Panibagong araw ang dumating at alas otso ako nagising ngayon. Naalala ko pa rin ang nangyari kagabi. Ang paghawak ko sa mga kamay niya at ang mga katagang sinambit niya. Mabuti nalang ay naitigil ko na nang mabilisan ang pagiyak ko nang makarating na ako noon sa kotse at umuwi ng bahay.
Naligo at nag bihis na ako't lahat lahat at bumaba na mula sa aking kuwarto. Nakita ko si Daddy na nagaalmusal palang at mag isa roon.
Lumapit ako sa kanya ngunit hindi ako kumain dahil mali-late ako kung sakali sa hospital. Binati ko lang siya at binigyan ng kiss sa cheek.
"Daddy, k-kamusta po a-ang I-investigation?" nahihiya at nauutal utal kong tanong kay Daddy ang tungkol sa investigation.
Pagkauwi ko kasi dito kagabi ay wala pa si Daddy kaya't sa tingin ko ay napuyat siya dahil lang sa imbestigasyong iyon.
"I'm still investigating, hija. Soon, whoever behind this thing will be in jail." He said in assurance.
Tumango na lamang ako at umalis na doon sa bahay. Habang nasa biyahe ay naisip ko si Kali. Alam na kaya nila Tita Lizette na naaksidente siya? Paano kung... puntahan ko si Tita Lizette sa bahay nila? Pero baka wala siya roon. Paano kung sa... hospital nalang kaya nila? Total ay hindi naman 'yon kalayuan sa hospital namin.
That's right! I should go to their hospital!
Nang napag desiyunan ko nang pumunta sa hospital nila ay madali kong pinunta ang kotse ko sa tapat ng hospital nila at pumasok na.
Ngayon lang muli akong nakapunta rito at hindi ko alam kung nasaan ang office ni Tito Karry. Sa tingin ko ay office ni Tito pa rin iyon dahil hindi naman naging doctor si Kali kung hindi naging C.E.O. ng isang kompanya na saka ko lang nalaman ng sinabi ni Avy.
Nakita ko ang isang nurse at walang pag aalinlangan ko siyang tinanong kung saan ang office.
"Can you show me where the office of Dr. Homero?" simple at palakaibigan kong tanong sa kanya.
Tinitigan niya lang ako at ang mga titig niya ay tila ba natatakot sa akin at sa tanong ko.
"No, no. I was-" hindi niya na ako pinatapos magsalita at iniwas niya na ako at nagpatuloy sa nilalakad nang nakayuko.
Hindi ako nakasalita sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay kaya niya ginawa iyon ay dahil sa kumalat na balita tungkol sa pangalan ko at hospital na pinamamahalaan ko.
Binalewala ko na lamang iyon at tumingin ulit ng maaaring mapagtanungan kung saan ang opisina ni Tito Karry.
Napansin ko ang isang babae na nakaupo lang at nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung magiging tama ba o tama ba ang gagawin ko na tanungin siya ngunit wala na akong ibang makitang puwede pang pagtanungan dahil halos lahat ay umiiwas sa landas ko.
Nilapitan ko ang babaeng nakatingin lang sa kawalan. Mukhang malalim lang ang iniisip niya at hindi man lang kumukurap ang kanyang mga mata. Mahaba ang suot ng babaeng ito na kulay puti at mahaba rin ang kanyang buhok. Natural ang kanyang kulay at masasabi kong maganda talaga siya.
"Uhh... Miss? E-excuse m-me, c-can I a-ask y-you where Dr. H-homero's office is?" nauutal at medyo mahina kong tanong sa kanya.
Naagaw ko ang atensiyon niya at kita sa kanyang mga mata ang pagkagulat sa inasta ko. Nagulo ko nga talaga ang pagtingin niya sa kawalan at malalim na pagiisip.
Itinuro niya ang office ni Tito Karry at nagulat ako sa isinagot niya. Hindi ko akalaing sasagutin niya ang tanong ko sa kanya.
"T-thank you..." I said and smiled at her.
She just nodded and bowed her head like she's shy of me. Iniwan ko na siya roon at ipinagpatuloy nalang ang aking paglalakad patungo sa office ni Tito.
BINABASA MO ANG
Forbidden Chasing
RomanceKrystaliendra Graufin is a stubborn girl. But, as a daughter, she always obeyed her mother because her mother has a heart attack. She can't disobeyed her because of it. One day in the outside of the gym, a man with a large shoulder bumped into her...