Chapter 27: Mother's Love

618 8 0
                                    

Ryle Kerkzon Domingo's

DALAWANG linggo na ako sa loob ng prisinto habang iniimbistigahan ang video na sinasabing ebidensya raw ni Zairah sa pang rape ko sa kanya. At sa loob ng dalawang linggo, hindi man lamang ako dinalaw ni Shecailah. Aaminin ko na nagtatampo ako sa kanya dahil parang iniwan na niya ako sa ere. Sinabi niya na mahal niya ako pero bakit parang ako na lang mag-isa sa laban na ito?

"Pwede ka nang makalabas, bata." Sabi ng pulis habang binubuksan ang silda.

"P-paano nangyari?"

Tinuro niya ang dalawang lalaki na nakatayo sa dulo. Gulat na gulat ako nang makilala ko ang mga iyon. Sina Tito Landro at Ninong Ed ni Shecailah. Bakit nandito sila? Ibig sabihin ba nito sila ang nagpalaya sa akin? Pero abogado ni Zairah si Tito Landro!

"Tito Landro? Anong ginagawa niyo po dito?" Takang tanong ko nang makalapit ako sa kanila.

"Malaya ka na, Ryle." Sagot ng Ninong ni Shecailah.

Tinignan ko siya. Siguro nagtaka siya sa uri ng aking titig sa kanya.

"I'm you're Tito Ed, Ryle. Kapatid ako ng Mama mo."

Kaya pala may pagkakahawig sila ni Mama. Pero imbes na sumagot ako, tumingin ako kay Tito Landro.

"Hindi na natuloy ang kaso ni Zairah laban sa iyo dahil nalaman namin na isa pala siyang bugaw at biktima ka sa kanyang maling gawain. I'm sorry if I judged you easily. I'm just a father, Ryle and I did it because I'm protecting my daughter from any pain. And I want the best for my daughter because that's the least thing I can do to her."

"Thank you, Tito. Pero si Shecailah—"

"I send her to America and she will continue her studies there. Please, Ryle ito lang ang hinihiling ko sayo. Hayaan mo na muna ang anak ko. Kung talagang mahal mo siya, patunayan mo sa amin na karapat-dapat ka sa kanya. Like what I said, I want the best for my daughter."

"Pero mahal ko po si Shecailah.."

"Mahal ka rin ng anak ko, hijo. Pero sa tingin ko hindi pa ito ang tamang panahon sa inyo dalawa. Dadating din ang araw na kung talagang kayo ang para sa isa't isa, gagawa ang tadhana upang kayo ay magtagpo muli. Pero sa ngayon, sarili niyo na muna ang isipin niyo. Sana maintindihan mo ako, Ryle."

Wala akong nagawa kundi ang tumango. Mahal ko si Shecailah pero may punto din si Tito Landro. Kung mahal ko talaga siya, kailangan ipakita ko iyon sa kanya na karapat-dapat ako sa kanya. Oo, mayaman ako pero sa ngayon hindi iyon sapat para malaman kung talagang karapat-dapat ako sa pag-ibig niya.

Umuwi ako sa aking bahay. Sinalubong ako ni Manang Viana na may ngiti sa mukha. Hindi ako masaya kahit na malaya na ako. Dahil sa aking puso, si Shecailah lang ang tanging makapagpasaya sa akin. Pero ngayong wala na siya, hindi ko alam kung kaya ko pang magpatuloy sa buhay. Ngayon, mas lalo kong naamin sa aking sarili kung gaano kahalaga sa akin Shecailah. Siya ang dahilan ng pagbabago ng buhay ko. At siguro, kailangan kong magpursige sa buhay dahil nararamdaman ko na magkikita parin kami ulit. Wala akong pakialam kung gaano pa katagal iyon pero hihintayin ko siya.

After two weeks nakulong na din si Zairah. Si Tito Landro na kanyang abogado noon ay ito pa mismo ang nagsampa ng kaso laban sa kanya. Natuwa ako pero hindi ganoon kalalim dahil kahit naging masama si Zairah, may utang na loob din ako sa kanya sa pagpalaki niya sa akin. Mabait naman talaga siya pero nasilaw siya sa pera kaya nagkaganoon siya.

"Hijo! May bisita ka!" Tawag sa akin ni Aling Viana mula sa labas. Nakita ko na ipinasok niya sa bahay ang sinasabi niyang bisita ko.

"Tito Ed.."

My Love from Pornhub (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon