ang kaniyang sasakyan.

It was a long day for me. Tama nga at pag-uwi ko ay nag-aabang na si Kuya sa akin sa living area. He asked me a few questions.

"Why are you late?" Masungit na namang tanong niya.

"Namasyal lang."

"Alone?"

"Uh, with a friend..." his brows furrowed but didn't say anything. I take that as a permission to go upstairs.

Isinalampak ko ang sarili ko sa aking kama bago hinanap ang phone ko. I checked on my social media accounts and there I saw Calyx's instagram story. Kanina iyon. Sunset. The photo is silhouetted pero sigurado akong ako iyon! Nakaharap sa papalubog na araw. It was posted 8 minutes ago.

I clicked the reply button and think of a reply. Wala akong maisip. Tss. Huwag na nga lang. Sa huli, ay pinatay ko ang phone ko saka dumiretso sa banyo.

"You'll be waiting for me to suddenly show up, huh?" bulong-bulong ko sa sarili ko.

I got what his pointing out. He's high-witted, huh? Pero let's see. Let's see if he'll show up when I wanted him to accompany me.

"Anong oras laro niyo bukas? I want to watch." tanong ni Kuya sa kalagitnaan ng dinner.

"Ten..." tumango ito. "Sa Southville, Kuya."

"Oh? Tss. Titingnan ko na lang pala kung hindi ako busy." agad na bawi niya.

I pouted.

Kinabukasan ay naghahanda na ang buong team para sa laro. Katulad sa Adamson ay marami ring tao dito sa Southville. Kung sa Adamson ay maraming mga taong pamilyar sa akin, dito ay mangilan-ngilan na lang.

"Tara, girls. Galingan na'tin ah?" si Ate Carina.

Hope ang kalaban namin ngayon. Last na kalaban ito for championship. I just hope we can do well.

Sa bleachers ay nahagip ng mga mata ko si Calyx katabi si... Dylan!?

Kunot noong pinagmasdan ko sila pero parang wala lang naman sa kanila ang presensiya ng isa't-isa. Masungit na nakaupo si Dylan sa tabi niya at parang walang pake-alam sa kababaihang nakatingin sa kaniya. Si Calyx naman ay seryoso ding inililibot ang mga mata niya habang kinakagat-kagat pa ang pang-ibabang labi.

And wait, why is Dylan here? Kung si Kuya Caleb maiintindihan ko pa. Pero si Dylan? No way.

Nagsimula na ang laro at una pa lang ay talagang nahirapan na kami. Kitang-kita ko ang pagiging balisa ng mga seniors kaya nag-alala na rin ako. Sa tuwing team namin ang magsi-serve ay puro error. Sa kabila naman ay ace. Mas lalo kaming na-pressure doon habang ang kabilang team ay chill lang. Wala sa concentration ang lahat kaya sa huli, talo. I guess this would be the last game for me.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon