Ikalabing Dalawang Kabanata

298 12 0
                                    

Ikalabing Dalawang Kabanata: Silhouette


Naalimpungatan ako galing sa malalim na tulog kinabukasan dahil sa mga nag-uusap mula sa dining. Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakahiga para tingan ang pinto. Madilim pa ang buong paligid ng kuwarto kinuha ko ang cellphone sa ilalim ng unan. Binuksan ko agad ito nang maharakan. Four thirty nine pa lang ayon sa oras ng cellphone ko.

Tumagilid ako sa pagkakahiga matapos kong ibagsak ang cellphone sa tabi ng unan. Pinikit ko ulit ang mata pero nang makilala ko ang boses ng dalawang nag-uusap, muling bumalik sa pagmulat ang aking mata.

It's Manang Dessa and Madame Lucille. Umayos ako ng pagkakahiga para mas mapakinggan ang pag-uusap nila.

"Hindi naman ganoon karami. Puwede ka namang dumiretso sa Costiniano pagkatapos ng samba." Boses ni Manang Dessa.

"Mas mabuting makita nila na kumpleto kaming pamilya." Giit naman ng boses ng Madame.

Tumigil sandali ang pag-uusap. Pero ilang sandali lang, muling nagsalita si Manang.

"Baka mas lalo lang iyong ipagtaka ng mga nagsisimba."

"Hayaan mo na. Nagkasalubong kami kanina ng Mayor kaya alam niyang nandito na ako,"

Nakarinig ako ng mahinang paghinga. Mukhang may panlulumo ang sino mang pinanggalingan noon. Muling tumahimik ang paligid. Akala ko masusundan pa ang kanilang pag-uusap ngunit nag-abang pa ako hanggang sa muli akong dalawin ng antok sa muling pagtahimik ng paligid.

Nagising ako bandang alas siyete ng umaga. Pagsarado ko ng pinto, saktong pagpasok naman ni Isaiah sa likod ng bahay. Agad kaming nagkatinginan pero nag-iwas agad ako. Naglakad agad ako patungong banyo.

The breakfast is already served. Halatang bagong lagay lang ang mga ito dahil ang mga platong naka-imbak sa gilid ay nilalagay pa sa tapat ng mga upuan.

Hindi ko nilingon si Isaiah nang isarado ko ang pinto ng banyo. Nag-ayos lang ako roon. Nang makuntento na, lumabas agad ako. Mabuti nalang hindi na siya mahagilap sa kusina paglabas ko.

"Hihintayin pa natin ang Madame at si Manang," sabi noong isang kasambahay sa isa pang nagtanong rito.

"Anong oras daw sila babalik?"

Sabay silang napalingon sa akin nang bigla akong nagsalita sa likod nila. Agad nagtungo ang mata ng isa sa kaniyang kasama. Tipid akong napangiti dahil halata ang pagiging hindi kumportable ng isa sa akin.

"Narinig ko kasi sila kaninang magsisimba." Dagdag ko.

"Pauwi na yata sila. Isang oras lang naman ang simba kaya pauwi na siguro iyon."

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nasa may dining na ako nang natanaw ko si Isaiah na naka-upo sa pang-isahang couch na naroon sa living. The way his long legs are apart from each other is making the couch seems so little. Nakatukod sa ibabaw ng kaniyang hita ang kaniyang magkabilang siko dahil abala siya sa laptop na nakapatong sa katapat nitong malapad na coffee table.

Biglang gumalaw ang mga mata niya patungo sa direksyong kinatatayuan ko. Agad akong nag-iwas ng tingin. To make it seems like I am looking at the view outside the window behind him, pinadulas ko agad ang tingin ko roon. Tumango-tango pa ako para mas kapanipaniwalang inoobserbahan ko ang halamang nasa labas ng bintana nila.

It was effective. Dahil nang ibalik ko ang tingin sa kaniya ay nasa laptop na ang atensyon nito.

Naging abala ako ngayong araw dahil sa mga text sa akin ni Ate Zydda.

Ate Zydda:

Basta ikaw na ang pinakilala ko. Diba sabi mong wala kanang pasok next week

Mabilis akong nagtipa sa reply niya. Nasa kuwarto ako nakaupo sa gilid ng kama. May hinahanap kasi kaming puwedeng karetan ngayong summer. Sinuwerte dahil may kakilala pala siyang naghahanap ng entertnainer sa bagong bukas nitong bar sa syudad ng Tacloban.

Rhythm of Lies (Daguitan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon