Ikaapatnapung Kabanata

312 7 1
                                    

Reader's discretion is advised. Read at your own risk. Chapter contains mature scene.

--

Ikaapatnapung Kabanata: No Other Choice


My mind was pasted with thoughts about Isaiah and with whatever it is that they suddenly had between my son. Dahil alam kong noon pa man ay ayaw mahiwalay sa akin ni Paul. Kaya noong sinabi niya iyon sa akin, alam kong may kinalaman ang lalaking ito.

Paul actively ate his food while Jenine tried to help him.

"It's okay, 'nine," I said when Jenine decided to offer help to Paul who's obviously trying hard to open the clam.

Halo-halo ang pagkain namin kasama na ang seafood na narito.

Kanina pa nagmamaktol si Paul tuwing tinutulungan ng katabi. At halata namang nagpapabida lang ang bata. Gaya nalang ng ama nitong nasa tabi ko, na may mga sinasabi sa tabi ko ritong panghahambog na naman. Akala niya magpapadala ako.

New course was served. Mga panghimagas naman ang nasa harapan namin. At palagi ang pagsaway ko kay Paul dahil sobrang rumi nitong kumain. Nagkakalat pa ang cream sa kaniyang mukha.

"Let him," si Isaiah sa tabi ko na pinapanood lang ang anak.

Hindi ako makapag-concentrate sa kinakain dahil pabalik-balik ang tingin ko sa bata. Jenine is helping him but Paul keeps on insisting to do it himself. Kaya naman ng bata. Kaya lang, ngayong medyo hindi nito alam paano ang tamang pagkain, nagkakalat siya sa sarili niya.

I only imagined Isaiah being that way when his younger days. Paniguradong stress ang dulot niya sa Madame Lucille noon at sa Senyor. Hindi ko napigilana ng ngiti. Isaiah was occupied so he failed to notice that.

When we were already done, I helped Jenine wipe my son's dirty face. Pinatanggal ko na rin ang damit kahit narito pa kami sa loob ng resto. There were only few diners by that time so I had the confidence to change my son. Isaiah was calling someone through his phone.

"Look at you already," mariing bulong ko sa anak nang 'di ko na napigilan ang sarili. Na-pressure na rin dahil may lumapit na sa aming staff para tumulong.

Paul is wiping himself from the mess he's done now. Finally, realizing it. Nakatayo na rin ito sa couch ngayon. Ilang sandali pa ay naging malinis na rin si Paul. May lalaking lumapit sa amin, kay Isaiah, at pumirmi ang tingin ko sa paper bag na inabot nito sa kaniya. Nasa harap lang siya kaya nakita ko.

Paul continued wiping his now cleaned arms.

I watched Isaiah said thank you to the man, turned to my direction, and held out the paper bag. Tinitigan ko muna ito bago tuluyang tinanggap. It's a shirt. For Paul. Iyon ang laman ng tingnan ko ang loob.

Paul continued cleaning his clean self. Binaba ko na ang hawak niya at ipinaalam na ayos na ito. Kinuha ko rin ang damit sa loob at isinuot sa kaniya. While doing that, Paul keeps on saying how sorry he is to me. Panay naman ang tango ko at marahan ng hinahaplos ang buhok pababa sa may pisngi.

"It's alright now, baby," bulong ko, bahagyang nag-squat, pinaglebel ang ulo namin. He reached me and hugged me. Hinalikan ko na rin ang pisngi.

I can feel that Isaiah is now looking at us. Hindi ko alam kung tapos na siya sa kung ano man ang gagawin niya kaya sinabi ko nalang sa anak na, "We'll have to wait for papa, okay?"

Tumango si Paul at pinutol na ang pagyakap sa akin. Nahagyan niyang nilayo ang ulo niya para tingnan ako. I smiled and pecked for another kiss on his cheek.

Nililinis na ang lamesa namin ngayon.

Umayos ulit ako ng tayo at tumalikod para humarap kay Isaiah. Sumunod sa pag-angat ko ang pag-angat ng kaniyang mata. Nag-angat ako ng dalawang kilay.

Rhythm of Lies (Daguitan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon