"Mabuti naman at naisipan mo ako'ng kitain today no Julie? My God you made all of us worried." It's Sunday, at katatapos lang nilang magpunta ng simbahan at ngayon Nasa coffee shop na si Maqui and Julie.
"I am so sorry Maq. I really am." Kita sa mga mata ni Julie yung sincerity.
"Okay cut the drama. Explain what happened at bigla kang naglaho for 15 hours."
"Ang OA ha inorasan talaga?"
"Natural manang dahil kapag umabot ng 24 hours, malamang na-report ka na sa police." Julie sighed and immediately smiled. She's lucky she has friends and family who love her so much. Pero agad na napalitan yun ng kaba. Hindi niya alam kung sasabihin na ba niya yung sa kanila ni Elmo o hindi pa. Pero she knows to herself na hindi na niya kaya pang itago yun, lalo na kay Maqui na lagi nitong nakakasama.
"I love you Maqui." She said, hoping na ma-divert yung topic sa pagmamahal ng kaibigan towards Julie but she failed.
"Tigilan mo ako sa mga ganyang I love you I love you na yan. Come on spill the tea girl." Julie took a deep breath.
"Taray ang lalim ha? Lalim ng pinaghuhugutan mo?" Julie glared at Maqui. "Okay fine fine shushut up na ako. Dali na kasi chika na."
"Remember when we went to New York last year?"
"Ay wow major throwback chikahan pala ito hindi ako aware."
"Maq, will you let me finish first bago ka humanash? And promise me you'll keep your cool after I finish. No squeaking, nor yelling, nor shouting your feelings out okay?"
"Hoy sa tono ng boses mo parang nakapatay ka ng tao. God, am I friends with a murderer? Oh my God Julie I never thought you'd do this." Maqui even caressed her heart.
"Maqui naman ee, kasasabi ko lang." She irritatingly said. Maqui let out a chuckle and immediately went to her serious mode.
"As I was saying, remember when we went to New York? The night you ditched me?" Maqui nodded in response still unaware of what Julie's gonna say.
"I met someone, doon sa pub na dapat ay magkikita tayo." Evident pa rin sa mukha ni Maqui yung confusion.
"What does that have to do with what happened to you last Friday night?"
"That someone I met sa pub, was the same person I was with last Friday night." Julie said. Maqui still looks confused.
"That someone is Elmo." She closed her eyes hoping na hindi magre-react ng sobra ang kaibigan.
"Elmo? Sino namang Elmo?" Julie was surprised with Maqui's reaction. "You didn't mean Elmo Magalona right? Yung artista?"
"Apparently...yes." Hindi ulit huminga si Julie. Heto na...
"WHAT?! WHAT THE FUCK?! OMAYGAD JULIE ANNE SAN JOSE!"
"I said keep your cool di ba?"
"HOW JULIE? HOW?! AT NGAYON MO LANG ITO SASABIHIN SA AKIN? ILANG BUWAN NIYO NA AKO'NG NILOLOKO? PUNYETA PINAGPAPANTASYAHAN KO PA SIYA GABI GABI TAPOS MALALAMAN KO NA LANG YOU'VE BEEN GOING OUT WITH HIM? TELL ME MORE! NYETA KA!" Julie rolled her eyes.
"Tigilan mo ako sa mga irap na yan Hulyeta ha? Nangigigil ako sa'yo leche ka!"
"Shut up Maq, pinagtitinginan na tayo oh?"
"Ay wala ako'ng pake sa kanila Julie, mas may pake ako dito sa mga sinasabi mo. Punyeta ka kilala mo pala si Elmo tapos hindi ka nagsasabi!"
"You never asked." Kibit balikat nito.
"That explains why lagi mo'ng nalalaglag yung phone ko everytime I share some Elmo stuffs sa'yo. Teka ano ba kasi'ng nangyari sa New York? You seriously didn't do that." Julie slowly nodded. Agad siyang kinutasan ng kaibigan.
