Chapter 8: His warning and her secrets

1.1K 29 0
                                    

Shecailah Torres's

"HINDI talaga ako makapaniwala sa nakita natin kahapon, Cai. Can you believe that?! Si Ms. Lee at si Kerky?! Tapos si Ryle.."

"Just shut your mouth, Richel kung ayaw mong mapahamak tayong dalawa. In the first place, ikaw naman talaga ang may kasalanan dahil kung hindi ka nagpupumilit na pumunta doon, wala tayong iisipin na problema. The only thing that we can do for now is to shut our mouth. And please lang...paulit-ulit na tayo eh!"

Kanina pa kami nag-aaway over that matter which was happened yesterday. Kapag nainis na talaga ako, lalagyan ko nalang ng packing tape ang bunganga ni Richel. Para siyang sirang plaka na paulit-ulit siya sa kakasabi tungkol sa aming nakita kahapon at kapag may nakarinig sa amin, patay kaming dalawa. Kakasimula lang ng klase kaya hindi pwedeng bumagsak ako o susuong sa kahit na anong gulo dito sa school. Gusto ko lang mag-aral ng tahimik at matiwasay kaya hangga't maaari, ayaw kong mangialam sa buhay ng ibang tao at sa kanilang mga monkey businesses.

Misan parang si Darra lang din si Richel. Mahilig sa adventure at kalokohan.

Walang first period sa umaga kaya balak kong pumunta sa library. Ayokong makichika ng buong oras kay Richel dahil wala pa yatang balak magmove on sa nangyari kahapon. Pero mukhang buntot ko na talaga si Richel ngayon dahil sumunod rin siya sa akin.

"Mag-aaral ako kaya ayoko ng disturbo."

"Mag-aaral din naman ako no! Pero, Cai  grabe! Ang hot ni Kerky—"

Pinandilatan ko siya ng mata. Tinikom niya naman ang kanyang bibig at zinepper nito gamit ang kanyang kamay. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad pero natigil rin nang makita ko si Ryle na may kasamang babae. Napatingin din siya sa akin at binigyan ng blangkong ekspresyon. Umiwas ako ng tingin at deretsong nag-log in sa entrance ng library sabay bigay ng aking library card sa librarian.

"Hala, Cai! Wala iyong library card ko! Naiwan ko yata sa bahay!" Mahinang saad sa akin ni Richel.

"Paano iyan?"

Tumingin ako sa librarian. Nakataas ang kilay nito sa amin. Bawal na bawal pa naman pumasok sa library kung walang libCard.

"Hindi na lang ako papasok." Malungkot na sabi niya. "Maghihintay na lang ako doon sa canteen sa susunod nating subject. Bye!" Tumakbo ito ng mabilis.

"Richel!"

"Shh!" Bumaling ako sa Librarian nang sitahin niya ako, "Quiet, miss. You are disturbing the others here."

"S-sorry po." Pagpapaumanhin ko bago pumasok sa loob ng library.

Pinili ko ang umupo sa dulo doon sa kasulok-sulokan ng library. Malayo sa karamihan kaya makapokus ako nito sa aking pag-aaral. Kinuha ko ang aking libro na CONSTI1 dahil iyon ang susunod naming klase. Nakapag-aral naman ako kagabi pero kunti lang dahil hindi ako masyadong nakapagfocus ng maayos. Na-stuck kasi ang mind ko sa milagrong kaganapan sa rooftop kahapon at alas-dose na ako nakapagfocus ng maayos. Jusko! Grabe ang epekto sa akin ng live s*x!

"The traditional approach to criminal law has been that a crime is an act that is morally wrong. The purpose of criminal sanctions was—"

Natigil ang aking pagbabasa nang umupo sa harapan ko si Ryle. Literal na nanlaki ang mata ko. Grabe! Hanggang ngayon talaga hindi ako makapaniwala na ang dating pinapanood ko noon ay kasama ko na sa iisang paaralan at sa lahat ng subjects. At ngayon, nasa harapan ko na naman siya!

May maliit siyang notebook na hawak at saka binuklat ito. Ang alam ko, CONSTI1 ang sunod naming klase pero bakit hindi libro ang hawak nito? Nang basahin niya ang maliit na notebook, doon nayanig ang pagkatao ko.

My Love from Pornhub (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon