It's my last day of tutoring Kenlax.
"This will be the last day, right?" banggit ni Kenlax habang tinuturuan ko.
I nodded. "Why?"
Umiling siya. "Just asking."
Natapos ang pagtu-tutor ko sa kaniya at gaya nang dati ay dito na ulit ako nag-dinner. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya at kaba. Pakiramdam ko ay inaabuso ko na ang paanyaya ng pamilya ni Kenlax na gabihan at nandito pa sina Mommy na inimbitahan din kahit mediyo gabi na.
"Kenlax, kailan matatapos ang pagtuturo sayo ni Krystal?" umpisang tanong ni Tita Lizette habang kumakain.
"Today, Mom. Bukas ay hindi niya na ako tuturuan."
"Oh? That was sad. Akala ko pa naman ay isang linggo siya dito."
"I already told you three days, Mommy."
"Gauren, is Krystal your heiress of your managing hospital?" tanong ng Daddy ni Kenlax.
"Of course, Karry. Siya lang naman ang anak namin ni Kyandra, only child."
Tito... Karry. 'Yon pala ang pangalan ng Daddy ni Kenlax. Nang huling pakilala kasi ni Daddy ay hindi ko naintindihan masiyado dahil nagulat din ako sa presensiya nila noon.
"Kyandra, hindi mo naman sinabing wala palang boyfriend itong unica hija mo." Tita Lizette said.
"Yeah, she's single. Akala ko nga ay sila na nang taong matagal niya nang gusto." ani Mommy.
"Who is thay lucky man, Tita?" bigla ay singit ni Kenlax.
Napasulyap ako sa gawi ni Kenlax ngunit mas naagaa nang atensiyon ko ang gawi ni Kali. Tahimik at seryoso lang siyag kumakain at parang hindi nakikinig sa usapan. Alam niya kung sino ang tinutukoy ni Mommy na matagal ko nang gusto dahil nasabi ko na iyon isang beses sa kaniya.
"His name is Louvic Seraphine, panganay na anak ng may-ari ng Seraphine Company." si Mommy.
Napansin ko ang pagtigil ni Kali sa kaniyang pagkain. Nakatitig lamang siya sa pagkain at mahigpit ang hawak sa mga kubyertos na para ba maiipit na ang mga ito sa kaniyang mga kamay. Nagulat ba siya? Bakit naman siya magugulat, e, alam niya naman na dati kung sino iyon.
"Hays, pareho pala nitong mga dalawa kong anak na lalaki, ang babagal. Wala pang pinapakilala sa amin ni isa man sa kanila."
"Gan'on ba? Kung gayon ay bagay ang panganay mo dito sa unica hija ko." si Mommy.
Nasamid ako nang hindi sinasadya sa mga narinig na salita galing kay Mommy. Ano daw? Hindi yata ako nakalinis ng tainga at mali yata ang nadinig ko mula sa kaniya.
"Be careful on your foods, Krystal! Nasamid ka tuloy." ani Mommy.
Nasamid po ako dahil sa sinabi mo, Mommy. Sasabihin ko sana ngunit hindi nalang. Inayos ko ang sarili ko at madaling ininom ang tubig na nasa tapat ko. Sinabi ko kay Mommy na ayos na ako.
"Yeah, you're exactly right, Kyandra. Bagay na bagay nga sila." si Tita Lizette naman.
Kung kanina ay ako ang nasamid, ngayon naman ay si Kali at mukhang mas malala ang pagkasamid niya. Dali-dali siyang uminom ng tubig.
Mine and Kali's eyes met. His gaze and aura is still mouth dropping like the first time I saw his face. His eyes are still deep as ocean and somehow it's resembling something. Maybe... Shame? Too? Like me.
"Hays, kayong dalawa, ayusin niyo ang pagkain ninyo. Kaya kayo nasasamid, e." si Tita Lizette.
Natapos na kaming kumain at napagdesisyunan na naming umuwi nila Mommy. Sinabi ko sa kaniya na sa condo nalang muna ako dahil sabado naman bukas at puwede akong bumisita sa kanila. Mabuti nalang at mabilis na pumayag si Mommy.
BINABASA MO ANG
Forbidden Chasing
RomanceKrystaliendra Graufin is a stubborn girl. But, as a daughter, she always obeyed her mother because her mother has a heart attack. She can't disobeyed her because of it. One day in the outside of the gym, a man with a large shoulder bumped into her...