Prologue

2.7K 51 11
                                    

My Love from Pornhub

A story written by:

MissNobody_2

"ATTORNEY, hindi ako papayag na hindi sampahan ng kaso ang bumastos sa akin kagabi! Bigla niya akong hinawakan sa boobs habang sumasayaw ako sa dance floor!" Saad ni Jenah - aking kliyente na umano'y binastos ng lalaki kagabi.

"May I know where and what exact time did that happened last night?"

"Sa strip club, Attorney. Around 11:30 pm, I guess. Please, tulungan mo ako, attorney. Babae ka rin katulad ko at ang mga tulad natin ay dapat nererespeto!"

Napataas ang kilay ko. Respeto? Seryoso ba siya na kailangan niya ng respeto mula sa ibang tao? Hindi ako judgmental na tao pero sa kanyang pananamit, hindi siya karespe-respeto. Kulang na lang ibalandra niya ang kanyang dibdib sa akin. Kung ayaw niya palang ipahawak ang kanyang big boobs, dapat iyong desenteng damit ang isinuot niya. Pero bilang isang abogada, ayokong bastusin ang aking kliyente.

"I see. Maliban sa hinawakan niya ang boo-private part mo, may ginawa pa ba siya sa iyo?"

"He touched my legs, attorney at hindi ko iyan palalagpasin! Hindi pwedeng hindi ko siya sampahan ng kaso!" Giit niya sa akin.

Hindi ko mapigilan na hindi tignan ang kanyang legs na umano'y hinawakan daw ng lalaki kagabi. Naka pekpek shorts siya kaya kitang kita ko iyon. Well, she has a long legs but damn! Again, I'm not judgmental person pero sa tingin ko bobo at lasing ang hinayupak na lalaking iyon para pagkainteresan ang legs niya. Maliban sa mga peklat niya, parang kaliskis ng isda ang balat niya. So dry na parang hindi nakatikim ng lotion kahit kailan.

"Is that so? By the way, do you have a picture of that man?"

"Yes, Attorney." Kinuha niya ang cellphone niya sa bag at binuksan ito. "Siya! Siya iyan, attorney." At pinakita niya sa akin ang mukha ng lalaki. "Gwapo diba? Pero kahit gwapo iyan, hindi ko palalagpasin ang pambabastos niya sa akin!"

Pinakatitigan ko ang litrato ng lalaki. Gwapo? Saang banda? Ito ba ang dipinasyon niya ng gwapo? Eh mukhang hindi nga ito nakaligo ng isang taon! Again, I'm not judgmental pero asdfghjk lang talaga!

"Okay, but we have a problem. We can't file a complaint against that guy without any evidence. Sa nakikita ko, hindi ka naman nasaktan para magkaroon ng sugat bilang matibay na ebidensya. For sure, wala kang record or video na hinaharassed ka niya. And lastly, may witness ka ba na magpapatunay-"

"F*ck that evidence! Hindi pa ba sapat na binastos niya ako?! Dalagang Pilipina ako kaya nararapat lang na respetuhin ako! At kung sino man ang babastos sa akin, dapat managot! That f*cking as*h*le touched my private parts kaya hindi mo naiiintidihan attorney ang pakiramdam na inaapak-apakan niya ang pagkabababe at pagkatao ko!"

Pareho kaming natigilan at napatingin sa kanyang cellphone. May tumatawag sa kanya kaya tumalikod siya. At ako naman ay napahilot ng aking sintido. Sh*t this woman! Sakit sa ulo. Seriously?! Nagdedemand siya ng respeto mula sa iba kung ganyan siya manamit? I thought at first that she was a stripper based on what she was wearing. At kung talagang gusto niya ng respesto, dapat hindi siya pumupunta sa ganoong lugar.

"I need to go now, attorney. Please, ikaw na ang bahala. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo dahil babayaran kita kahit gaano pa kalaki. Bye!"

Napasapo ako sa aking noo. Well, hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag-handle ng ganitong kaso. Pero hindi ko lang talaga maiwasan na mainis sa mga ganitong tao. Bahala na! For now, I need a cup of coffee.

Lumabas ako at tumungo sa coffee maker. Habang nasa hallway, nakasalubong ko ang aking mga maiingay na colleagues. Si David - the talkative gay, Richel - ang babaeng palaging updated sa mga chismis tungkol sa mga love life ng lahat dito sa law firm. Si Ana - walang jowa pero maraming ka MOMOL tuwing walang kliyente. Si Renalyn - palaging busy sa pagvivideo call sa jowa kapag wala ring clients. Si Jhessa - ang babaeng mahilig mangolekta ng lalaki at agad ring iwan. At panghuli, si Myrian - ang may asawa't anak sa aming grupo.

"Hoy, g*ga! Kliyente mo ba iyong pokpok na kalalabas lang sa office mo?" Eskandalosang tanong sa akin ni David habang may hawak na kape.

"Please be formal, Attorney Sanchez. Remember, we're at the law firm right now. Saka mo na ako mura-murahin kapag nasa labas na tayo." Pormal kong saad sa kanila.

"Sorry naman, Attorney Torres. So, where are you going?"

"Kukuha lang ng coffee. Na stressed ako sa kliyente ko."

"Bakit? Ano ba ang problema noon?" Tanong sa akin ni Ana.

"Binastos daw sa club kagabi."

"Really? Seryoso ba iyon? Sino ba naman kasi ang hindi babastos sa kanya kung ganoon siya manamit? Kaloka!" Eksaheradang wika ni Jhessa.

"Akala ko nga stripper eh!" Sabad naman ni Richel.

"Let's not judge her guys. We don't know her and have you all forgotten who we are? Lawyers like us should not be judgmental. Instead, we are the one who will defend to those who are aweful."

Lahat kami ay napatango sa sinabi ni Myrian. May tama naman siya. Kaya lang hindi lang talaga mapigilan minsan na husgahan ang isang tao base sa panlabas na anyo. We're just human after all.

"Pero mga 'athorny' may echichika ako sa inyo!" Excited na sabi ni Renalyn.

"Shh! Hinaan mo nga ang boses mo! Jusko! Buti lang sana kung masarap pakinggan ang endearment natin." Kalokang sabi ni David.

Sa tuwing naririnig ko ang tawagan naming 'Athorny' hindi ko maiwasang mapasamid. One time kasi hindi namin napigilan na manood ng kalaswaan noong kami na lang ang tao sa law firm. Dagdagan pa na ang mga kasama ko ay napaka 'ano' kaya napasali rin ako sa mga kabaliwan nila. And that time, ang daming bumalik na alaala sa akin habang nanonood kami. Pero iniwaski ko na lang iyon sa aking isipan.

"May sikat kasing DJ sa 143 Love Mo Ko Station. Tapos siyempre alam niyo naman ngayon, uso na na ina-upload sa YouTube ang lahat including 'behind the radio station scene'. Akala ko nga si Papa Dudut, pero hindi eh! Sobrang gwapo mga ka-athorny!"

Umiwas ako ng tingin kay Renalyn. Hindi na bago iyan sa akin dahil kilala ko iyon. At aaminin ko, isa na ako doon sa mga subscribers na tinutukoy niya. Tama si Renalyn na gwapo nga ang lalaking iyon. Hindi lang basta gwapo kundi mukhang...yummy. Bigla ay may naalala naman akong kalaswaan.

"Talaga?! Sikat na ba iyan?" Agap na tanong ni Jhessa.

"Oo, Madz! 15 million na ang subscribers niya ngayon!" Tiling saad ni Renalyn.

"Really?!" Wika ni Richel. "Sandali, ano ba ang ginagawa ng papable na iyan? Siya ba iyong nagbabasa ng mga shout out at requested songs?"

Tumikhim ako, "Hindi. Siya iyong nagbabasa ng mga talambuhay ng mga taong nagpapadala sa kanyang programa."

"Aba! Aba! Alam ni Athorney Torres. Siguro isa ka na sa mga subscribers niya no? Aminin mo!"

Namula ako sa sinabi ni David bakla. Well, he's right. But I choose to ignore him.

Dumiritso kami sa ibaba. Doon ay may 7 eleven kaya doon na lang ako bumili ng kape habang sila ay nag-order ng kanilang makakain. Nang makaupo kaming lahat, isa-isa silang nagbukas ng kanilang YouTube apps at inabangan ang pagsisimula ng programa ni-

"Ayy! Ito na! Ito na! Magsisimula na si Papa-"

"Pwede ba, Athorney Fadriga! Manahimik ka kasi. Alam namin na magsisimula na kaya shut-up kana diyan!' Angil ni David.

Dear Papa Ryle,
Magandang araw sa iyo at sa lahat ng tagasubay-subay ng iyong programa. Ako po si Shecailah Torres. Isang lawyer na nagtatrabaho sa isang sikat na lawfirm sa bansa. Sana ay mabasa niyo ang aking kwentong buhay at pag-ibig. Pamamagatan na lang natin ng "My Love from Pornhub" dahil ito ay para sa taong minsan ko nang inibig...

"Ay! Echosera si Athorny Torres! Shookt kami, Madz!"

"Shh! Let's listen now to the love story of Attorney Shecailah Torres - the prim and proper Athorny." And Myrian grinned at me.

My Love from Pornhub (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon