Chapter 11

48 4 0
                                    

The next morning was a bit lack of sleep for me. Halos maghahating-gabi na akong natulog dahil late din akong naihatid ni Kali. Mabuti nalang ay nag-set ako ng alarm nang sa gano'n ay kung hindi ko maalalang magising ng maaga ay may alarm naman sa tabi ko.

At dahil naayos na ni Mommy ang mga puwedeng ilagay sa condo ko, nagluto na ako ng agahan.

Mabilis akong kumilos, kumain at naligo. Kapag nalate nanaman ako ay paniguradong mapapahiya nanaman ako sa Professor ko kapag pumasok ako.

Tinawagan ko si Manong ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Baka wala pa siya sa baba ganong nakabihis na ako't lahat lahat.

Palabas na ako ng condo ko nang naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Isang text galing kay Sierre.

Sierre :

Nauna na ako sa school, sorry hindi na kita nahintay, baka pagalitan ako ng Professor ko, e.

I tipped a message.

Me :

It's fine. Nagmamadali na din naman ako at baka mapagalitan din ako ni Mr. Tylo. Okay, see you later!

Nilagay ko na sa bag ko ang aking cellphone at dumiretso sa pinakamalapit na elevator. Bumukas ang elevator at ipinakita nito si Kali na naka uniform at maayos na pananamit. May dalawang babae sa loob ng elevator na animo'y hindi na makahinga dahil sa kilig.

Pumasok na lamang ako sa elevator at hindi na pinansin pa ang mga nando'n.

"You'd be late." bigla ay banggit niya.

"I know."

"You're not scared to be scold by your teacher?"

"Why would I be?" kunwari ay matapang kong sagot.

"Tss." he just murmured.

The elevator door chime sounded and it means that were on the ground floor. Kasunod ko si Kali na lumabas dahil pareho lang din naman kami ng pupuntahan. Tinatawagan ko si Manong driver habang naglalakad ngunit ni isang tawag ay hindi siya sumagot at patuloy parin siyang hindi sumasagot.

Nakatayo na ako sa parking area, naghihintay na sagutin ni Manong ang tawag habang si Kali ay papunta na sa kaniyang SUV. Nang madaanan niya ako ay naisip kong sobrang late na talaga ako.

"Argh! I'm super late, damn!"

Tatawagan ko na sana ulit si Manong driver nang makita ulit ang kotse ni Kali sa harapan ko. Bumalik ba siya? Baka may nakalimutan.

Itutuloy ko na sana ang pagtawag nang bumukas ang window ng front at driver seat ng kaniyang kotse. Dumapo ang tingin niya sa akin. I can see his facial expression from here. His dark aura is a bit expressive on his thoughts, tila ba ay yayayain ako.

"Sakay." he said.

"Huh? Sakay? Uhh... Hindi na, dadating na din si Manong, eto nga o, tinatawagan ko na." I gave him a fake smile.

"Gusto mo ba talagang maging late ng sobra?"

I'm lost. "Fine."

Sumakay na ako sa front seat ng sasakyan niya dahil doon ang malapit at doon din naman ang gusto kong puwesto.

"You're not scared to be scolded, huh?" nakangising tanong niya.

I somehow felt a bit vexed of what he said. My brow raised a bit on him.

"I thought we had a deal?"

Bumaling ang tingin niya sa akin. "What deal?"

Oh? Mabilis pala makalimot ang isang tao? Kaya pala nakalimutang magpaalam bago humalik.

Forbidden ChasingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon