Chapter 22: Finally

729 14 3
                                    

Shecailah Torres's

SOBRANG mag-alaga si Zairah kay Ryle na minu't minuto ay panay tanong niya kung ano ba ang gusto ng lalaki. Kung makaasta kasi siya parang kasintahan niya si Ryle. Pero si Ryle, parang sanay na siya rito kaya balewala na sa kanya. Minsan kapag napapadalaw ako roon, sobrang clingy niya kay Ryle. Minsan sinusubuan niya ng mansanas si Ryle habang pasimple siyang tumitingin sa akin na para bang iniinggit niya ako. Hindi pa siya nakuntento, hinahaplos pa niya ang braso ng lalaki na hindi naman pinapalis ni Ryle ang kamay niya. Ganito ba talaga silang dalawa?! Parang magjowa kung maglampungan?!

After three days, nakalabas na rin siya ng ospital at wala ako doon. Mukhang hindi naman ako doon kailangan kaya pinili ko na lamang na magshopping at pumunta sa National book store para bumili ng libro dahil Saturday naman. Mas mabuti na lang na magbasa ako kaysa patayin ang aking sarili sa sobrang selos sa lampungan ng dalawang bwisit.

Noong una, hindi ko matanggap sa aking sarili na nagseselos ako. Pero kalaunan, nakumpirma ko iyon na nagseselos nga ako nang harap harang hinalikan ni Zairah si Ryle sa pisngi. Hindi simpleng beso iyon dahil may kasamang tunog na para bang ipinapamukha niya sa akin na kayang kaya niyang gawin iyon kay Ryle.

"Bakit hindi mo ako pinapansin?" Tanong ni Ryle sa akin nang magkasabay kami sa hallway. Napatingin ako sa kanyang kamay at wala nang benda roon.

"Bakit? Kailangan talaga na pansinin kita?"

"Oo."

"Oh di ikaw na ang kulang sa pansin!"

Hinawakan niya ako sa kamay, "Galit kaba?"

"Bakit naman ako magagalit?"

"Hindi ka galit niyan ha." Pang-aasar niya sa akin.

"Hindi nga kasi ako galit! Bitawan mo nga ang kamay ko!" Pilit kong binabawi ang aking kamay pero masyado siyang malakas.

"Paano kung ayaw ko?"

"Bakit hindi na lang kasi kay Zairah na kamay ang hawakan mo?! Tutal naman, gustong gusto mo iyong nilalandi ka?!"

Natigilan siya. Kahit ako ay nabigla sa aking mga sinabi pero iyon naman talaga ang totoo. Hindi niya nga kayang paalisin ang kamay ni Zairah na humahaplos sa kanya noong nakaraan. Ibig sabihin lang iyon ay nagugustuhan niya kung paano siya landiin ng babaing iyon! Baka nga hindi lang haplos ang nagawa sa kanya ni Zairah. Baka higit pa doon, iyong dinadala siya sa langit!

"Nagseselos ka ba kay Zairah?"

Oo!

Hindi!

Pero nagseselos talaga ako!

Pero ayaw ko namang umamin!

Napangisi siya sa aking katahimikan. Bigla ay hinatak niya ako at hinalikan sa aking sintido. Kinilig ako sa kanyang ginawa at lihim na napangiti.

"Wala kang dapat ikakaselos sa kanya dahil ikaw ang gusto ko, Shecailah. Be my girlfriend please.."

Naitulak ko siya sa kanyang sinabi. Girlfriend?!

"A-ano?!"

"I said, be my girlfriend."

Shit! Bakit ba ako kinikilig? Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko.

"P-pero hindi ka pa naka one month na panliligaw sa akin!"

"Hindi naman dapat kailangan na umabot pa ng one month para sagutin mo ako, She. Kasi kahit na tayo na, araw-arawin parin kita sa panliligaw. Sorry kung may laps iyong panliligaw ko sa iyo kasi naaasar ako noong sinigawan mo akong layuan kita na dapat hindi naman sana. Nagkamali ako dahil hindi ako naging patient sayo at hindi ko naisip na baka period mo that time kaya sinungitan mo ako. At sorry kung hinayaan kong magselos ka kay Zairah noong sa hospital."

My Love from Pornhub (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon