Ikalabing Isang Kabanata

289 13 0
                                    

Ikalabing Isang Kabanata: Nahuli


Pagkasarado niya ng pinto ay ang pagbukas ko naman ng akin. Hindi ako nahirapang makababa at nang nakaapak ang paa sa lupa, hindi ko na nilingon si Isaiah. Naglakad agad ako patungo sa cabin. The cabin is all white and is elevated one or two feet away from the ground. Mahaba ang katawan nito at may dalawang magkatabing pinto na sa tingin ko ay magkaibang kuwarto.

Sa kanang pinto may nakalagay na office sa itaas. Tiningnan ko isa pang kuwarto pero bago iyon ginawa, nilingon ko muna si Isaiah na naglalakad na patungo sa mga nagtatrabaho sa malayo.

The room is empty. I can what's inside the left room because the two sliding windows are open.

Nawala lang ang tingin ko roon nang nasa hagdanan na paakyat ng cabin. Pinihit ko agad ang seradura at pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang isang babaeng gulat ang mukha dahil yata sa pagpasok ko. Nasa likod siya ng kahoy na lamesa. At sa paraan ng kaniyang pagkakatayo, mukhang dahil ito sa pagkakabigla.

"S-sorry!" Agad na sambit niya.

Napansin ko agad ang pagkakapareho namin ng tangkad. Pero hindi kagaya ko, morena ang kutis niya at unat ang buhok. I am the opposite.

"Pasensya na," tugon ko pagkatapos ay tinuro ang pinto. "Nasa labas na raw si Isaiah,"

Balisa ang mga mata niya nang ngumiti sa akin at tumango.

"Mauna muna ako sa iyo..." aniya at lumayo sa pinto.

Mabilis niya akong nilagpasan at agad ding nakalabas. Parang magnet naman na sumunod ako sa pintuan. Nakakapagduda. Umikot ang ulo ko para tingnan ulit ang lamesa sa likod ko. Tanging vase lang at isang naka-pile na mga papeles ang nasa ibabaw nito. Muli kong binalik ang tingin sa papalayong si Edelyn. Nang hindi na mahagilap, tumalikod ako at binalik sa pagkakasarado ang metal na pinto.

"Magnanakaw." Bulong ko sa sarili. Ang mga mata ay nasa lamesa na. Lumapit ako at dumiretso sa likod nang nakalapit.

Her actions were doubtful.

Pero mukhang wala namang may ginalaw dahil maayos naman ang mga drawer.

Dahil sa mga iniisip, dumapo ang dulo ng tatlong daliri ko sa baba ng unang drawer at nang mapagtantong butas nito, walang pag-aalinlangan ko itong hinila. Walang laman nang bumungad sa akin ang loob ng drawer. Tinulak ko ulit ito at sinubukan naman ang isa sa ibaba. Malalim kaya ginamit ko ang isang tuhod para masuportahan ang sarili. Nahulog pa ang ilang hibla ng buhok sa ginawa.

Edelyn is not an acquaintance. Maybe she's from the Fort but stealing something from Isaiah is different. Natigilan ako. Napalingon ako sa kaliwa at nakitang may iilang gamit doon. Maluwag din ang espasyo. Sa tapat ng mahabang couch ay ang maliit na lamesa na may nakalagay na iilang bag at mga papeles din.

Bumukas ang pinto at lumipat ang tingin ko doon.

"Wait-what are you doing there?!" A tall familiar guy lurched to reach me. "Are you stealing something?"

Ragnar's right hand got my upper arm. Umiling ako sa kaniya nang buhatin niya ako roon. Agad lumakas ang tibok ng puso ko.

"Magnanakaw ka!"

Umiling ako, nanlalaki ang mga mata.

"S-si ano—" I tried to utter Edelyn's name but he immediately cut me.

"What the hell?!"

His brows are furrowed. Sinundan ko ang tingin niya na nasa binuksan kong mas malalim na drawer. Hindi kagaya kanina, may laman pala iyong mga envelop.

Rhythm of Lies (Daguitan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon