Chapter 23: Confrontation

662 12 0
                                    

Shecailah Torres's

NAGING masaya ang aming relasyon ni Ryle sa loob ng ilang buwan. Sobrang maalaga niya sa akin at iyon ang nagustuhan ko. Noong New Year nasa bahay namin siya at magkasama kaming sumalubong ng bagong taon. Para sa akin, iyon ang pinakamasayang moment sa aking buhay kasama si Ryle. Minsan natetempt ako na tanungin siya about his dirty work pero sa huli, pinili ko na lamang na tumahimik. Gusto ko siya mismo ang mag-amin sa akin. At laking pasasalamat ko rin dahil sa loob ng ilang buwan, walang nagnonotif sa akin sa pornhub kung may s*x video ba na bago si Ryle na ikinatuwa ko ng lubos. Sana iniwan niya na ang ganoong buhay. At sana ako ang dahilan kung bakit nagbago siya.

Pagkalipas ng isang linggo matapos ang New year, bumalik na kami sa eskwela. Agad na sumalubong sa amin ang balita na wala si Ms. Lee sa subject naming LETECH1 pero may papalit din daw sa kanya na emergency instructor. Sa aking loob, hinihiling ko na sana mabait ang papalit sa kanya.

"Balita ko gorang na daw ang papalit kay Ms. Lee." Bulong sa akin ni Richel habang naghihintay kami sa aming bagong instructor.

"Ha? Paano mo nalaman?"

"Duh! May pakpak din ang balita kaya imposibleng hindi kakalat ang balitang iyan."

Nagkibit-balikat ako, "Sabagay."

"Uy, dzai! Sweet ba si Ryle? Ayee! Parang ako ang kinikilig sa inyo eh!"

"Tangi!" Sabay hampas sa kanya. "Huwag ka nga!" Sabay sulyap kay Ryle na ngayon ay nag-uusap sila ni Kerky.

"Karatutay to! Umamin ka na kasi! Ang dali namang sabihin na 'Oo, ang sweet niya! Sa sobrang kasweetan niya, laglag ang panty ko lagi.' Ganoon! Pabebe ka pa eh!"

Napangiti ako sa sinabi ni Richel. "Para sa ikakatahimik mo, oo na, sweet niya nga at maalaga. Iyong tipong siya ang bubuhat ng bag ko, pagbubuksan ng kotse palagi at ihatid sundo sa bahay. Hahalikan sa noo at hahawakan sa kamay kahit saan man magpunta. At higit sa lahat, may baong I love you and you are mine. Oh ano? Ok na ba? Detailed na po iyan, miss."

Mahinang hinila ni Richel ang buhok ko, "Putsa! Ang haba ng hair mo, teh! Baka mamaya niyan, di kana virgin!"

"Ang bunganga mo nga!" Saway ko sa kanya.

"Bakit? Hello! Gawain na po iyan ng mga magjowa ngayong 21st century, dzai! Kaya ikaw, kung ayaw mong mawala ang v-card mo, hanggang MOMOL lang muna kayo. Huwag masyadong umungol ng malakas, baka maturn on siya at hindi ka na niya papakawalan. And boom! Bye bye, hymen!"

Napahalakhak ako sa sinabi ni Richel. Ang dami niyang alam sa ganoong bagay. Parang si Darra lang din ang ugali niya eh. Dahil sa aking pagtawa, napatingin sa amin si Ryle. Tatayo na sana siya nang pumasok ang bago naming emergency instructor.

Oh sh*t!

What the hell?!

Napamaang ako sa aking nakita. Anong ginagawa ni Zairah Lopez sa room na ito?! Huwag niyang sabihin na..

"Magandang araw sa inyong lahat. Dahil wala si Ms. Lee ngayon dahil sa vacation leave niya, ako muna ang papalit sa kanya. By the way, I'm Zairah Lopez, turning 39 years old this month. If you are asking if I'm single, yes, I'm very much single and ready to mingle. Do you have any questions?"

Walang may nagtangkang magtanong pa sa kanya.

"Since wala naman kayong itatanong pa sa akin, let's start our topic—ooh!" Nalaglag ang kanyang hawak na ballpen.

"Mr. Domingo, can you please get my ballpen?"

Napatikhim ang iba naming kaklase. Hindi ko namalayang napakuyom ako at naniningkit ang mga mata habang pinagmamasdan si Zairah. Kahit malayo si Ryle, wala siyang nagawa kundi ang tumayo at kunin ang ballpen sa sahig na malapit lang naman sa paa ni Zairah. Napasinghap ako nang medyo ibuka ni Zairah ang kanyang legs sa harap ni Ryle. Hindi ko lang alam kung napapansin iyon ng iba naming kaklase. Nang mag-angat ng tingin si Ryle, natigilan siya pero mabilis siyang tumayo at iabot kay Zairah ang ballpen.

My Love from Pornhub (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon