Kabanata 9

134 3 1
                                    

Kabanata 9

It's exactly six o'clock in the evening when I arrived at the Mendez's mansion.

Nang makauwi ako kanina sa bahay pagkatapos kong pumili ng condo ay isinuggest kaagad ni Mommy na ipaalam iyon kay Dad kaya ako narito ngayon sa tapat ng mansiyon ng mga Mendez.

I just wear a black tank top and a jogging pants dahil sa mga Mendez lang naman ang punta ko at may sarili naman akong sasakyan so no need to wear something luxurious.

Ang laki talaga ng pakinabang ng regalo ni Dad sa akin. Tuwang tuwa ako, grabe!

Sinalubong ako ni Kuya Caleb nang mapansin niya ako.

"You just stayed there for one night and now you're here?"

"Why? Would you like me to stay there longer?"

Ngumiwi siya.

"I like you here better."

"Dinner is ready!" Sigaw ni Tita Thelma sa loob.

Nakangiti ito habang pinagmamasdan kami ni Kuya na papalapit sa dining area. Papalapit na rin si Daddy.

"How's your stay in your Mom's house?" biglang tanong ni Daddy sa kalagitnaan ng pagkain.

"Okay naman po, I guess." I shrugged

"What do you mean?" si Kuya.

Hindi ako nagsalita. Okay naman talaga.

"You can just stay here if you're not okay in your Mom, hija." suggest ni Tita Thelma.

"Your Tita's right. If you want I can talk to Emerald and tell her about you staying with us."

Sumang-ayon naman si Kuya at Tita sa sinabi ni Dad. I shooked my head.

"It's okay Dad. Actually, Mom got me a condo unit."

Napatigil si Daddy at Tita at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"What?" Mas hindi makapaniwala si Kuya Caleb. Kala mo naman kung siya ang tatay ko eh.

I just nodded for the confirmation.

"Is Emerald really out of her mind?" Tumaas ang boses ni Daddy. Kinalma naman siya ni Tita.

"It's okay with me naman po. Besides ako din ang nagsuggest sa kaniya---"

"No, Katana! I know you will not suggest it to her unless she did something wrong that made you do it!"

Hindi ako nakapagsalita dahil alam kong tama siya. Pero gusto ko rin namang bumukod na talaga.

"You can't have your own condo. You're still young for goodness sake!"

"But, Dad. Im eighteen now."

"You are just eighteen!"

Hindi na naman ako nakapagsalita. Tumingin ako kay Tita para humingi ng tulong pero nag-iwas siya ng tingin. Nang tiningnan ko si Kuya ay ganoon rin ang ginawa niya.

"I really can't believe Emerald. She's too much!" Malakas na saad ni Dad bago umalis.

I stayed there a bit longer. Umalis din nang mag 8 pm na. Masama ang loob kong umuwi dahil hindi ko napapayag si Daddy. At kung ano ang ikinagagalit niya ay hindi ko alam at hindi ko maintindihan!

Hindi na ako bata para ikulong niya sa mansyon nila at mas lalong hindi habang buhay ay umaasa ako sa kanila. Hindi ko rin kailangan ng pagiging overprotective niya.

Hindi ko talaga magawang mapalapit sa mga parents ko dahil bukod sa lagi silang busy sa trabaho ay may mga sarili silang pamilya. Palagi akong nasa gitna na animo'y panira sa napakagandang pamilya nila.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon