Habang nasa daan at ako'y nagdi-drive, hindi ko talaga maiwasang isipin ang ibinalita sa akin ni Tita Lizette. Bakit gan'on ang lumabas na balita? Wala akong kinalaman sa kahit na ano mang pinalabas sa telebisyon o sa kahit na ano pa mang sites.
Inaalala ko pa rin hanggang ngayon ang mga mukha ng mga nag testigo at nagpatunay base sa balita. Kahit ilang beses kong alalahanin at isipin ang mga mukha ng mga taong iyon ay naniniwala pa rin talaga akong wala akong nakita ni isa sa kanila sa hospital o naging pasyente ko. Tama ba ang... iniisip ko?
Was I framed up?
Hindi ko alam ngunit iyon ang naiisip kong puwede at maaaring nangyari kaya nadawit ang hospital namin at ang mismo kong pangalan. Naisip ko rin na hindi basta bastang magsasalita ang mga taong itinuturo akong suspek sa poisoning. At ang aking ipinagtataka, kung poison nga talaga ang nangyari sa mga taong iyon, bakit mukhang masigla sila nang nag testigo at kung poison nga iyon ay sakaling nawalan na sila ng buhay ngayon. Paano pa nila nagawang maging witness?
Kahit patuloy ang aking pag iisip ng mga bagay na iyon ay tumitingin pa rin naman ako sa daan para sa kaligtasan ko. Nadaanan ko ang traffic area kaya't medyo matagal ako ditong mananatili. Habang nasa traffic ay iniisip at bumubuo ako ng konklusyon kung sino ang nag framed sa akin upang sirain ang pangalan ng aming hospital at pangalan ko. Wala naman sigurong nakaaway si Daddy at wala din naman akong nakaaway na negosyante at nagma may ari ng hospital... maliban nalang kung atat na atat na akong siraan ng kung sino man ang nasa likod ng pagfe-frame up na 'to. Sigurado akong malaki ang galit niya sa akin at nagawa niyang siraan ang pangalan ko at nagawa niya pang ipagkalat sa buong mundo.
Nakarinig ako ng busina mula sa likod ng aking kotse at hudyat na pala na green light na ang traffic lights. Agad kong pinaandar ang sasakyan ko. Papabilisin ko na sana nang biglang naagawa ang atensyon ko ng isang malakas na banggaan at rinig na rinig kong muli sa aking tainga ang pag bangga ng mga kotse.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng banggaan na iyon at nagulat ako nang makita ko ang kotse. Hindi ako puwedeng magkamali! Brand ng kotse at plate number ng kotse ni Kali 'yon! Kahit hindi na ako sigurado ay madali kong binuksan ang aking kotse at madaling tinakbo ang area ng banggaan.
Madaming tao ang nandoon at mukhang pinapanood lang nila ang nangyari at walang gumagawa ng hakbang sa kanila. Mas binilisan ko ang aking takbo hanggang sa makarating sa kumpulan ng mga taong nanonood lang doon.
"Excuse me! Excuse me!" I hardly approached the center of the crowd.
Mahirap makisingit at masyadong madaming taong nakapalibot rito. Tinulak ko ang aking sarili nang buong lakas mula sa mga taong nandito hanggang sa makaalis ako roon at makapunta sa harapan, kung nasaan ang nangyaring banggaan ngayon na sa tingin ko talaga ay kotse ni Kali ang nakabangga.
At hindi nga ako nagkamali... Mas lalo pa akong nagulat at napatakip ako ng bunganga nang makita ang maraming dugong nakapalibot sa katawan ni Kali at patuloy na umaagos mula sa kanyang ulo. Tinignan ko ang isang nabangga at wala rin itong malay ngunit kaunti lang ang kanyang natamo, hindi gaya kay Kali na puno ng dugo ang kanyang damit.
Madali kong pinuntahan ang sasakyan ni Kali at inalis siya mula roon. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon ngunit ang naisip kong kailangan ko paring gawin ang tama, hindi lang bilang babae kung hindi, bilang doktor rin.
Tinawagan ko ang ambulance hotline number at sinabi ang kalagayan ng naaksidente.
"Come faster! Marami ng nawawalang dugo!" walang pagaatubili kong sinabi sa kanila sa tawag.
Pinatay ko na ang tawag at madali kong ibinalik ang atensyon ko kay Kali. Ch-in-eck ko ang mga maaaring malalang natamaan sa kanyang katawan at sa leeg iyon.
BINABASA MO ANG
Forbidden Chasing
RomanceKrystaliendra Graufin is a stubborn girl. But, as a daughter, she always obeyed her mother because her mother has a heart attack. She can't disobeyed her because of it. One day in the outside of the gym, a man with a large shoulder bumped into her...