Chapter 4: #WrongTiming!

1.3K 30 2
                                    

Shecailah Torres's

THE NEXT day, iyon ang official na pagsisimula ng klase namin. Kahapon kasi meeting and knowing each other lang sa lahat ng subjects kaya maagang natapos ang klase. Ang unang subject namin sa umaga ay Criminal Law. Sobrang nakakaba dahil sa pangalawang pagkakataon na makaharap si Atty. Almeria naroon ang sobrang pagkastrict niya kahit tingin pa lang.

Napatingin ako sa kanang bahagi. Gaya ko, nasa mukha rin ni Richel ang pagiging kabado. Hawak niya ang itim na ballpen at pinapaikot-ikot niya ito sa kanyang daliri. Siguro ito ang kanyang paraan para maibsan ang kanyang nerbyos. Napagawi ako sa kaliwang bahagi. Halos manlaki ang aking mata nang magtagpo ang aming paningin ni Ryle. He innocently smiled at me but I just looked away. So awkward! I just couldn't believe until now that we were classmates. The f*dge! Pinapanood ko lang siya noon sa isang porn sites tapos ngayon? Ugh!

At pansin ko, kakaiba ang law school na ito. People here were busy doing their works and minding their own life. Wala silang pakialam sa kapwa. May kanya-kanyang mundo at iyon ay hindi ko nakasanayan masyado. At siguro kung ito ay common school lang, dinadagsa ng fans si Ryle araw-araw. I don't think makakapag-aral pa ito ng maayos kung ginugulo siya palagi ng mga followers at fans niya. At siguro, lahat ng mga kababaihan ay willing na e-offer ang kanilang sarili kay Ryle.

At ngayon, naiintindihan ko kung bakit dito niya pinili na mag-aral dahil sigurado siya na walang gugulo sa kanya. Kilala siya, oo, pero walang pakialam sa kanya ang nakakarami.

Nagsimula nang magsalita si Atty. Almera pero iyong ibang kaklase ko ay busy parin sa kanilang cellphone. Ang iba naman ay nakasubsob sa kanilang mga desk. Sh*t! Hindi ba sila takot pagalitan? And worst is, baka makick-out sila ng hindi pa umaabot ng isang buwan!

"What is Criminal Law?" Tanong ni Atty. Almeria. Tinignan niya ang aming attendance. Inadjust niya ang kanyang salamin at inilibot ang kanyang paningin sa amin.

"Ms. Abenir, what is Criminal law?"

Napahinga ako ng malalim dahil hindi ako ang natawag. Kahit si Richel na sa aking kanan ay napayuko at medyo napangiti. Naglakbay ang aking paningin kay Marjorie Abenir - na ngayon ay nakatayo at direktang sinagot ang tanong ni Atty.

"Criminal law is the body of law that defines the criminal offenses, regulates the apprehension, charging and trial of suspected persons, and fixes penalties and modes of treatment applicable to convicted offenders." Diri-diritsong sagot ni Marjorie. Matalino siya. Mukhang pinaghandaan niya ito ng mabuti.

"Good. Sit down." Ani ni Attorney. Umupo si Marjorie at huminga din ng malalim.

Tumingin ulit si Attorney sa kanyang attendance sheet. Bumalik ang aking kaba dahil mukhang pipili pa siya ng isa. Pinagkrus ko ang aking daliri. Mahinang nanalangin na sana huwag lang ako. May alam naman ako kung sakaling pipiliin ako pero nananaig sa akin ang hiya. Baka magstutter lang ako-

"Please stand, Ms. Torres. Base
from what you've read or for your own opinion, what is Criminal law?"

Sh*t!

Tumayo ako. Huminga ng malalim at deretsong tumingin kay Attorney Almeria. Nagsimulang mamawis ang aking noo at manginig ang aking paa.

"Ahm..Criminal law is..ah..I think this is the only one of the devices by which organized societies protect the security of individual interests and ensure the survival of the group. There are, in addition, the standards of conduct instilled by family, school and religion; the rules of the office and factory; the regulations of civil life enforced by ordinary police power; and the sanction available through torts action. That's all."

"Good. Sit down."

Thank you, Lord!

Napabuntong-hininga ako at napapikit. Pinakalma ko ang aking sarili dahil pakiramdam ko, tumakbo ako ng isang kilometro. Pati kamay ay namawis sa kaba. But it's okay. At least, nakasagot ako ng maayos. And of course, thank you din sa books ni Papa about Criminal law na aking nabasa before.

My Love from Pornhub (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon