Chapter 20: Mine

783 12 6
                                    

Ryle Kerkzon Domingo's

GUSTO ko si Shecailah. Hindi dahil matalino siya, maganda at kung ano pa, kundi may kakaiba sa kanya na may enerhiyang hinahatak ako papalapit sa kanya. I can't deny the fact that I really like her romantically or sexually. Minsan naiinis ako sa aking sarili na sa tuwing may kasama akong ibang babae, napagkakamalan ko na si Shecailah. Kahit sexy time with someone, nakikita ko sa ibang babae ang pagmumukha ni Shecailah. Oo, inaamin ko na ganoon ako kamaniac.

Araw ng Sabado at walang klase. Gabi na pero bumaba ako at tumungo sa aking kotse. Pinasibad ko iyon kahit wala akong eksaktong pupuntahan. Basta gusto ko lang magliwaliw habang nagmamaneho. Pero kalaunan, nakita ko ang aking sarili sa labas ng bahay nina Shecailah. Ilang minuto akong naroroon habang inaabangan sa kanilang bintana kung sakaling mapagawi siya roon. I just wanted to see her face before I sleep.

Natigilan ako nang makita kong lumabas si Shecailah na may kasamang babae. She must be her friend. Nakabihis silang dalawa habang naghihintay ng cab. Napakunot-noo ako dahil saan naman sila pupunta ng ganitong oras?

Nang makasakay sila sa cab, sinundan ko sila. Napamura ako nang huminto ang cab sa tapat ng club. What were they thinking? Bakit pupunta sila rito?

Halos napatiim-bagang ako nang lumabas si Shecailah na ang suot pala nito ay backless na damit at naka jeans. Medyo nag-usap pa silang dalawa bago tuluyang pumasok sa loob. Ano naman ang pinag-usapan nila? Pero ano ba talaga ang sadya nila rito? Maglalasing?!

Lumabas ako ng sasakyan at pumasok din sa loob. Tumungo sa bar counter at nag-order ng alak. Habang naghihintay ng aking order, inilibot ng aking mata ang kabuuan ng club. Agad ko ring nakita ang pakay ko. Si Shecailah.

May kausap itong lalaki at napakuyom ako ng aking kamao. Ang sarap sunggaban ng suntok ang kausap niya! Pero nang makita ko ang mukha ng lalaki nakilala ko agad ito.

Si Lucas!

Si Lucas na minsang inakit ako na makipags*x!

Napanatag ang loob ko dahil bakla naman ang kausap niya. Imposible naman na lalandiin siya ng isang bakla pero kung magkataon, suntok ko agad ang mahahalikan ni Lucas.

Napakunot-noo ako nang umalis si Shecailah at iniwan si Lucas. Saan na naman siya pupunta?! Why don't she just stay with Lucas?!

Napainom ako sa aking alak. Nang tumingin ako sa kanyang kinaroroonan, wala na siya roon. Bakit ba ang likot-likot niya? And the next thing, I saw her at the staircase with her friend. Shit! Napamura ulit ako nang makita ko na maraming kalalakihan sa itaas. Ano ba ang hinahanap nila?! Putsa!

Napakuyom ulit ako ng aking kamao nang makipag-usap si Shecailah sa lalaki. Biglang nangati ang aking kamay sa aking nakikita. Ang sarap na talagang manuntok pero pinigalan ko lang ang aking sarili.

"Hi!"

Napatingin ako sa babae na nasa harapan ko. She was pretty but Shecailah was prettier than her. Gusto ko siyang baliwalain pero mapursige siya na makilala ako.

"I'm Jana, ikaw? You know what? I saw you somewhere."

"Really?" Tanong ko pero nasa itaas naman ang mata ko.

"Yeah. Gusto mo—"

"The f*ck!" Hindi ko napigilang mapamura nang makita ko kung paano inilapit ni Shecailah ang kanyang sarili sa lalaki. Ang lapad ng ngisi ng gag* habang sinisinghot ni Shecailah ang leeg niya. Tang*na! Ano bang ginagawa ng babaeng ito?! Binabaliw niya ako!

"Oh! You wanna f*ck me? You know, I'm willing—"

"Shut up!" Singhal ko sa kanya na ikabigla niya. Iniwan ko siyang laglag ang panga. Wala akong pakialam! Si Shecailah ang iniisip ko dahil binabaliw niya ako!

My Love from Pornhub (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon