Chapter 15: The Argument

789 13 0
                                    

Shecailah Torres's

"BILATRA ka! Totoo ba ang sabi ni Tita na may boylet ka na?"

Bungad sa akin ni Darra nang makapasok siya sa aming bahay. Mag-a-out of town ngayon ang parents ko kasama si Sheicah at ako ang maiiwan sa bahay. Mas pipiliin ko na lang na mag-aral ngayon dahil two days na lang at finals na namin. Pero si Momsy nakaya niya pang ichismis kay Darra ang pagboboyfriend ko gayong papaalis na sila ng bahay. At dahil mag-isa ako ngayon, si Darra ang magiging kasama ko for the whole week.

"Hindi."

"Hindi? Bakit iyon ang sinabi ni tita kanina?" Naghalukipkip siya, "Tapos hindi mo na sinasabi sa akin ang mga ganap mo sa life. Ano yun? Hindi mo na ako friend, ganoon?"

"It's not like that, Darra. Hindi mo naman dapat malaman iyon dahil hindi naman totoo. I don't have a real boyfriend but I have a fake one because of the game."

"What game?"

"Tong-its." Tipid kong sagot.

"Okay, hindi ko magets. Explain mo nga, dzai."

Dinala ko si Darra sa aming veranda bitbit ang aming snacks. Nang makaupo, sinimulan ko na ang pagpapaliwanag sa kanya. Lahat lahat mula noong dinala ako sa hideout ni Nikko hanggang sa makalabas ako na hindi na single for one week.

"Wait, wait hindi magsink in sa utak ko." Saad ni Darra habang hawak ang kayang ulo. "Dinakip ka ng isang newbie tapos dinala ka sa hideout. Nakipagtong-its para sa kalayaan pero ang ending, girlfriend ka na ng isang frat boy for the whole week. Is that it?"

"Yeah."

"What the f*ck!"

Yeah, what the f*ck talaga.

"Pero gwapo naman siya diba?"

Hindi ako nag-atubiling tumango. Gwapo naman talaga si Chris. Actually, yung dating niya sa akin ay parang mga kauri niya yung mga lalaking bida sa mga nababasa kong gangster stories. Iyong gwapo, medyo hambog, seryoso pero pilyo. However, I'm not attracted to him. He's not my type and I don't like his attitude nor presence.

"Eh gaga ka pala eh! Gwapo naman pala. Ano pang inaarte mo?" Ungot sa akin ni Darra.

"Stupid. I'm not after his handsome face." I rolled my eyes to her.

"Eh ano ba ang hanap mo, teh? Porn star?" And she giggled after what she said.

"Darra nga! Wala sa bukabularyo ko iyan kundi ang pag-aaral lang. Kung paano ko ipapasa ang finals at kung paano ko malalampasan ang kursong ito."

"Alam mo," humarap siya sa akin, "Hindi masama ang magkaroon ng crush o boyfriend, dzai. Don't you know that half of the population of the earth believe that someone would be more motivated especially to their studies if they are inspired? It's because of love. For me, having a relationship with your opposite sex is not a huge distraction to your studies. Isipin mo ha. Si Daddy at si Mommy nagkita lang iyan sa tindahan noon. Pareho silang nag-aaral pero hindi magkapareho ng University. Si Daddy, Business Ad. ang course tapos working student pa. Si Mommy naman ay medicine dahil gustong maging doktor. Second year students na silang dalawa noong naging magjowa. But look at them now. They both succeeded in their careers because they believed that having someone in your life makes you motivated to soar high and dream big." Mahabang paliwanag sa akin ni Darra.

"Pero hindi lahat ng estorya ay katulad ng love story ng Mommy at Daddy mo, Darra. Hindi lahat ng paniniwala ay katulad ng paniniwala mo o ng magulang mo. Hindi naman ako contradict na ang pagboboyfriend ay isang distraction. Pero hindi mo rin ba naiisip na hindi lang lalaki ang pwedeng maging inspirasyon sa buhay? I am studying hard for myself and for my parents not for the boys. Kasi hindi naman natin alamkung ang lalaking iyan ay si The One na natin diba? Paano kung dumaan lang pala siya? Eh, di masasaktan ka lang. At dahil broken hearted ka, then wala ka nang ganang mag-aral at mas lalong hindi ka makagfocus ng maayos. Then what? Anonh mangyayari sayo?

My Love from Pornhub (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon