Ikadalawampu't Dalawang Kabanata

217 11 2
                                    

Ikadalawampu't Dalawang Kabanata: Baby


Isaiah:

Sorry about last night. I was so exhausted.

Isaiah:

Take care. I love you.

Dalawang magkasunod na text ang natanggap ko mula sa kaniya. Napangiti ako sa huling pangungusap ng kaniyang text. Magtitipa na sana ako kaya lang, muling bumaba si Ate Zydda. Nagulat ako dahil akala ko naka-akyat na siya.

"Ate, susunod nalang ako." Sabi ko.

"Mamaya na 'yan! Nasa taas na sila. Pati iyong kasama mo."

"Magrereply lang ako—" naputol ako sa pagsasalita dahil pinandilatan niya na ako.

Mamaya nalang ako magtitext kay Isaiah. Kaya imbes na sundin ang gagawin, umakyat ako, nakahawak si Ate Zydda sa kabilang braso ko. She keeps on lamenting while we were walking up to the second floor. Nang marating namin ang palapag, nakatingin na sa amin ang isang babae at lalaking kaharap nito na nakilala ko kaagad.

Nagulat ako dahil hindi ko alam na sumali pala siya!

"Zenny!" Sabi ko sa dati'y nakakalaban ko lang sa mga contest. I immediately knew that he's my co-talent for this season. Dahil nakangiti na siya bago pa man ako matapos sa pagkakamangha.

"Sumali ka pala!" Hindi ko na napigilan ang sarili.

"Hindi mo 'ko napansin?"

Nakangiti parin ako sa pagkakamangha. Umiling ako at napatingin kay Ate Zydda para ituro siya. Tumango naman ito nang ituro ko. As if she knew I will be meeting him. Masyado na ba talaga akong lunod nitong mga nakaraang araw para hindi ko mapansin si Zenny?

"Nice to meet you, Katherine!" Bati naman ng coach. "Iniintroduce ko lang kanina ang mga possibilities na baguhin sa paraan ng pagkakanta ni Zenny. I've seen your videos already." Tumango ito. "Powerful ang boses mo."

Nahiya naman ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kailan ko sasanayin ang sarili sa mga ganitong paraan ng pagpupuri. Lalo na dahil sinabayan ito ni Zenny.

"Kaya tiklop kaagad ang mga kalaban kung kasali siya, Ma'am Jess."

We first had our vocal warm-up before she tested the ranges of our voices. Nasa forties na ang edad ni Ma'am Jess. Kahit ang flower print ng kaniyang shirt dress ay hindi pumapantay sa edad nito. Ganoon pa man, she made herself jolly to while coaching us.

Naghihintay lang sa may upuan sa tabi ng maliit na kuwartong nagsisilbing opisina ng aming coach si Ate Zydda. Nakikita kong abala siya sa kaniyang cellphone at iyon ang kaniyang ginagawang pamatay oras habang naghihintay.

Bago kami natapos, pinaalalahanan kami ni Ma'am Jessica sa mga bawal naming kainin at inumin. Alam naman iyon ng mga kagaya kong umaawit kaya madali lang talaga itong sundin. Isa pa, matagal ko na ring desiplanado ang sarili ko sa mga bagay na ganoon.

"May hihintayin tayo, ate?" Tanong ko sa kaniya ng manatili kami sa tapat ng building matpaos magpaalam sa amin ni Zenny.

The session was actually fun. Marami akong natutunan at mga nalamang mga technique para mas ma-prolong at maalagaan ang boses habang umaawit.

Inangat muli ni Ate Zydda ang kaniyang cellphone. Nagtipa siya roon at mukhang naiinis na naman dahil wala pa ang sino mang susundo sa amin ngayon.

Naalala ko ang mensahe kanina ni Isaiah. Hindi pa pala ako nakakapagreply roon! Kinuha ko ito mula sa bag. Mabilisan akong nagtipa bago pa man dumating ang susundo sa amin. Sending na nang maisip ko si Ronald. Puwede ko namang tanungin ang kapatid para mahingan ang numero ni Lito. Makikisakay kami.

Rhythm of Lies (Daguitan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon