"Girl, kailangan na daw yung bank reconciliation mamaya." Julie is busy doing her reports when Maqui entered.
"Ano'ng checking account? Paki-check na lang sa shared files Maq, pinapa-gawa pa kasi ako ng report ni Ma'am Armas." Agad na naupo si Maqui sa kanyang cubicle para hanapin yung file.
"Alam mo na ba yung news ate girl? Si Elmo na daw yung bagong coach sa The Voice! Ee 'di ba nag-audtion ka dun? Kialan nga pala yung callback mo?"
"Frencheska, nandito tayo para mag-trabaho okay? Mamaya na yung chika. Tsaka sino ba yung Elmo? Parang hindi naman sikat."
"Girl, sikat yun okay? Ikaw lang yung hindi mahilig manood ng tv at binuburyo yung sarili sa trabaho. Employee of the century nga, nganga naman pagdating sa entertainment and current events." Napa-iling na lang si Julie.
Totoo rin naman ang tinuran ng kaibigan niya. She seldom watch tv because all she does is her reports, and her work. Kahit sa bahay, nagtratrabaho pa rin. Himala nga at napapayag siya'ng mag-audition sa The Voice.
They're on their way home ng mag-aya si Maqui na mag-chill muna sa isang café. Knowing Julie, hindi yan sasama. She'd rather spend the night in front of her laptop than waste it by chilling. Pero siyempre she also can't say no sa kaibigan niya.
"Buti na lang talaga napilit ka ni Tita Marivick mag-audition dun no? Akalain mo yun? Ikaw na workaholic and all, nagtiyagang pumila at nagsayang pa talaga ng oras para lang makapag-audition."
"Alam mo namang frustrated singer ang papa, at bago siya mawala he made me promise na magau-audition ako doon. So I did. For the love." She sadly smiled.
"Oh cheer-up ka na girl. Masaya na ang tito sa heaven oh? Halika nga dito." Lumapit ang kaibigan niya upang siya ay yakapin.
"Malay ko ba na makukuha ako for blind auditions di ba?"
"Pero sana mapunta ka kay Coach Elmo girl! Alam mo pogi yun tapos magaling pa mag-rap!" Umiling na lang si Julie. She personally does not know Elmo because again, she seldom watch tv. Netflix neftlix na lang ang past time niya.
"Hindi ko talaga kilala yang Elmo na 'yan. Paano yan naging sikat? Tsaka 'di ba si Apl yung dapat na coach?"
"Ayun na nga, last minute backout ang lolo mo. Nagkataon na free si Elmo at wala raw siyang upcoming projects. Winner din naman ang lolo Elmo mo. Biruin mo, chart topping yung mga kanta niya, tapos talagang magaling! Teka bakit hindi mo na lang kasi i-search. Wait ipapakita ko sa'yo itsura niya."
Inabot ni Maqui yung phone nito na naglalaman ng litrato ni Elmo. Biglang napahinto sa pag-inom si Julie at nalaglag pa yung phone ng makita niya kung sino yung Elmo na tinutukoy ng kaibigan.
"Hoy teka lang naman, phone mo yan para ilaglag? Buti kung parehas tayo ng sahod Hulyeta no? Madali lang palitan tong phone ko." Maqui grabbed her phone na nalaglag sa sahig.
"Huy ano? Tulaley ka na lang diyan forevs? Wa ka na say? Walang sorry man lang?"
"So...sorry Maq." She silently said. Bakas sa mukha nito yung pamumutla.
"Huy okay ka lang ba? Huy Julie Anne San Jose punyeta ka mahihimatay ka ba? Sabihin mo na agad para makatawag na ako ng ambulansya."
"Sorry Maq, I have to go." She hurried towards the door of the café, at lumabas and immediately went into her car. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya.
"Ang tanga mo Julie! Ang tanga tanga mo!" She's hitting her steering wheel while driving. Hindi niya alam ang gagawin niya.
"Oh anak, bakit ngayon ka lang?" She's not with herself at hindi na-bati ang kanyang ina. Nagmamadali siyang pumasok sa silid niya, she has to release this feeling.
"Arghhhh!!!" She's mad. Furious. Hindi kay Elmo kung hindi sa sarili niya. She should have known sooner. Pero wala ee, she's too focused on her work. Ni hindi nga niya nagagawang mag-practice for her blind audition cause apparently she's hoping na hindi siya iikutan ng mga coach. She only auditioned because of her father kasi she promised last year na magau-audition siya sa The Voice. It was the only way para mapasaya niya ang papa niya bago ito mamaalam.
"Stupid!" She kicked her bed. "Aray!" Ayan sipain pa kasi yung matigas.
"Juls...anak, are you okay? Please talk to me. Kanina pa kita naririnig na nagsusumigaw." Her mom's on the other side of the door.
"I'm okay ma. I just needed to release some stress." She loudly said. She heard fading footsteps. Nakababa na panigurado ang kanyang ina.
"Bakit hindi ka man lang nag-search Julie? Bakit hindi mo man lang inalam?" She's still talking to herself. Obviously busy siya sa trabaho niya. She couldn't even update her facebook account. Yes,she belongs to the 1 percent of world's population who doesn't care about theentertainment industry. Unless it involves her, wala talaga siyang pakialam.
She's torn between going and not going sa blind audition. Wala naman sigurong mawawala kung hindi ako pupunta, she thought. Totoo rin naman. She was picked for it, malapit lapit na siya sa pangarap ng daddy niya for her, the one that she promised before her dad died. Ngayon pa ba siya titigil? Pero uncertain lahat ng mangyayari.
"Kailan ba naging coach 'tong si Elmo? Hindi ako aware noong nag-audition ako." She immediately grabbed her phone and searched an article na tungkol kay Elmo at The Voice.
"4 days ago lang?! 4 days ago lang in-announce na si Elmo yung bagong coach? Ee halos magsisimula na yung The Voice." Nababaliw na ata ako, she thought.
She went to their office the next morning, sleepless.
"Hulyetang-ina mo!" She was greeted by her best friend.
"Maq not now." She said while looking at her desktop.
"Not now your face! Matapos mo ako'ng iwan sa café kahapon madam? I need an explanation!" She turned off Julie's monitor to catch her attention.
"Maq, I will not pursue The Voice anymore." She simply said,
"Hulyetang-ina mo times two! Gaga ka ba? Gusto mo bang multuhin ka ni tito sa panaginip mo for the rest of your life?"
"Maq mahal ako ni daddy, tsaka I know he'll understand."
"Ate girl, andiyan ka na oh? Malapit ka na sa dream ni tito for you! Ngayon ka pa ba susuko?"
"Dad was my only push Maq, siya lang naman yung reason kung bakit ko sinubukang mag-audition."
"Pero hindi yung audition yung pangarap niya for you Juls. Pangarap niyang makita ka na kumakanta sa entablado. He knows you love singing. At alam mong gusto niya na i-pursue mo yun kasi yun naman yung gusto mo at second choice mo lang itong pagoopisina."
Maqui is right. Simula pagkabata, nahilig na si Julie sa pagkanta. She asked her dad to buy her different musical instruments at inaral niya talaga ang mga ito. But things changed when his dad prohibited her from singing, from playing any musical instrument. Mas ginusto ng ama niya na mag-focus na lang siya sa paga-aral at hindi sa mga libangan. Hanggang sa nawalan ng gana si Julie sa musika at sinunod ang gusto ng ama.
She studied so hard to the point na siya ang naging class valedictorian noong college. She's so obedient to his father. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin nang humiling ang kanyang ama na i-pursue na ang music. Nakapagtapos na raw ito, at kahit ano'ng mangyari, may future na siya.
"Maq..."
"Juls, hindi ko alam kung ano'ng meron at biglang nagbago yung isip mo, pero kung ano man yung reason, sana huwag mong pagsisihan yung magiging desisyon mo." Maqui went back to her cubicle.