Shecailah Torres's"GRADUATE na tayo mga besh!" Tili ni David na isa sa aking grupo.
"Oo nga! Hindi ako makapaniwala!" Sigaw naman ni Jhessa.
"Me too! So, kailan kayo uuwi ng Pilipinas?" Tanong ni Renalyn sa amin.
Sumagot ako, "Siguro kapag matapos ang bar exam natin saka ako uuwi. Kayo?"
"Siguro ako rin." Panabay nilang sabi na tatlo na ikinatawa naming lahat.
Sa loob ng apat na taon dito sa America, sina David, Jhessa at Renalyn ang aking mga kaibigan. Sobrang hirap noong una dahil baguhan ako rito. Pero nang tumagal nakaadjust na rin ako sa mga tao at sa environment dito sa America. Kahit paman na naging malayo ako sa Pilipinas, hindi naman nawala ang communication ko with my family and friends especially to Darra and Richel. Kapag may vacant time, nagvivideo call kami or nagchachat.
Pero kay Ryle, hindi ako nagtry na makipagcommunicate kasi baka kapag narinig ko ang boses niya, uuwi lang ako agad para sa kanya kahit na magalit si Popsy sa akin. Kahit naman ilang years na hindi ko siya nakikita, updated pa rin naman ako sa buhay niya. Iyon nga lang, iba pa rin talaga iyong nakakasama mo ang isang tao. And for those years, ang daming balita tungkol sa mga flings niya. Minsan hindi ko napipigilang umiyak dahil mukhang kinalimutan na niya ako. Pero kalaunan, tinanggap ko na lang na ganoon talaga ang buhay. Kapag wala nang connection, nasa block list kana.
Sobrang saya ko noon nung hindi natuloy ang kaso laban sa kanya dahil tinupad ni Popsy ang sinabi niya noon sa akin. At nong huli, nalaman ng lahat na isa rin talagang bugaw si Zairah kaya siya ang nakulong at hindi si Ryle. Pero hindi ko itatanggi na sobrang sama ng loob ko noon kay Popsy pero hindi naman yun nagtagal dahil mahal ko naman ang ama ko.
Pero ang hindi ko matanggap ay ang pagbitiw ni Ryle sa kurso niya. Nag shift siya sa Mass Com at iyon ang hindi ko maintindihan. Pero siguro iyon naman talaga ang pangarap niya so bahala siya sa buhay niya.
"Hi, Shecailah. Congratulations to you." Bati sa akin ni Jason na kaklase ko rin. Fil-Am siya kaya nakakaintindi rin siya ng Filipino.
"Thank you, Jason! Congrats din sayo." Ngumiti ako sa kanya.
"Where's you parents?"
"Nauna na sa kotse. Bakit?"
Nagkibit-balikat siya, "Nothing. I just want to invite you a dinner date later kung papayag ka."
Alanganin akong ngumiti, "I'm sorry, Jason pero may lakad kami mamaya ng parents ko. Sorry talaga ha."
Ngumiti siya, "It's okay. Maybe next time?"
"Sure!"
Agad na nagpaalam sa akin si Jason. Nang bumaling ako sa aking mga kaibigan, sobrang lapad ng ngiti nila. Alam naman nila na may gusto sa akin si Jason pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko dito. Kasi iba talaga iyong laman ng puso ko.
"Bakit hindi mo na lang sagutin si Jason? Mabait naman 'yong tao." Sabi ni Renalyn.
"Kasi daks ang hinahanap ni ateh!"
"Tangeleks mo, David! Kahit kailan talaga ang bastos ng bunganga mo!"
"Bastos agad?! Sige nga! Sabihin mo sa amin kung bakit ayaw mo kay Papa Jason?" Taas kilay niyang tanong sa akin ni David.
"Kasi may gusto na akong iba. Kahit nakalimutan na niya ako, okay lang. That's life."
"Oh shit! Bakit hindi namin yan alam?! For four years nating pagsasama hindi mo man lang sinabi sa amin na may someone ka na pala!" Eksaheradang saad ni Jhessa.
BINABASA MO ANG
My Love from Pornhub (COMPLETED)
RomanceWARNING: SPG | R18 | Sino ang mag-aakala na ang pornstar na pinapanood mo sa pornhub sites noon ay magiging kaklase mo ngayon? Out of curiosity, sinubukan ni Shecailah Torres na manood ng kalaswaan sa pornhub. Unang kita pa lamang niya sa porn...