Chapter 13: The game

825 23 0
                                    

Shecailah Torres's

NAIINTINDIHAN ko na. Ang mga newbies ay binibigyan ng misyon ng mga old frat members at kailangan nila iyon sundin kung hindi paparusahan sila. Mapababae man o lalaki, walang santuhan kung ikaw ay paparusahan. Mahirap man ang misyon, kailangan nila iyon gawin para sa ikakaangat nila sa loob ng kanilang organisayon. At kung maging ganap na silang regular members, that means may kapangyarihan na rin sila. May karapatan silang manduhan at utusan ang mga newbies tulad ngayon.

I think Ryle was already a part of regular frat members dahil nasa hanay na siya nga mga kagrupo ni Chris Johnson Santiago. Obviously, dito niya nakuha ang pasa niya. But wait, ano ba ang habol nila rito? Power? Fame? Eh wala ngang pakialam ang mga tao sa mga ganyang bagay dito sa loob ng university.

"Let's play tong-its? Are you familiar with that?" Tanong ni Chris.

"Hell no!" Sigaw ng iba.

"Ano ang criteria?" Tanong ng isang newbie.

"Kailangan may isa sa inyo na maglalaro o pambato." Saad ni Chris sa hanay ng mag newbies. Tumingin siya sa amin, "At kailangan ko rin ng isang pambato sa inyo. At ganoon din sa amin."

"What?!"

"What's tong-its?"

"We don't know how to play tong-its!"

Ungot ng mga kasama ko. Sa hanay ng mga newbies, nagsisimula na silang magturuan kung sino sa kanila. Sa hanay naman nina Chris, I think may pambato na sila. At sa amin...

"I'll play the game." Ako ang nagpresenta.

Bukod sa chess at scrabble, isa din ang tong-its na pinagkakaabalahan namin ni Popsy sa library namin. Minsan kapag nagmemeryenda kami, iyon ang aming ginagawa kasama si Momsy. Actually, hindi naman ako expert doon pero may alam naman ako.

May isang lalaki na tinawag si Chris upang tulungan akong tumayo at hinubad ang pagkakatali sa aking kamay. Pumuwesto kami sa mesa kasama ang dalawang lalaki na magiging kalaban ko.

"Hey, you! Alam mo ba kung paano maglaro niyan?"

"Baka naman pabebe lang iyan, ateng ha! Masyadong pabida!"

"Oo nga! Pasikat masyado!"

Napapikit ako sa inis sa mga kasama ko. Instead kasi na e-cheer nila ako, mas lalong pinagdududahan at dina-down pa nila ako. Nadagdagan pa ng aking kaba dahil for sure, kapag natalo ako, sisisihin lang nila ako pagkatapos. Huminga ako ng malalim at nagdasal ng palihim. I need to be strong. I need to focus. Please God, help me for this. I know that this is a devil's game but I really need Him in this moment. I badly needed to win in order to get out from this damn place.

"Listen everyone." Pagkuha ng atensyon sa amin ni Chris. "Kapag nanalo ang hanay ng newbies, all of them will be part of regular members. And as for their rewards, ibibigay ko sa kanila ang mga bihag. They can do whatever they want to these girls." Turo niya sa aking mga kasama. "But of course, dito lang sa school premises at hindi na sa labas."

"At kapag ang mga bihag natin ang mananalo, they are free to leave this place. No one will ever disturb them after this." Huminga ng malalim si Chris bago nagpatuloy. "Pero kung kami ang mananalo, pag-iisipan ko pa kung ano ang aming hihingiin na kapalit. Saka ko na sasabihin kapag tapos na ang laro. Clear?"

"Clear!" Sagot ng lahat.

Tuso din itong si Chris. Pero sa ngayon ang aatupagin ko ay kung paano kami mananalo. Iniisip ko na kapag manalo kami, walang didisturbo sa amin at iyon ang gusto ko. Ayoko ng gulo. Ayoko ng distractions kaya dapat ipapanalo ko ang aming grupo.

My Love from Pornhub (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon