Chapter 12: Acquaintance Party

848 14 0
                                    

Shecailah Torres's

"SHECAILAH, nasaan kana ba? Nandito na ako sa entrance ng school. Hinhintayin kita dito kaya bilisan mo na diyan!"

Nag-aayos ako ng aking maskara nang tumawag si Richel sa akin. Ngayong gabi ang aming acquaintance party at masquerade ang theme kaya kailangan nakamascara ang lahat. Sinipat ko ang aking relo. Alas syete na ng gabi at trenta'y minutos na lang ay magsisimula na ang party.

"On the way na ako kaya maghintay ka diyan." Sabi ko sa kanya kahit hindi pa naman ako nakaalis ng bahay.

"Fine!" Sabay patay ng tawag.

Kinuha ko ang aking pouch at lumabas na ng aking kwarto. Sinalubong ako ni Momsy sa ibaba ng hagdan at tuwang tuwa siya nang makita ako sa aking ayos.

"Ang ganda naman ng anak ko! Bagay na bagay sa'yo ang black long gown with matching mask, nak!"

"Thank you, Momsy!" Humalik ako sa kanya bago lumabas ng bahay.

Sa garahe, nakaabang doon si Popsy. Siya ang maghahatid sa akin sa school ngayong gabi. Nang makita niya ako, lumapit siya sa akin at inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Natatawang tinanggap ko iyon. He kissed my hand before he placed it to his arm na para bang siya ang aking partner sa prom.

"My baby is a grown up woman now. You're so beautiful, and you're manang mana sa akin."

Pareho kaming natawa sa kanyang sinabi. Bumaling ako kay Momsy na nasa pinyo at kahit siya ay natatawa sa aming dalawa. I really love my parents and they are my precious gems.

Inalayan ako ni Popsy na pumasok sa kanyang sasakyan. Sa daan, panay tukso niya sa akin na baka daw makita ko ang bebe loves ko ngayong gabi tulad ng sa kanila ni Momsy. Pero tumawa lang ako sa kanyang sinabi.

After few minutes, narating namin ang WDU gate. I kissed my father on his cheeks and said goodbye before I get out from our car.

"Salamat naman at nakarating ka rin sa wakas! Jusko! Nawawala na iyong make-up ko dahil sa kakahitay sa iyo, mads!"

"Sorry naman." Natatawang sabi ko. "Hindi naman mahahalata ang make up mo dahil may maskara ka namang suot."

"Ay! Oo nga pala." Pareho kaming natawa.

"Wow ha! Ganda ng black gown mo, She. Bagay na bagay sa'yo!"

Sinipat ko ang kanyang damit, "Maganda rin naman sayo, ah! Bagay sayo ang red long gown mo."

"Tse! Huwag mo nga akong bulahin! Tayo na nga. Baka marami na doong boylet sa dance floor!"

Napailing na lamang ako sa kanyang sinabi. Pumasok kami sa entrance ng school. From there, sumalubong na sa amin ang malakas na musika galing sa school gym. Ang daming estudyante pero hindi naman makikilala masyado dahil medyo madilim at tanging dancing lights lang ang umiilaw. Isa pa, lahat ay nakamaskara.

"Good evening everyone! Please enjoy yourself and dance like there's no tomorrow!" Anunsyo ng DJ sa stage.

Everyone cheered. Sobrang saya ng lahat habang umiindak sa saliw ng musika. Hinila ako ni Richel sa gitna at nagpatianod naman ako. Sh*t! Hindi ako marunong mag free style na sayaw! Si Richel ay sobrang bigay na bigay na para bang ngayon lang pinakawalan sa hawla. Ni hindi man lang nito inalintana na nakagown siya.

Parang gusto kong magsisi na sumali rito. Pero para sa puntos, sige na lang. Go with the flow na lang ako kahit labag sa aking kalooban. Sana sa mga ganitong oras nag-aaral ako sa CriLaw o di kaya ay sa LETECH1. Pero dahil nandito na ako mag-eenjoy na lang ako tulad ni Richel.

My Love from Pornhub (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon