"Krystal..."
Narinig ko ang mababa niyang boses habang hawak hawak ang aking palapulsuhan. Nakatayo lamang ako at nakatalikod sa kanya. Hindi ko siya kayang harapin...
"You... should... go back..." pahinto hinto kong sabi at sa mababang boses.
"Let's... talk."
Napayuko ako sa sinabi niya. Kung ano man ang usapang kaya kong ibigay sa kanya ay 'yon lang ang usapan tungkol sa pag ka aksidente niya at wala ng iba pa. Naka moved on na ako at hindi ko na dapat tanggapin ang alok niya.
Binawi ko sa kanya ang aking kamay at matapang ko siyang hinarap upang sabihin lamang sa kanya ang tungkol sa pag ka aksidente sa kanya.
"Hindi ka pa nadi-dis charge at umaalis ka na," I said.
Hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa aking mga mata. Ganoon pa rin ang kanyang mga mata. Malungkot at nagpapakita pa rin ng sakit. It's too expressive. Masyadong halata na nasasaktan siya, kitang kita sa kanyang mga mata.
I can't avoid his gaze and eyes. It's painful.
"You should go back." Iyon ang sinabi ko.
"I'm sorry."
Nagulat ako sa sinabi niya. I shouldn't show to him that I'm shocked. Pinigilan ko ang aking sariling iphalata na nagulat sa binanggit niya.
"I said, you should go-" hindi ko na natuloy ang sinabi ko.
"Krystal, I'm sorry."
Nanghina ang aking mga tuhod sa mga katagang binanggit niya. He said sorry... I already moved on. I shouldn't care of his little tiny words. It isn't worth it to hear and respond.
"Kali, you should go-"
Nagulat ako nang bigla niyang hatakin ang kamay ko at niyakap ako nang biglaan at ikinulong sa kanyang mga bisig. Mas lalo akong pinang hinaan ng loob at lakas sa ginawa niya. Ang itulak siya o hawakan man lang ang kanyang kamay upang pigilan ay hindi ko magawa dahil sa pang hihina.
"Krystal..." nararamdaman ko ang kanyang boses na mabibitak na at halata talagang nasasaktan.
Yumuko ako dahil kahit ako ay hindi matiis na maluha. Bawat pag bigkas niya sa pangalan ko at ang pag sabi niya ng mga katagang patawad ay ang mga bagay na nagpapaalala lamang sa akin sa ala ala namin at kay Mommy na kung hindi ko mapigilan ay baka sumabog ako dito at mailabas ko ang lahat ng galit ko sa kanya ngayon.
"Kali... Let me go... I can't move..." I hardly said and almost crying in front of me and held by him.
"Please... Krystal... Let's talk..." pagsusumamo niya.
Hindi na ako nakapagtimipi. Kasabay nang pag agos na ng mga luha ko ay siya namang pagiipon ko ng lakas upang ihiwalay ang katawan ko mula sa kanya at itulak siya palayo sa akin. Ngayon ay nakikita ko na ulit ng malinaw ang kanyang suot na hospital gown at neck brace.
"Kali, it's not damn worth it for us to talk!" Sigaw ko sa kanya habang nararamdaman ang mga luha kong isa isang pumapatak at bumubuhos.
"I'm sorry... It was my fault... Thelly is not my-" pinutol ko kaagad ang alam ko ng sasabihin niya.
"You had a fiancée and yet you made me your girlfriend?! How stupid, Kali! Alam mo ba kung gaano ka katanga sa ginawa mo?!" patuloy kong sigaw at pag putol ko sa sasabihin niya.
Sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit agad kong iniwas ang aking kamay at katawan mula sa kanya.
"You are the reason why my Mommy died and yet, you have the guts to show yor face on me?!" malapit nang mamaos ang aking boses sa kakasigaw sa kanya.
BINABASA MO ANG
Forbidden Chasing
RomansaKrystaliendra Graufin is a stubborn girl. But, as a daughter, she always obeyed her mother because her mother has a heart attack. She can't disobeyed her because of it. One day in the outside of the gym, a man with a large shoulder bumped into her...