Kabanata 36

66 0 0
                                    

Kabanata 36

Today is the last week of August. Maraming pasyente sa hospital magmula kaninang umaga hanggang ngayong hapon. It's been a week since my friends started to work at St. Benedict's . Marami na ang nangyari sa nagdaang araw at maging ang sistema dito ay nagbago na rin. Mas humigpit ito na sobrang nagustuhan ko dahil pumabor ito sa akin.

Pero sa kabila noon ay marami pa rin talagang hindi marunong sumunod na hindi ko naman pinalampas.

"Excuse me... Yes, you!" mariing saad ko sa nurse na nakatayo sa nurse station malapit lang sa office ko.

"Y-Yes, Doktora?"

"Hindi ba't na-orient na ang lahat kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin o suotin sa hospital na 'to? Are you absent that time? If yes, may mga rules na nakapaskil naman."

"Nandoon po-"

"Then why are you still wearing that kind of shoes!?" baling ko sa sapatos niyang puti nga, may takong naman.

Hindi siya nakapagsalita.

"Kaya pala ang babagal niyong kumilos, hindi komportable ang mga suot niyo. Mamatay na ang mga pasyente, mga postura niyo pa rin ang inaasikaso at inaalala niyo. Kaninang nagtatawag ako ng nurse na maga-assist sa akin, walang dumating. Dahil ano? Takot kayong madumihan? Nandidiri kayo sa dugo? Bakit pa kayo nag nurse kung ayaw niyo pala ng ganiyang trabaho. 'Yong too? Nursing ba talaga ang tinapos niyo pag-iinarte lang?" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

Alam kong marami na naman silang masasabi sa akin kapag tatalikod ako ngayon, pero ano naman? Totoo naman ang sinasabi ko. Sanay na sanay na akong ganiyan sa US. And no one dare to talk back at me.

Siguro dahil mas malawak ang understanding nila at alam nilang may katotohanan naman sa mga sinasabi ko. Isa rin yan sa mahina dito eh, ang pag-unawa ng mga tao. At ayaw rin nilang napagsasabihan sila dahil hindi nila tine-take iyon as a lesson. Pamamahiya ang iniisip nila doon kahit na para sa akin, I just want to teach them a lesson. For their improvement.

But what can I do? If that's how they handle it, then fine. Basta ako, I am doing it as their senior. Para ipa-realize sa kanila na hindi appropriate ang mga ginagawa nila. I'm only doing my part as one of their leader.

Pabalik na ako sa office ko nang mapansin ang pamilyar na lalaking dumudungaw sa  salamin ng pintuan ng aking opisina.

"Anong ginagawa mo?" malamig na tanong ko kay Calyx bago bumaling sa hawak niyang paper bag.

The shock was evident to his face pero agad ding nakabawi at dali-daling itinago ang paper bag sa likod niya.

"I-I... I just wanted to ask if the patient in Room 407 is already discharged."

"Really? In my office? The information area is there, oh. Does my office look like a nurse station?" I crossed my arms.

"No. It's not like that, Katana- I mean, Doctor Mendez. I just thought this is the... uh... nurse... station? I guess... Yeah. The nurse station."

Gusto kong matawa sa rason niya.

Nurse station!?

"Ang laki ng pangalan ko diyan, oh. Nurse station talaga? Mr. Jimenez, I'm very much offended."

"Anong malay ko dito sa hospital? Hindi naman ako dito nagta-trabaho. Normal lang na maligaw ako."

Maligaw your ass!

"Hindi ka dito nagta-trabaho pero pamilyar ka naman siguro dito. Marunong ka naman sigurong magbasa, hindi ba?"

"Of course! Nababasa ko nga mga replies mo sa'kin dati 'di ba?" he said playfully.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon