Chapter 22

22 4 0
                                    

"Krystal... You should eat... Ikakasakit mo ang hindi pagkain," Sierre said.

Nakatingin lang ako sa kawalan habang hinahayaang tumutulo ang mga luha ko. Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng ilibing nila si Mommy. Ngayon lang ulit ako dinalaw ni Sierre dahil ngayon lang daw siya may free time.

I was only sitting here in my soft bed and staring at nowhere. Wala akong iniisip araw araw kung hindi si Mommy. Si Mommy sa umaga hanggang mag hapon. Ano kaya ang ginagawa namin kung buhay pa ngayon si Mommy?

"Krystal," I heard Avy.

Sabay silang pumunta rito ni Krystal kanina at kanina pa din nila akong pinipilit na kumain kahit ayaw ko.

Nararamdaman ko ang pagpunas nila sa mga luha kong hinahayaan ko lang na lumabas sa aking mga mata.

"Krystal, kailangan mong bumangon. Bukod sa marami ka ng namissed na classes, maaari kang ibagsak ni Sir," Avy said, worrying.

I glance at her. Fuck this life! I remembered my Mommy again. Umiyak nanaman ako ng maalala ang alala ko kay Mommy na may kinalaman kay Avy.

"Avy... You reminded me again of my Mommy," I said while crying.

Napakunot ng noo si Avy at hindi niya alam kung ano ang aking tinutukoy. Tinutukoy ko ang naganap sa amin ni Avy no'n matapos ang gulong naganap kay Louvic at kay Kali.

"Sierre, do you think... galit sa akin si Avy matapos ang mangyari kay Kali at Louvic?" I asked Sierre once when we're in her condo after I'd told her what Kali did to me.

She turned her gaze on me while eating pizza. "Well, I don't think so. Maybe he's just confused and don't know what to do that time."

I pouted when I heard what she said. Sana lang ay hindi talaga galit sa akin si Avy dahil hindi ko kayang makipag away ni isa sa kanila dahil lang sa maliit na bagay dahil puwede namang makapag usap ng masinsinan kung sakaling galit siya sa akin.

2nd semester began and one morning I arrived at school early. Kasama ko si Hyestra dahil nakita ko rin siya kanina sa gate kaya't sinabi ko na lamang na magsabay kami.

"Sus, mas'yado ka namang maaga para sa unang period natin," Hyestra teased me.

I giggled. "Of course, that's a student."

Hyestra just rolled her eyes and laugh on me.

Dumiretso kami ni Hyestra sa classroom at totoo ngang maaga kami dahil hindi pa dumadating ang Professor namin. Naupo kaming sabay ni Hyestra sa kanya kanya naming mga upuan.

Habang naghihintay sa Professor ay hindi ko maiwasang tignan ang mga kaklase ko. Tila may kulang at hindi ko nakitang tao ngayon dito sa classroom namin. Si Kenlax.

I turned my direction on Hyestra. "Hyestra, nasa'n si Kenlax? 'Di pa siya pumasok?"

She looked at me with a teasing look. What the?!

"Bakit? Namimiss mo?" she asked teasingly.

Nasapo ko nalang ang aking noo sa tinanong niya sa akin. Bakit ba lagi nalang ako nitong pinipilit na gusto ko si Kenlax?!

"Baka kasi kapag namissed niya nanaman ang classes, itu-tutor ko nanaman siya kapag, e," I explained to enlighten her teaseful mind.

"Uhh..." She said and nodded slowly.

Sa gitna nang pag uusap namin ni Hyestra ay hindi ko napansin na pumasok na pala si Kenlax. Kaya ko lang naman siya hinahanap dahil gusto kong tanungin ang kalagayan ng Kuya niya.

Nilingon ko siya sa likod at mukhang hindi maganda ang kaniyang umaga dahil sa ipinapakita niyang facial expression. Ngunit, matapang ko parin siyang tinanong.

Forbidden ChasingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon