Ikalawang Kabanata

590 18 0
                                    

Ikalawang Kabanata: Ipapasama


Nataranta ang isip ko sa deklarasyon ni Ronald. Lalo na noong pumasok ako sa maliit na banyo, nag-iisip pa rin ako. Pinaplano ko kung alin at ilan sa mga gamit ang mga dadalhin. Biglaan din kasi ang lahat. At sa pagkakataranta, naghahalo-halo na ang lahat ng mga ideya. Nang dumating ako sa kuwarto, hindi ko na maorganisa ang plano.

"Ronald, tawagin mo ako kung nariyan na sila, ha?" Sigaw ko. Hindi siya sumagot pero alam kong narinig niya ang sinabi ko.

Binuksan ko ang tukador at inisa-isa kaagad ang gamit. Mga damit ang uunahin ko. Iyon din kasi ang naisip ko habang nagbibihis nang wala pang pinal na ideya. Inilabas ko ang mga nasa loob ng isa-isa at nilagay sa ibabaw ng papag ang damit na nakukuha. Naamoy ko pa ang tapang ng insect repellant na ginagamit ko noon.

Isa-isa kong pinasok ang mga damit sa kahon. Ang ilan ay hindi na maayos ang pagkakatupi kaya inulit ko ito bago maayos na nilagay sa loob. Tumigil lang ako sa ginagawa nang marinig ko ang boses ni Ronald sa sala. Bumaling ako sa pintuan kung saan ang direksyon niya. May kinakausap siya.

"Nandyan na ba sila?" nilakasan ko ang boses ko.

"Wala pa," sagot niya, pinantayan ako. Hindi kaagad siya nakasagot.

Sandali akong tumahimik para pakinggan ulit ang kaniyang mga sinasabi. Nang hindi nakuntento, tumayo ako para makita kung sino ang kinakausap nito. Hinawi ko ang kurtinang tumatabon sa pintuan ng kuwarto at naabutan kong nakahiga si Ronald sa mahabang upuan. Nakataas ang kaniyang kanang kamay, kinakausap ang hawak na papel. Sinitsitan ko siya nang hindi niya ako nakita.

Gumalaw siya. Nang makita ang ulo kong nakasilip, agad siyang napa-upo.

"Wala pa nga sila sabi, e!" Giit niya.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa papel na tinatago niya na ngayon sa gilid ng kaniyang bulsa. Tinaasan ko siya ng kilay nang mawala na ito sa kamay niya. Hindi siya makatingin sa akin ng deretso.

"Alam ko iyan, ha. Siguraduhin mo lang talaga Ronald." Banta ko bago bumalik sa loob ng kuwarto.

Ilang oras na ang dumaan, wala pa rin sila. Ilang beses na rin akong nagtanong kay Ronald at ganoon pa rin. Hanggang sa natapos na ako sa mga gamit, wala pa rin.

Nagpasya akong itigil muna ang ginagawa.

Lumabas ako ng kuwarto dahil sa pawis ng katawan ko. Sinabayan ko na rin kasi ng paglilinis kaya pinagpawisan na rin ako. Naabutan kong nakapikit si Ronald habang nakahiga sa mahabang upuan. Nakatulugan niya ang paghihintay sa kanila.

Imbes na gisingin siya, dumiretso ako sa salamin. Hindi na ako nagulat nang makitang nagmamapa ang pawis sa repleksyon ko. I look awful. Hinawi ko ang buhok pakanan at pinahid din ang pawis sa mukha. While I was doing that, bigla kong naisip si Isaiah. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita. Pumupunta pa rin naman ako sa bahay nila pero dahil lang iyon kay Analyn.

I tried to imagine him being bulky as what he physically was before. Aminado naman akong may itsura siya pero dahil yata sa angas niya, iyon siguro ang hindi ko nagustuhan sa kaniya. Bigla ko namang naalala ang atraso ko. Kahit na may kaunting bundol ng kaba, binalewala ko nalang. I tried to cool it down by changing clothes after doing everything I have to do. Sinuot ko ang isang pulang tee shirt na presko sa katawan. Hindi na ako nagpalit ng shorts.

Nasa kusina ako umiinom ng tubig nang marinig ko ang pamilyar na tinig ni Manang Dessa sa labas. Nagmadali kaagad ako para salubungin siya.

"Manang, pumasok po kayo," salubong ko sa kaniya.

Napansin ko kaagad ang taong nasa likod niya. Sa suot nitong asul na kamisadentro, halatang kadarating lang galing lakad. I noticed how it's perfectly tucked in his denim jeans. I tried not to admit it. But he looks dashing. I returned my eyes to his after noticing his tall boots assuming its prowess.

Rhythm of Lies (Daguitan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon