4

275 12 0
                                    

"Julie, Julie please talk to me." Paalis na ng studio si Julie kasama ang kanyang mommy ng biglang sumulpot si Elmo.

"Coach Elmo? Julie? Magkakilala kayo?" Di na naiwasan ng kanyang mommy ang magtaka dahil mukhang matagal na silang magkakilala. Hindi naman agad nakasagot si Julie sa tanong ng kanyang ina.

"Coach Elmo, kailangan ka na po sa loob." Isa sa mga production staff ang lumabas at tinawag si Elmo. He groaned in irritation.

"We'll talk. Soon. At hindi ko na hahayaan na makawala ka pa." He said at nagtungo na sa loob ng studio.

Buong biyahe nilang mag-ina, tahimik lang si Julie. Dapat ay masaya ito sapagkat nakapasok siya sa blind auditions pero hindi mo maikakaila ang kaguluhan na bumabagabag sa kanyang isipan.

"Juls, talk to me. May kasalanan ka ba kay Coach Elmo?" Her mom keeps on bugging her sa buong biyahe nila and here she goes again.

"Wala po mom. I just...I met him when I was in New York." She simply said, hoping her mom would not pry any follow up questions. To her relief, her mom didn't ask any. She trusts her daughter, at alam niya na magsasalita ang dalaga kapag handa na siya.

Upon arriving at their home, Julie immediately went to her room. She has to think carefully of what she must do the next time she encounters Elmo.

She's in the middle of overthinking when her phone rang.

"Beshie!!! Baka naman gusto mong magbigay ng update sa bestfriend mo no? Ano na? Kumusta yung blinds?!" Masayang bati ni Maqui sa kabilang linya.

"Ay best friend kita? Char. Nakapasok ako Maq, Team Sarah."

"Ay putangina mo talaga no? Sabi ko si Elmo ang piliin mo di ba? Gaga ka talaga paano ako magkakapicture kay Elmo?"

"Saan ka? Kita tayo?"

"Ay bet sa may chenes na lang tayo. Libre mo ako ha?"

"Ulol Maqui kakasahod lang natin."

"Ulol ka rin Hulyeta, mas Malaki sahod mo sa akin tsaka magiging artista ka na!!! Punyeta ka huwag mo ako'ng kalimutan ha? Magtatayo na ako ng fansclub mo! Bigyan mo ako ng sahod dito."

"Ewan ko sa'yo bye na see you in a bit."

Then she ended the call.

"Mommy, kitain ko lang si Maqui saglit."

"Huh? Paano 'tong niluluto ko? Celebration oh dahil may artista na akong anak!" Her mom enthusiastically said. She stopped for a second.

"Wait mommy tawagan ko lang si Maqui."

She dialed Maqui's number and the other answered on the third ring.

"Nandiyan ka na? Ang bilis mo naman ate girl? The flash?"

"Gaga ka talaga, Maq dito ka na lang sa bahay, nagluto si mommy."

"Ay bongga! Namimiss ko na ang mga bunga sa kusina ni Marivic!"

"Baliw ka talaga. Sige na dalian mo."

And she ended the call.

...

"MARIVIC!!!!!" Napangiti si Julie sa narinig niya, for sure si Maqui na yun. Ganoon sila magtawagan ng mga nanay, first name basis, walang tita tita.

"Maqui! It's good to see you!"

"Taray natin Marivic haa? Parang hindi ka biyuda sa freshness mo! sana all!" Tawa naman ng tawa si Julie.

"Ate!!!!!!! Congrats!!!!! Naku ha? May kapatid na akong artista!" Joanna just got inside their home at hindi na niya ma-contain ang kasiyahan.

"Oh paano mo naman nalaman?"

"Naku si Mommy pa ba? Best in proud parent since birth natin! Kahit simpleng perfect score lang sa exam binabalita." She said.

"Joanna Marie! Hindi mo man lang ba babatiin ang bestfriend ng artista?" Nagfeeling na naman si Maqui. Umiling iling na lang si Julie.

"Siyempre naman! Ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, higit pa kay ate Hulyeta!" Joanna immediately hugged Maqui.

"Ayan very good! May gift check ka sa akin mamaya." Agad na nagtawanan na naman silang lahat.

"Oh kain na kayo diyan!" Her mom said. Agad na gumayak sila patungong dining area para pagsaluhan yung simpleng handa sa success ng Blind Audition ni Julie.

"Ang taray talaga ng luto mo kumareng Marivic! Laos ang luto ng aking ina!" They continued eating while laughing and telling their own stories.

"Oh ee chika ka na Juls kung ano yung nangyari? Bakit hindi ka nag House of Muppets? Di ba nga sabi ko mag Team Elmo ka?" Magkasama na ngayon si Maqui at Julie sa room ng huli.

"Maq, hindi umikot si Elmo hahaha"

"Aba, ang kapal ng mukha akala mo naman kung napakagaling." Tinignan siya ni Julie.

"Oh ee parang ang bilis naman ng ihip ng hangin, last time idol na idol mo siya ah?"

"Mars, inaapi ka niya, natural apihin ko rin di ba?

"OA Maqui, hindi lang umikot, inapi agad?"

"Oh ee hindi ba siya aware sa kagandahan mo?" Naku Maqui, aware na aware si Elmo sa kagandahan niyan. Baliw na baliw yun kung alam mo lang. Pantasya niya gabi gabi si Julie.

"Luh Choolie Eyn may hindi ka chinichika sa akin. Bakit ka natatawa na lang ng biglaan?"

"Wa..wala." She tried holding her smile but she failed.

"Luhh crush mo rin si Elmo no? Pogi no? Daks kaya yun?" Biglang namula si Julie ng maalala yung nangyari sa kanila sa New York. Gustong gusto niyang sabihin na oo daks siya, pero siyempre baka mahimatay yung kaibigan niya sa gulat.

"Gaga ka talaga Maqui. Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na ate girl, nawiwili ka na naman dito sa amin. Maaga pa tayo bukas sa office."

"Keri lang baks ano ka ba? Never naman ako'ng na-late sa office kahit gaano kawalwal ang aking life."

"Talaga ba?" At brinought-up ni Julie ang halos araw-araw na rant ng kanilang Chief Accountant dahil laging late si Maqui.

"Oh, ee paano yan hindi ka na masyadong makakapag-focus sa office?" Biglang sumeryoso yung tono ng kaibigan.

"What do you mean? Bakit mamimiss mo ba ako?"

"Oo naman no? Gaga ka ba? Wala ng sasagot ng free lunch ko every Monday at Friday."

"Ayun, may kailangan kasi. Alam mo kung hindi lang kita kilala since college iisipin ko talaga na masama kang kaibigan."

"Aray Juleng ha? Pero seryoso napag-isipan mo na ba?"

"Papasok pa rin naman ako kung free ako. Napag-usapan naman na namin ni Ma'am Armas yung magiging work load ko during The Voice, hangga't hindi ako naaalis." She smiled.

"I'll miss you Julie."

"OA ka Maqui, mamamatay na ba ako? Jusko ka."

"Charot lang siyempre. O siya, aalis na ako dahil gabi na at baka ma-late ako bukas."

"Wow naisipan mo talaga yan? Hahaha charot. Bye Maqui!"

She led her until sa gate nila then they hugged each other.

"Congrats Julie! I am so proud of you." She said tsaka na umalis.

"Thank you Maqui. I hope I could pull-off this matapang stint dahil hindi ata ako makakatagal sa The Voice because of Elmo." Saad nito sa sarili. Sinara na niya yung gate nila and went immediately to her room.  

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon