Chapter 21: Jokes are half meant

732 11 5
                                    

Shecailah Torres's

"Babe, stop running!"

Babe babae mukha niya! Ang kulit kulit talaga ni Ryle! Pagkatapos niyang edeklara na manliligaw ko siya, ayaw niya na akong tantanan. Buntot siya ng buntot sa akin kung saan man ako pupunta. At ang walang hiya! Pumunta pa siya kahapon sa bahay para ipaalam kina Popsy na manliligaw ko raw siya! Hindi ko talaga alam kung bakit biglang nagbago ang gag*ng iyon! Sabi niya hindi siya willing na maging boyfriend ko kahit biro lang yon which is, dinibdib ko naman! Tapos ngayon, may pa 'you are mine' pa siyang nalalaman?!

"Shecailah, stop running away from me!"

Tutal pagod narin ako sa kakatakbo mula sa kanya, hinarap ko na siya at inihagis sa kanya ang hawak kong ballpen.

"Bakit ba kasi habol ka ng habol sa akin?! Nawawala ba ang brief mo at sa akin mo hinahanap?!"

"Ouch!" Asik niya ng matamaan siya ng aking ballpen, "What? Sa lahat ba ng bagay, brief ko talaga, Shecailah? Why? Gusto mo bigyan kita? Anong gusto mong brand? Calvin Klein?"

Namula ang mukha ko sa kanyang sinabi.

"Bakit? Bibigyan mo ba ako?" Hamon ko sa kanya.

"Of course, I'm not selfish, hon. Kailan mo ba hihingiin? Ngayon na ba? Because if you really want to have my brief right now, I can go to CR to—"

"Damn you!"

Mabilis niyang tinahak ang aming pagitan at hinapit sa baywang. Hindi ko iyon inasahan na gawin niya kaya nagulantang talaga ang pagkatao ko.

"Stop cursing, Shecailah. Dahil sa susunod na marinig kong nagmumura ka, matitikman mo talaga ang aking dila."

"Gago!" Sabay tulak sa kanya.

"Aba, mukhang gustong matikman ng honey ko ang ang masarap kong dila." Kantyaw niya sa akin.

Taena naman! Kapag hindi na ako makapagtimpi, babayagan ko na talaga siya nang mag impotent ang gonggong! Sa halip na patulan ko pa siya, tumalikod na ako at nagsimulang umalis.

"Babe!"

"Pwede ba, Ryle tigilan mo na ako! Bigyan mo naman ako ng katahimikan!Letse!" At nagsimula na akong maglakad paalis ng university.


***

"GOOD morning, class. Let's continue our topic about torts. Open your book on page 24."

Panay tingin ko sa pinto habang nagdidiskusyo ang aming propesor. Bakit wala kaya si Ryle ngayon? Baka nasa hideout na naman siya. Asar na asar ako sa kanya pero may pakialam parin ako sa kanya. The last time I checked, crush ko pa rin siya kahit ang kulit niya. Kahit si Darra at Richel, panay sabi sa akin na ang pabebe ko daw. Si Ryle Domingo na ang naghahabol pero umaayaw pa rin ako. Hello! Kahit crush ko iyon, hindi ako ang tipong easy to get! Kahit nahalikan na niya ako, hindi niya makukuha ang masarap kong OO!

"Ma'am!" Pagkuha ko ng atensyon sa aming guro. "Please may I go out." At saka ako lumabas at tumungo sa CR. Naiihi na talaga ako. Nang makarating sa CR, agad akong pumasok sa cubicle at nagpalabas ng aking masamang ispirito sa katawan. Pero may narinig akong pag-uusap ng iilang kababaihan sa labas ng cubicle.

"Talaga?! Bakit siya naaksidente?"

"Ayon sa news report kanina, nabangga raw ang sasakyan niya patungo rito. Nasa Angelus Hospital daw siya dinala."

"Kawawa naman si Ryle Domingo. Sana hindi siya nasugatan sa mukha kasi gwapo pa naman iyon! Tapos, syet! Ang yummy pa niya naman!"

Natigilan ako sa aking narinig. Si Ryle? Naaksidente?!

My Love from Pornhub (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon