Buong gabi akong nagmakaawa kay Daddy kahit alam kong hindi niya ako maririnig, sinubukan ko paring sumigaw at nagmakaawa na palabasin ako rito at hanapin si Kali.
Nag ipon ako ng lakas upang subukang buksan ang pintuan ng kuwarto ko rito. Nanghihina ang buong katawan ko matapos kong subukan ang gusto kong mangyari.
Naupo nalang muli ako sa pintuan at ipinatong ang mga kamay ko sa aking mga tuhod. Pinagpatuloy ko ang aking mahihinang paghikbi at walang kasama. Maski ang aking cellphone ay 'di ko din mahanap. Pati pala ang aking cellphone ay kinuha ni Daddy dahil alam niyang magagamit ko 'yon sa paghahana kay Kali.
Wala na akong nagawa kung hindi ang umupo nalang at sumandal dito sa likuran ng pintuan, tanging iniisip lang ang mga ala-alang nangyari na minsa'y nagpasaya rin sa akin. Kahit nakakaramdam na ako ng gutom ay hindi ko magawang kumain. Iniisip ko lamang ang mga ala-ala noon.
5 months passed mula nang naging kami ni Kali. As I'm in my 4th year college, we were enjoying our lives as a romantic couple and our names become more popular here in school that even a janitor knows what are we and our relationship.
"Where did you celebrate your 20th birthday?"
One evening night when I went on Sierre's condo. Mabuti nalang ay binigyan pa ako ni Mommy ng ilang buwan upang manatili nalang mula rito sa condo ko kahit nagkaroon na kami ng deal. I thanked Mommy, she always understand me and my situation
Argh. Naalala ko si Avy sa tinanong sa akin ni Sierre. Hanggang ngayon ay hindi parin maayos ang relasyon namin ni Avy at hindi niya parin ako kinakausap. Ilang beses ko na siyang kinausap ngunit nagagawa niya pa rin akong iwasan. Panay ang pagsubok kong kausapin siya ngunit kasabay naman ng pagsubok ko ay siya namang palagi niyang kasama si Gabrielle kung sakali mang sinusubukan ko.
Isa pa itong si Sierre. Bakit hanggang ngayon ay tila nag bubulag bulagan parin siya kay Avy at Gab gayong alam kong alam niya na ngayon at malinaw na ang relasyon nang dalawa dahil noon ay inamin mismo ni Gab sa aming school na gusto niya si Avy at may relasyon silang dalawa.
May program noon at talagang maraming tao ang nando'n at gabi rin 'yon naganap. Nasa sayaw kami no'n nang biglang inagaw ni Gabrielle ang atensiyon naming lahat.
Pinaalam niyang kunin ang microphone sa host at pumayag naman ang host. At dahil malayang magpahayag ng kung anong puwedeng sabihin ay may ipinahayag si Gabrielle.
"Hey, hey! Guys, guys. I have to tell you something," umpisa niyang sabi sa lahat.
Nagsimulang mag ingay ang lahat lalo na ang mga babaeng nandito dahil halos lahat din ng mga babae rito ay may gusto kay Gab. Paniguradong mataas ang expectation nila sa kung ano man ang sasabihin ni Gab ngayon.
Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Sierre. Naamoy ko kaagad ang pabango niya kaya alam kong siya na 'yon.
"Hey," I greeted her.
Ngumisi lang siya at hindi man lang ako binati pabalik. Pareho kaming tumingin muli sa taas kung nasa'n si Gab at laking gulat namin nang makita na kasama niya na si Avy do'n at magkahawak kamay sila.
Sinubukan kong tignan ang gawi ni Sierre at nakita kong taas noo niya paring hinaharap ang nasa taas na magkahawak ang kamay ng kanyang boyfriend at ng aming kaibigan. Matapang parin talaga ang babaeng 'to. No wonder modeling is what she wants, she is a brave person, she has a courage and trust to herself and brave enough to face people with carrying her name.
"I just want to say that Avy Seraphine, do you know her?" tanong niya at sinubukang manguha ng sagot mula sa mga tao at itinutok ang microphone.
Ang iba ay sumagot ng oo samantalang ang iba ay hinayaan lang. Kitang kita ko mula dito ang nakayukong mukha ni Avy at nahihiya. Hindi dapat ginawa ni Gab ang bagay na 'to dahil hindi sanay si Avy na pinapakita ang kanyang mukha sa mga tao.
BINABASA MO ANG
Forbidden Chasing
RomanceKrystaliendra Graufin is a stubborn girl. But, as a daughter, she always obeyed her mother because her mother has a heart attack. She can't disobeyed her because of it. One day in the outside of the gym, a man with a large shoulder bumped into her...