Ikadalawampung Kabanata

251 11 8
                                    

Ikadalawampung Kabanata: That's Final


Alas tres no'ng Lunes, isang araw ang lumipas, matapos ang selebrasyong iyon. Payapa ang building ng buong kolehiyo paglabas ko ng classroom. Pero imbes na dumiretso sa gate, lumiko ako sa daan papuntang library.

Ngayong araw ang alis ng Don at Doña. Hindi ko na inalam kung anong oras ang alis nila basta noong papunta na ako sa eskuwelahan kanina ay naghahanda na sila.

Kahapon nagpahinga lang ang pamilya, kasama na kami, dahil nakakapagod naman talaga ang nangyari. Pasalamat ko nalang din dahil hindi na muling pinansin ni Isaiah ang pag-iwas ko sa kaniya.

Kumuha ako ng libro sa sa library at umupo agad sa mahabang lamesa. Wala gaanong tao kaya malaya akong nakapili kung saan pupuwesto. Mas pinili ko iyong tinatamaan ng wall fan ng libary.

"Katherine, hinahanap ka ng guard sa classroom natin kanina. May naghihintay raw sa 'yo."

Nag-angat ako ng tingin sa kalagitnaan ng binabasa at nakilala agad ang kaklase na kakaakyat lang ng library.

Kumunot ang noo ko, inalala dahil wala naman akong alam na may maghahanap sa akin. Pumasok sa isip ko si Ate Zydda ngunit hindi naman ako nakatanggap ng text galing sa kaniya.

"Sino raw?"

"Hindi ko alam. Akala namin nakauwi kana. Kaya sinabi namin sa umalis kana sa campus."

Tumayo ako at nagligpit kaagad.

Nagpaalam ako sa kaklase at bumaba agad, baka sakaling maabutan ko si Ate. Dala na ang bag, sinubukan kong itext siya sa gitna ng halos patakbong mga lakad. Pinasok ko agad sa bulsa ng saya ang cellphone nang mapindot ang send at tuluyan nang tumakbo.

Nakaliko na ako sa likod ng academic building, hindi na kalayuan ng gate, tumigil ako sa pagtakbo nang makita ang taong naghahanap sa gate. His height and masculinity is towering everyone on that tiny shed. Kinakausap niya ang guwardyang siguro'y naglibot para hanapin ako.

"Isaiah!"

Lumingon silang dalawa sa direksyon ko. Tuluyan na akong lumapit pero hindi ko na inalis ang tingin sa kaniya.

His lips rose the moment he realized it was me.

"Pasensya na! Nasa library ako kanina no'ng maglibot ang guwardya," dumako ang tingin ko sa guwardyang nagkakamot na sa ilalim ng suot nitong cap. "Sorry po, Kuya," I said, lowering my head to him a little.

"I was about to call you," ani Isaiah.

Napakagat ako ng labi.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

"Pumunta ako rito para sunduin ka."

"H-hindi mo naman kailangang gawin 'to." Binalik ko ulit ang tingin sa mama. "Pasensya na po talaga, Kuya,"

"Ayos lang, Ma'am!"

Kinuha ko ang malaking palapulsuhan ni Isaiah at hinila siya papunta sa sasakyan niyang nakita ko agad paglabas namin sa shed ng gate. He used his modified jeep. Binitawan ko rin agad siya nang pagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok ako.

Hinintay ko si Isaiah habang nagmamadali siyang umikot sa kabilang pinto. Binuksan niya agad ang makina pagkapasok.

"Naihatid niyo na ba ang Doña?"

Tumango siya at bumaling. "Si Papa ang nagdrive sa kanila."

"Hindi mo naman kailangang pumunta rito para sunduin ako." Muli kong pagbabalik sa nasabi ko kanina. Palayo na kami ng community college ng Burauen.

Rhythm of Lies (Daguitan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon