Chapter 19

19 4 0
                                    

One day before 2nd semester will begin, I remembered what Sierre said. We'll go and party first.

Isang umaga ay ch-in-eck ko ang messenger account ko para i-chat sina Sierre tungkol sa party dahil gusto ko nang mag party. Hindi naman na kaming masiyadong nagde-date ni Kali dahil ang sabi niya sa akin ay tumutulong siya sa Daddy niya sa hospital nila.

Ch-in-eck ko muna ang group chat namin para sa bagong messages nilang dalawa. Wala naman akong nakitang bagong mga messages nila kaya't nagtipa nalang ako ng message na mai-sesend sa kanila.

Me :

Hey! Care to fulfill your words @Sierre?

Tinutukoy ko ang party na sinasabi niya noon sa amin ni Avy. Hindi pa nag delivered ang message kaya't b-in-ack ko muna. Sumunod sa group chat namin ang chat ni Kali na bagong sent lang. Ch-in-eck ko ito.

Kali :

Good morning, eat your breakfast!

I'm going now!

I'm fuckin' missing you, damn it.

Iyan ang mga huling messages niya sa conversation naming dalawa. S-in-wipe down ko pa at nakita ko rin ang iilang messages na kagaya rin ng latest messages niya. Tinitignan ko ang mga dati niyang messages nang may napansin akong kakaiba.

Kali :

You're beautiful whatever you wears.

Tinignan ko ang date kung kailan niya ito s-in-ent at hindi ako puwedeng magkamali. Ito ang araw kung kailan kami huling nag date. Tinignan ko ang oras at nakita kong 11:29 A.M. ito na-sent sa akin.

Naalala ko ang oras nang hinihintay namin ang order namin noon. 11:30 A.M. ang oras noon nang tinignan ko. Posible kayang... Argh! Medyo kinilig ako sa sarili kong suspetsiya.

"That man! He never fails to make me blush." I said to myself.

Nag vibrate ang phone ko at nagpakita ang notification mula sa group chat namin. Tinignan ko kung sino ang nag message at nakita kong ni-reply-an ni Sierre ang message ko sa gc.

Sierre :

Tonight at the Royal Club.

Royal Club again? Sure ba siya? Sabagay kaming tatlo lang naman ulit ngunit depende parin kung may isasama si Sierre.

Avy :

Noted, @Sierre.

Natawa ako sa reaksiyon ni Avy. Para lang siyang sunud-sunuran kay Sierre base sa mga salita niya.

Me :

Okay, noted @Sierre.

Ginaya ko ang message ni Avy para asarin siya. At nagtagumpay nga ako, nagreply kaagad siya sa minessage ko.

Avy :

Isusumbong kita kay Kuya, @Krystal.

Iyon ang ni-reply sa akin ni Avy. Agad naman akong ang reply.

Me :

Ops! Wala ka ng alas, @Avy. Hahahaha.

I teased her more nang sinabi kong wala na siyang alas pa dahil hindi ko naman na gusto ang Kuya niya at may iba na akong gusto.

Avy :

May alas ako, Kuya Louvic likes you. Matu-turn off siya sayo kapag nalaman niya 'to.

Parang gusto kong itapon ang cellphone ko sa nabasa kong minessage ni Avy. Nagpapatawa ba siya?! Never akong nagustuhan ni Louvic at sa tingin ko ay hindi niya na ako magugustuhan pa.

Forbidden ChasingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon