"Julie, na-receive mo na ba yung memo ni Ma'am A? Meeting daw mamayang 5PM." Maqui is having her lunch with Julie sa pantry.
"Yep, na-inform mo na ba lahat? Ikaw daw magde-disseminate ng info."
"Of course bff ako pa ba? Ang Ms. Friendship ng taon." Julie noticed her phone vibrating kaya chineck niya. Elmo Calling
"Shit."
"Oh bakit? Okay ka lang? Sino ba yan?"
"Ha? Wala wala." Sabay end ng tawag.
"Oh ee bakit hindi mo sinagot? Baka emergency." Lalandi lang yun Maq maniwala ka sa akin, she thought.
"Ha? Unknown number ee. Hintayin ko na lang yung text kung magpapakilala. Alam mo naman hindi ako sumasagot ng unknown number."
"Dami mo ng sinabi Juls. Tapos ka na ba? Tara na, maga-ayos pa ako ng report ko baka may recitation mamaya."
"Sana ikaw matawag hahaha"
"Ulol"
...
"Idadamay mo pa ako diyan sa kalokohan mo Moe."
"Sige na kuys, ngayon lang, Gusto ko lang kasi siyang makita."
"Oh ee bakit hindi mo na lang puntahan?"
"Alam mo naman mga tao, mas mabilis pa sa alas kwatro. Sige na susunduin mo lang naman siya sa office nila ee."
"May gagawin ako mamaya Moe."
"Saan mo gustong magbakasyon? Sagot ko na."
"Ngayon ko na ba siya pupuntahan?"
"Ayan tayo ee, pero mamaya pa. Hindi pa kasi siya sumasagot sa tawag ko. Subukan ko ulit siyang tawagan mamaya."
"Ayusin mo yan Moe ha, mahirap yang sitwasyon niyo. Hindi agad maiintindihan ng mga tao yan."
"Oo na oo na, basta mamaya ha? Tawagan kita agad bago mo siya sunduin. Alis na ako may meeting ako sa ABS."
Agad na nagtungo si Elmo sa ABSCBN para umattend ng meeting with the producers ng The Voice.
"Oh eto na pala si Elmo, let's start."
"So coaches, welcome and sorry for the urgent meeting. Kailangan lang natin mafinalize ang mga kailangan for the Battles dahil malapit na tayong magsimulang mag-tape."
They've talked about how the Battles will progress, at kung ano yung mga modified rules and regulations for the said round. Pinag-usapan na rin nila yung sino ang mga kukunin nilang mentors aside from them, para sa mas ikagaganda ng performances ng mga contestant.
"So for Team Sarah, she was personally handpicked by Ms. Sarah, si Ms. KZ Tandingan. For Camp Kawayan, it would be Mr. Chito Miranda of Parokya ni Edgar. For House of Muppet (Team Elmo), it would be Sir Gloc9, and for FamiLea, it would be Ms. Rachelle Ann Go."
Marami pa silang napag-usapan until natapos ang meeting at around 5PM. Agad siyang umalis sa building and went to his condo sa QC. He seldom go sa unit na to and he only uses it kapag may sunod-sunod na maagang calltime sa ABS. This time, he'll use it for Julie. Ito na lang yung alam niyang safest place para hindi sila masundan ng mga cctv.
Tuloy pa rin siya sa pagtawag kay Julie pero hindi ito sumasagot. "Pick up Julie please." He's talking to himself.
...
"So, based from our..." Agad na na-interrupt si Julie dahil nag-vibrate ang phone niya na nakalapag sa table.
"Ms. San Jose someone's calling." Her boss said. Akmang pupuntahan na sana ni Maqui yung phone niya ng bigla niyang hablutin ito at ibulsa.
"Sorry for that ma'am. Going back..."
Natapos ang meeting nila at around 6:30PM. Agad niyang tinawagan pabalik si Elmo. Siyempre tumakas muna siya mula sa kaibigan niya.
"Hey, sorry katatapos lang ng meeting naming. What's up?"
"Let's have dinner Juls. Nandiyan na si kuya Frank sa baba ng office niyo."
"WHAT?! Are you dead serious Moe? Bakit biglaan naman ata?"
"I've been calling you all day miss, but you didn't bother answering my calls."
"You should've texted me mister. What if sabihin ko na hindi ako pwede?"
"I wanted to hear your voice miss. And I'm sure hindi mo ako matatanggihan."
"Wow, confident na confident ha?"
"So g?"
"Moe hindi pa ako nakakapag-paalam kay mommy. Baka magalala yun."
"Send her a text message na. I'll be waiting for you. Color red yung car. See you. I miss you." Agad na pinatay ni Julie yung phone.
"Oh ano na Juls? Uwi na ako."
"Ah sige Maq may pupuntahan pa kasi ako."
"Saan naman? This isn't you ms. Juie Anne."
"Maq, sige na alis ka na. Sunod ako in a bit."
Kailangan niyang takasan si Maqui pero paano? Naglalakad lang yun kapag umuuwi so technically makikita at makikita niya si Julie na sasakay sa ibang sasakyan.
She waited for the perfect timing, yung malayo na si Maqui, para hindi na siya mapansin pa. And yep, she got the perfect timing. Agad niyang hinanap yung pulang sasakyan na sinasabi ni Elmo. Hindi naman pinahirapan ni Frank si Julie and even waved his right hand para mapansin niya agad. Agad siyang lumapit sa taong yun.
"Kaya pala patay na patay yung kapatid ko sa iyo." Biglang namula ang buong mukha ni Julie. Akala niya ay driver ni Elmo yung Frank kaya ganoon na lang yung pagkahiya niya sa sarili.
"Po?" What else could she say? Hindi siya ready for small talks.
"I'm Frank. Elmo's eldest brother." Frank offered his hand to the now-reddish faced Julie.
"Ju...Julie po sir." Hindi pa rin siya makatingin ng diretso.
"Tara Juls, hinihintay ka na ng kapatid ko." He said and opened his car.
The travel was quick pero sobrang tagal yun para kay Julie. She didn't know what to say, or what to talk about. Masyadong mabilis yung mga pangyayari. Meet the brother na agad? Her inner sense is ranting.
"Moe's unit is on the 10th floor, no. 9." He simply said. "Th...thank you po sir."
"Drop the sir. Kuya Frank na lang." He smiled and drove off. Kailangan na niyang umalis dahil may kinakailangan din siyang asikasuhin.
She went straight to the elevator and pressed the button 10. Kinakabahan pa rin si Julie sa mga pwedeng mangyari. What if may nakasunod pala sa kanya? What if may mga fans pala si Elmo nan aka-abang sa 10th floor para gulpihin siya? She's obviously not used to this kind of set-up at ngayon pa lang ay parang ikakamatay na niya kung may bagong article nanaman na lalabas kinaumagahan.
Upon reaching the floor ay hinanap niya agad yung unit ni Moe. Pagdating niya sa harap ng pinto ay inatake na naman siya ng uncertainties at sandamakmak na what ifs. Nagdadalawang-isip na naman siya kung tutuloy pa ba o hindi na.
...
Hi guys!First of all I want to say thank you to those who participated sa twitter party natin during out 10th anniv. You guys are the best.
Second, this would be my last regular update hee hee maguupdate pa rin naman ako pero hindi na siya everyday. Sorry na, I have a lot of stuffs to do rin but I am keeping my promise na makapag-update as often as possible. Thank you for your understanding heee heee
Lastly, please leave a comment kung nagugustuhan niyo ba, kung fast pacing ba siya or hindi para may idea ako hahaha and also thank you sa mga solid voters natin diyan hahaha you know who you are. Hugs and loves 🧡💙