Ikadalawampu't Walong Kabanata

252 9 8
                                    

Ikadalawampu't Walong Kabanata: Ama

"Ano ang nangyayari rito?"

The Don, without giving all his power, made everyone's attention drawn to him.

Tinalikuran ko si Isaiah at humarappara mapanood ang paglapit niya sa gita. Unti-unti na ring nag-atrasan ang mga tumutulong sa pag-awat sa dalawa na ngayon ay nabawasan ang tensyon dahil sa lolo nila. But I remained from where I am standing. Ganoon din si Analyn sa tapat ni Isaac. Pero siya, hindi na inalintana ang lapit niya sa lalaki sa likod.

"I'm teaching the black sheep of our family a lesson, Lolo." Si Isaac, dahilan para mapatingin sa direksyon namin ang matanda.

Nagulat ako sa paraan ng kaniyang paglalarawan sa kaniyang kapatid. Lumagpas din ang tingin ko sa dalawang matanda sa takot na baka mapunta rin sa akin ang atensyon nila. Ngunit wala yatang silbi iyon dahil naramdaman ko ang paggapos ng mga kamay ni Isaiah. Nakita ko ang pagbaba roon ng tingin ng Don.

"What are you doing here?" tanong nito nang dumapo ang mga mata sa akin.

"Kuya doesn't know anything, Lolo."

Isaiah pulled me even closer.

Napakagat ako sa ilalim ng aking labi at napasunod sa ginawa niya. I heard the Doña hissed, pinapanood ang ginagawang pagprotekta gn apo sa maaring gawin ng asawa niya. I stopped when I realized what I am trying to do to them.

"I-Isaiah..." pigil ko sa pagsubok niyang ilagay ako sa likod niya.

He looked down at me, but my eyes are still pasted on his grandfather's eyes. I saw how his eyes turned like wildfire.

Napalunok ako.

"Isaias, hayaan mo na sila," narinig ko pagsubok na pigilan siya ng Doña.

Hindi siya nilingon ng asawa.

Ang ilaw sa carport ay tumutulong upang mas lalong madepina ang lalim ng kaniyang mata. Lumapit ito kaya mas inilag ako ni Isaiah sa likod nito.

"Lolo, I said Kuya doesn't know anything! Kung ano man ang mga sinabi niya sa 'yo tungkol sa kaniya noon, mga paratang niya lang 'yon!" Pinisil ko ang braso ni Isaiah para pigilan siya sa pagsasalita. Ngunit nagtuloy tuloy lang ito. "Speculations don't have proof so why will you believe him? And if you'll be against to our relation, then don't be. I'll be better."

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy ni Isaiah pero patuloy ako sa pagpipigil sa kaniya sa pamamagitan ng pagdiin sa paghawak sa kaniyang brasong pinanghaharang.

And based from what he said, they're speculating me for something. Dahil ba iyon sa nangyari sa amin noong una? Kinabahan ako. Matagal ko na itong dinidibdib noon pa at takot akong ungkatin iyon. Inaamin ko ang kasalanang iyon kaya ngayong pinapatira nila ako rito, kinakain ako ng konsensya ko.

"And I will protect her from anything else, lolo. She's mine and Kuya can't stop me,"

"Baliw na talaga itong batang 'to!" Si Isaac.

"And what? Naiinggit ka ba dahil itinali ka sa iba?"

I wasn't expecting for another brawl to happen. Nagsilabasan na rin ang mga tauhan dahil unti-unti na mang kumakalma ang dalawa. Pero dahil sa binitawang salita ni Isaiah, parang gatilyo ito ng baril dahilan upang sumabog ang kapatid nang tamaan nito sa sinabi.

Marahas itong lumapit at isang suntok agad ang iginawad sa kapatid.

Napasigaw ako dahil muntik akong matulak.

"Don't you fucking compare me because you're just a fucking mess to this family!" Kinuwelyuhan niya agad ito.

"Isaac, please!" nakalapit na rin si Analyn.

Rhythm of Lies (Daguitan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon