Ikalabing Apat na Kabanata

262 11 0
                                    

Ikalabing Apat na Kabanata: Thank You


Nawala sa isip ko si Isaiah nang magsimula na kaming magpractice ng banda sa loob ng bar. The band is considerate. They would ask my preferred key for every song but I am not knowledgeable to that. Instead, I play along the rhythm they make.

"Ayos na 'yan." Sabi ni kuya Vince sa grupo matapos ang ilang kanta.

The whole bar is empty from peope. Buong buo ang boses ko sa loob pero alam kong matatabunan ito mamaya lalo na kung sasabay ang mga tao. Huminto ako sa pagkanta at napalingon sa kanila. Naabutan kong umiinom si Kuya ng tubig sa kaniyang hawak na bote. Ipinatong ko ang mic sa stand sa harap at tumayo sa pagkakaupo para lumapit sa kanila.

"You're nailing every song."

Tumabi ako kay Kuya Vince. Dumiretso ang tingin ko kay Kuya George na nasa likod ng kaniyang drums. Nakatayo na ito at nasa ere ang kanang kamay para abutin ang binibigay ni Joshua na bote.

Kung tutuosin, hindi ako kampante ngayong pinupuri ako. Ngumiti ako at itinuon ang atensyon sa sinasabi ni Kuya George.

Hindi ako nagkamali nang sinabi kong marami ang dadalo. Ang kaso lang, hindi kagaya noong una, mga kabataan ang narito ngayon. And the songs we've been practicing earlier do not match the vibe for tonight. Sumunod ang isang malumanay na kanta, biglang nabuhay ang mga tao sa malayong gilid na lamesa. Minulat ko ang mga mata ko para tingnan iyon at nakita kong lahat ng atensyon ng mga tao ay nasa kanila na pala.

Someone stood up to point a friend in their table.

"Broken hearted!"

I smiled. Nagtawanan naman ang mga tao.

Alas nuebe treynta, nakababa na ako ng bar. Matapos kong magbihis kanina, bumaba kaagad ako. Ngunit sa hagdanan pa lang, napagtanto kong wala pala akong masasakyan. Sinarado ko ang glass door ng restaurant pagkalabas. Dinukot ko ang cellphone mula sa bag para itext si Ronald na matatagalan ak sa pag-uwi. Nakiusap ako sa text na hintayin ako hanggang makauwi.

I texted Ate Zydda after sending the message to my brother. Agad naman siyang tumawag pabalik.

"Kay Alfred ka nalang makitulog ngayon."

Maingay ang backround niya. Mukhang nasa kaniyang racket na naman siya ngayon. In the end, I didn't ask for Alfred's help.

Tiningnan ko ang buong kalsadang hindi na gaanong abala ang mga sasakyan. May mga bukas pa namang establisyemento sa bawat gilid. May mga tao ring kagaya ko naglalakad.

Hindi na nakapagreply ang kapatid. Siguro iniisip niyang hintayin nalang akong makauwi. Pero habang naglalakad, napagtanto ko namang hindi ko alam saan ako sasakay. It took me few steps to see people from the other side of the road standing. Sa tabi ay isang kilalang fast food. Tumawid ako para makahalo sa kanila.

Tuwing may napapadaang multicab, nababawasan din kami ng bilang. Few minutes later, my phone rang. Inangat ko agad ito at nakita ang pangalan ni Manang Dessa.

"H-hello, Manang?" Bigla akong kinabahan.

"This is Lucille, hija. Where are you right now? Papunta na riyan si Isaiah para sunduin ka."

Agad na napatingin ako sa paligid.

"N-nasa isang shed lang po ako. Malapit lang sa SM."

"Okay. Just stay there. Huwag ka lang munang aalis diyan. Sino ba ang kasama mo?"

"Ako lang po... pero may mga tao naman po rito, Madame."

"Ohh. Okay then. Just stay there."

Parang may bumara sa paghinga ko ngayong nalaman ng Madame na wala akong masakyan pauwi. At sa paraan ng pagsasalita nito, mukhang inabala pa niya si Isaiah para lang masundo ako. Sana sinunod ko nalang ang sinabi ni Ate Zydda. Na magtanong na lang kay Alfred para sa kaniya nalang makitulog ngayong gabi.

Rhythm of Lies (Daguitan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon