Ikadalawampu't Siyam na Kabanata

251 9 5
                                    

Ikadalawampu't Siyam na Kabanata: Salmon


Wala ako sa sarili para damdamin pa ang sinabi ni Manang Dessa.

Masyado pang magulo ang utak ko at kinakain pa rin ako ng dadmamin ko matapos ang mga nangyari at balita. I feel like the world is against me. Patay rin ang cellphone ko hindi pa man nakakarating sa hospital dahil panigurado akong may mga mensahe akong matatanggap galing sa kaniya.

Nakakatawang isipin dahil sobrang bilis ko palang sumuko sa kaniya. Mababaw kung tutuusin pero hindi ko naman maipagkakaila na noon pa man, itinuring ko lang na karanasan si Isaiah. Everything, including what happened between us on that damn river. Pero habang nasa labas ako ng kuwarto, parang may kung sa akin na palaging napapabaling tuwing may napapadaang tao sa corridor papunta sa amin.

At kagaya ng sinabi niya kagabi, ipapalipat ang kapatid ko at naka-schedule iyon mamaya dahil tinatapos pa ang iilang papel na pinoproseso.

"Alam ko ang nangyari sa 'yo."

Nagulat ako at agad napalingon sa kalalabas lang mula sa pintuan na si Manang.

Kinabahan agad ako pero halata sa mukha niya ang pag-aalala.

Bumaba ang tingin ko para hindi niya masyadong mahalata ang sakit na sumisilip ito sa mga mata ko. Lumipas na ang tanghalian at aminado akong hindi nawawala sa aking ang pag-asa. Pag-asa na baka mamaya, si Isaiah, bibisita rito, pananatilihin ako. At habang iniisip ko ito, napapagtanto ko na malaki ang magiging epekto nitong naging desisyon ko para sa kaniya.

May kaunting kaba akong nadama pero mas napanalig ako lalo na noong lumapit sa akin si Manang.

Umiling ako sa kaniya, hindi alam kung ano ang sasabihin.

Tumuloy siya sa paglapit. Napaangat ako ng tingin.

"Narinig ko noon sa mga kasambahay ang nangyari sa inyo ng Doña Maderal. Nabahala ako roon. Lalo na dahil matagal na itong may ayaw sa mama mo." Nanatili ang tingin ko. Biglang nauhaw ng impormasyon ngayong binanggit niya ang yumao kong mama. "Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya noong umalis siya rito. Pero nagulat na lang ako na pagbalik niya, matapos ang ilang taon, dala-dala kana niya."

"P-Papano ninyo nalaman kung sino ang papa ko?" dahil ako ay walang may naalala sa kaniya.

Inabot ni Manang Dessa ang kamay ko. Hindi pinansin ang tanong ko. Pero sa paraan ng pagdampi ng kamay niya sa balat ko roon, parang nahele ako. Naisip ko tuloy si Ronald.

"Noong una, inakala kong anak ka ng Maderal... ni Isaias Jr."

Napalakas ang pagsinghap ko matapos niyang sabihin iyon. Pero ngumiti siya at kalaunan ay umiling.

"Pero mali pala ako."

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?"

"Matagal na noon pa na may namamagitan kay Lucencia at... sa Senyor, si Isaias Jr., na ngayon ay asawa na ni Lucille. Akala ko noon natigil ang koneksyon nilang dalawa." Sumilay ang ngiti sa kaniya kasabayng bigong iling. "Tandang-tanda ko noong nagbubuntis si Lucille sa panganay niya, kay Isaac, sumama si Isaias Jr. sa pagkawala ng mama mo."

Hindi ko na naalis ang titig ko sa kaniya. Tinatanggap ang detalye sa bawat pangungusap na lumalabas sa bibig niya.

Wala akong kaalam-alam nito.

Iyon din ba ang dahilan kung bakit sa likod kami ng bahay ng mga Maderal nakatira?

"Kasambahay lang kami ni Lucencia at palagi niyang sinasabi sa akin ang tungkol sa pagkakagusto niya sa senyor ninyo."

Rhythm of Lies (Daguitan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon