Chapter 19: Finding boyfriend

689 13 11
                                    

Shecailah Torres's

"NAKAPAGDESISYON na ako, Darra."

"Na alin?" Takang tanong ni Darra sa akin.

"Na maghahanap ng boyfriend kaya tutulungan mo ako." Nanlaki ang mata ni Darra sa akin. Hinawakan niya ako sa aking balikat at medyo inalog.

"Sino ka?! Anong ginawa mo sa bestfriend ko?! Umalis ka sa kanyang katawan ngayon din—"

Tinulak ko siya, "Ano ba?! Seryoso nga kasi ako."

"Ows? Saan na iyong sinabi mo na 'Aral muna bago lalaki'? Ano, kinain mo na, teh?"

Napaismid ako. Hindi ko naman talaga gustong magkaboyfriend pero malala na si heart. Minsan kapag nakikita ko si Ryle, natutuliro ako. Tapos hindi mapakali ang puso ko. I think it's not a good sign na talaga. Kaya para madistract ang sarili ko, susubukan kong magboylet. Nakikita ko naman na mukhang masaya rin ang magkaroon ng lablayp katulad ni Darra. Parating blooming si ate! Pero kasi, shit naman! Noong kailan lang nagkabanatan pa kami tungkol sa pagboboyfriend. Tapos ngayon ako pa mismo ang lumalapit sa kanya para sa ganitong bagay.

"Basta! Ano, tutulungan mo ako o hindi?"

"Siyempre tutulungan! Lika, magpaalam tayo kay tita na pupunta tayo sa club mamaya."

"Gag*! Bakit kailangan sa club?! Baka mamaya macho dancer pa iyong ano ko.."

"Hoy, teh! Maraming gwapo doon! Don't worry, hindi kita ereretoke sa isang pipitsuging club dancer." Ngising sagot niya.

"Sige, pero dapat mga 8 pm makakauwi na tayo."

"Tange ka ba? Bakit ka pa pupunta doon kung uuwi ka rin lang din ng maaga? Dapat mga 12 midnight."

"Hindi pwedeng 12 midnight! Papagalitan ako ni Popsy."

Nanghalukipkip si Darra, "Oh sige, 11 pm. Wala nang tawad iyan. Jusko! Ewan ko lang kung makakahanap ka roon ng boylet kung uuwi ka ng maaga!"

Isang oras kaming nagmakaawa kina Momsy tungkol sa pagpunta namin ni Darra sa club. Pero kalaunan ay pinayagan niya rin kami. Hindi na kami nagsinungaling pa para pumunta lang doon. Mas mabuti na iyong alam nila kung saan talaga ang eksaktong pupuntahan lalo na't gabi.

Alas syete kami umalis ng bahay ni Darra. Bihis na bihis kaming dalawa at hindi ako komportable sa aking suot dahil medyo may pagka-backless ang damit na pinaresan ko ng jeans at 3 inches na heels. Samantalang si Darra ay naka blue dress na backless din. Bagay na bagay sa kanya dahil maputi siya at flawless ang skin.

Bago kami pumasok sa club nagkaroon kami ng kasunduan ni Darra.

"Ganito," panimula niya, "Medyo halos lahat ng nandito ay familiar na sa akin kaya huwag kanang mashock, bes. Ipapakilala ko sayo ang bawat lalaking kakilala ko na naririto. Mag-uusap kayo kahit kunti lang at kung hindi mo type, mag-eexcuse ka. Sabihin mo na mag-ccr ka pero that's a sign na hindi mo siya type. And the next, hahanapan ulit kita. Game?"

"Ang weird pero..sige na nga."

"That's my girl!" Sabi ni Darra bago ako inakay sa loob ng club.

Masakit sa mata ang dancing light nang makapasok kami sa loob. Ang daming tao! Tapos, oh my gosh! Bakit ganito?! Kung saan-saan lang nagme-make out ang iba. Iyong iba hindi na nahiya na makipaghalikan sa gitna ng dance floor. Iyong iba naman tahimik lang habang umiinom ng alak. Pero pansin ko na karamihan dito ay mga ka age lang rin namin ni Darra. Ganito na ba talaga ka-liberated ang mga kabataan ngayon?

"Darra, you're here!" Bati ng lalaki kay Darra.

"Of course, Lukas!" Tumingin sa akin si Darra at pinakilala niya ako sa lalaki, "Please meet my friend, Shecailah Torres. She's single, you know.." sabi niya sa lalaki.

My Love from Pornhub (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon