"Uhm, miss Julie may nagpapabigay po." Lumapit yung guard kay Julie na may dala-dalang bulakalk.
"Ha? Para sa akin talaga yan kuya Justin? Sure ka?" Walang ine-expect si Julie na kahit ano'ng bagay na darating sa kanya ngayong araw, let alone a bouquet of flowers.
"Opo ma'am ayan ho oh, Julie Anne San Jose."
"Kanino daw po galing?"
"May note po ata diyan ma'am, try niyo pong basahin." Tinignan niya ng masama yung guard nila. Ang taray mo today kuya, she talked to herself.
"Julie, paprint naman ako nung copy ng worksheet na nagawa mo, kailangan ko kasing i-compile for my monthly report. Ay taray naman!" Wala na, Julie failed to conceal the bouquet from her mapang-asar na kaibigan.
"Shut up Maqui. Eto na ipri-print ko na." She irritatingly said.
"Tignan mo na dali kung sino nagbigay, willing to wait naman yung report ko ate girl."
"Alam mo ikaw basta kalandian number one ka." She rolled her eyes.
"Hoy miss pinadalhan ng bulakalk na akala mo maganda, titignan ko lang kung sino nagpadala niyan. Sure ka ba na para sa iyo yan? Baka naman para sa akin yan ha?"
"Oh eto tignan mo may yellow note. Sige nga, kalian ka pa naging Julie Anne San Jose ha?"
"Taray complete name! Oh ee di sayo na! Saksak mo sa baga mo. Teka check na natin yung note, kanino raw galing?" Maqui rolled her eyes.
Julie Anne San Jose,
Miss me? I hope you're doing well. Congratulations! Have a great day!
-E
"E? Sino namang E yan?" –Maqui. Malamang si Elmo to, Julie thought. Huwag umasa huy.
"Ewan? Hindi ko rin alam. Amin na nga itapon na lang natin."
"Teka lang naman, ang gagandang mga bulaklak oh? Hindi kaya galing to kay Eduardo? Yung bet na bet ka noong college?"
"Gaga kaka-out lang niya last month 'di ba? Tsaka matagal na kaming walang communication nun."
"Pero sino'ng E yan? E..."
"Ayan, na-print ko na yung worksheet na hinihingi mo, maaari mo na ba akong lubayan?"
"Ang extra sungit mo today ate girl. Ganda ka?"
"Kita mo to di ba?" Sabay turo sa bouquet. "Tell me I'm not beautiful." Maqui rolled her eyes and even made a 'whatever' pose. Umiling na lang si Julie at mas pinagmasdan yung flowers. She reached for the yellow note and flipped it.
Can we meet tonight? In front of QCX. 9PM. I hope you come.
Nagulat siya at talagang sa harap ulit ng isang museum? Gabi? Oh no, she thought.
"Hoy Julie! Kanina pa kita tinatawag. Tulaley forevs?" Trisha is calling her from behind.
"So...sorry Trish, ano nga yun?"
"Nakakaloka ka ate girl, hahaha, hand me your Accounts Payable report for August. May ichecheck lang ako." Trisha said. Agad na hinanap ni Julie yung files at inabot sa kasama niya.
"Thanks ate girl." Trisha smiled and went back to her table.
Napabalik siya ng tingin sa mga bulaklak. Pupunta ba siya o hindi? Hindi niya alam kung ano yung pwedeng mangyari. Naguguluhan siya. Naalala na naman niya yung nabasa niyang article tungkol sa kanila ni Elmo at Ella. Sila kaya? Sila ba ulit? Ee bakit nakikipag-kita itong si Elmo sa kaniya?
...
"Juls di ka pa ba uuwi? 7 na oh? Overtime na tayo, oovertime ka pa rin? Kung pwede lang sigurong asawahin trabaho, aasawahin mo na no?" Ready na si Maqui na umalis sa opisina.
"Ah, una ka na Maq. May gagawin pa kasi ako. Kailangan ko kasing tapusin yung interim report ko."
"Dai, hindi pa deadline nun okay? Uwi ka na. Magpahinga ka rin huy, bawal ka na mapuyat puyat because malapit na magbattles sa The Voice." Oo nga no? Nawala sa isip niya yung The Voice.
"Oo promise after ko dito, alis na ako." She said.
"Nakakainis ka talaga, samahan na nga kita."
"Maqui huy hindi mo ako responsibilidad nakakaloka to."
"Ate girl, kapag hindi ka nakauwi ng buo, papatayin ako panigurado ni Marivic." Umiling na lang si Julie.
Totoo naman na hindi pa deadline nung Interim report niya, pero kailangan niya ng pagpapalipasan ng oras bago makipagkita kay Elmo. Oo, napagdesisyunan niyang makipagkita kay Elmo para maayos na yung gusot sa kanilang dalawa, at ng hindi na sila magka-ilangan kapag magkikita sila sa The Voice.
"Maqui, I have something to say." Nagulat ang kaibigan nito dahil out of nowhere ang bungad niya.
"Ano naman yun? Ay tignan mo oh ang pogi talaga ni Elmo." She immediately rolled her eyes. Faney na faney talaga yung kaibigan niya kay Elmo. Kung alam mo lang Maqui.
"Wala wala. Hindi ka pa ba aalis? May pupuntahan pa kasi ako. May kikitain lang ako." She said while shutting down her pc.
"Wala naman na. Obviously wala akong jowa, yung mga magulang at kapatid ko nasa US na, so ano sa tingin mo gagawin ko? Ee di uuwi na. Unless may irereto ka sa akin na kasing pogi at macho at hot ni Elmo..."
"Ang dami mo ng sinabi Maq, tara na. Idadaan na lang kita sa unit mo." Julie offered. May sasakyan naman si Maqui pero malapit lang yung office nila sa unit nito kaya naglalakad na lang si Maqui kapag pumapasok.
"So... ano na nga kasi yung sasabihin mo?" They're now inside Julie's car at palabas na sila ng building.
"Wala Maq." She simply said. Hindi pa siya ready mag-open sa kaibigan, lalo na't intense yung paguusapan nila. Baka himatayin si Maqui sa malalaman nito.
"Oh, ingat ka diyan ha? Kung lalaki man yan, ibuka mo agad! Charot bye Juls. See you tomorrow." Julie laughed. Wala talagang preno yung bibig ng kaibigan niya.
She looked at her watch, saktong 9PM na pero nasa daan pa siya. She has to speed-up dahil ayaw naman niyang malate sa usapan.
"Paano kapag wala siya, ee hindi naman ako nagbigay ng confirmation kung pupunta ako. Baka hindi rin yun sumipot." She's talking to herself.
"Bahala na, at least I acted in good faith. Kung hindi siya sisipot ee di fine, tsaka baka busy rin. Artista pa naman yun." She thought as she parks her car.
Nagpunta siya sa may harap ng QCX. Her heart is pounding. Akala niya ready na siya na harapin si Elmo after what happened sa New York pero hindi pa pala. Marami siyang uncertainties sa buhay tapos dumagdag pa si Elmo. Will she be really fine with this? May time pa para magback-out Julie, she thought. Akmang babalik na siya sa kotse ng biglang...
"Tatakasan mo na naman ba ako?"