Kabanata 33

114 5 1
                                    

Kabanata 33

Elliezel Rianne Romualdez

"The Mendez's princess, Katana Saphira Mendez is spotted at Ninoy Aquino International Airport yesterday." basa ko sa title ng isang article.

Nanghihina akong napaupo sa aking swivel chair. Hindi ko pa natatapos ang article pero mukhang hindi ko na kayang ipagpatuloy pa. Title pa lang hindi ko na kayang umabante pa.

T-This... T-This can't be happening!

Ilang taon na nga ulit? Seven years? Right. Pitong taon. Pitong taon siyang nawala na parang bula tapos ngayon, babalik siya? Babalik siya na gano'n ganon lang? No way!

Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan. Natatakot ako.

Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko at tumakbo patungo sa office ni Calyx.

Yes, papunta kay Calyx.

Sa ilang taong pagkakawala niya, marami nang nangyari. Namuhay kaming normal nang wala siya. Ni hindi na nga namin siya naisip at hindi na inalala pa.

"Hindi ko nakita si Katana kanina sa nursing department ah?" si Krishen.

Bago pa magsimula ang klase namin bilang senior ay nagkaayos ayos na kami. Nalaman na din namin ang tungkol kay Archie at sa pinsan ni Katana. Nagulat kami, siyempre pero no'ng in-explain niya naman sa amin at inayos naman na niya ang sa kanila ni Amira ay naintindihan naman na namin.

Ang nakakapagtaka lang, hindi sumasama si Katana noon kahit na sinasabihan naman namin siya sa mga lakad namin. Balak din naming makipag-ayos ni Audrey sa kaniya. Wala eh, ibang-iba pa rin talaga kasi kapag meron siya.

Naalala ko ang una naming interaction.

First year highschool kami noon. Transferee lang ako sa AU. Unang araw ko doon ay takot na takot at hiyang-hiya ako sa mga kaklase ko. Ako kasi 'yong taong hindi pala-labas ng bahay dahil homeschooled ako. Hindi rin ako nakikipag-usap sa ibang tao dahil sobrang nahihiya ako.

Unang pasok ko palang ay na-bully na agad ako. Kung ano-anong panti-trip ang ginawa nila sa akin. Meron 'yong bigla bigla na lang babatuhin ng mga crumpled papers, papatirin kapag naglalakad, bubuhusan ng kung ano-anong malalagkit na inumin, at kung ano-ano pa.

Isang linggo ko pa lang sa AU dati ay hindi ko na kaya, gustong-gusto ko nang lumipat. Wala akong ginawa noon kung hindi ang umiyak ng umiyak dahil hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko.

Hanggang sa may nakapansin sa akin. Isa siya sa kilala kong hinahangaan ng nakararami, mapa-babae man o lalaki. Matalino, matapang, maganda, mayaman, at hindi basta-basta. Maraming gustong makipagkaibigan sa kaniya, maging ako ay gusto ko rin. Pero naiinis pa rin ako dahil pareho lang naman kami pero ibang-iba ang turing nila sa akin kumpara sa kaniya.

Matalino din naman ako, hindi rin ako pangit, kung pera lang ang pag-uusapan, may kaya din naman ako. Senador ang Daddy ko. Sa pagkaka-alam ko, wala namang mali sa akin. Iyon lang ay sobrang lampa at napaka-iyakin. Pero hindi naman siguro malaking hadlang iyon para kawawain at halos pandirihan ako ng lahat 'di ba?

Second grading na noon, mabuti at natiis ko. Sa tuwing matatapos ang isang grading ay papalitan ng adviser ang seating arrangement namin. Free kaming mamili kung saan uupo. Pero no'ng araw na 'yon, ayaw nila akong paupuin. Sa tuwing lalapitan ko ang bakanteng upuan ay naglalagay sila ng kung ano-anong gamit nila at sasabihing naka-reserba na. Gusto ko na namang umiyak dahil wala talaga akong maupuan.

"Elliezel, dito ka oh." lahad ni Katana sa katabing upuan.

Nagulat pa ako dahil pinansin niya ako. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng taong pwedeng pumansin sa akin ay siya pa talaga. Sa oras na iyon ay nakaramdam ako ng pag-asa at kaginhawaan. Pag-asa dahil nalaman kong hindi lahat ng tao dito ay pare-pareho at kaginhawaan dahil may mauupuan na rin.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon