Shecailah Torres's
SPELL "SABOG" – ako iyon. Dalawang buwan na ang lumipas at sobrang hirap talaga ng law course. Katatapos lang ng aming midterm exam pero sumasakit parin ang aking ulo. Tatlong beses na akong nagnosebleed dahil sa kakaaral. Iyong eyebags ko sobrang laki. Tapos ngayon naghahairfall ako dahil daw sa sobrang stressed. Minsan napapaiyak na lang ako sa pagod dahil napaka-hectic talaga ng sched sa pag-aaral. Hindi na nga ako nakakatulong sa bahay dahil tutok sa pagbabasa ng lahat ng libro. Kung noon ay tumataba ako at kailangang magwork-out, ngayon ay hindi na. Namamayat na ako dahil kung minsan, isang beses na akong kumakain sa isang araw.
Pero dahil tapos na ang aming midterm, babawi muna ako pansamantala sa aking pagtulog. Tired na ang mga brain cells ko at kailangan ko na rin ng beauty rest. Kaya lang, bukas Buwan ng Wika na naman namin. Inilista na ako ng isang prof namin doon na sumali sa patimpalak sa pagsusulat ng kwento. Nahihiya naman akong tumanggi kaya sasali na lang rin ako kahit walang insayo.
Araw ng Buwan ng Wika namin. Crowded ang Hallway dahil ang daming booths na nakahelera. Dumiritso ako sa Conference room dahil doon daw gaganapin ang paligsahan sa pagsusulat. Nang makapasok sa Conference room, ang dami nang estudyante. For sure, sila rin ay mga contestants tulad ko. Nagtext sa akin si Richel na hindi daw siya babalik dahil wala rin naman siyang sinalihan. Pasaway rin ang isang iyon!
"Magandang umaga sa lahat. Ngayong araw ay ating ipagdiriwang ang Buwan ng Wika na may temang, "Filipino: Wika ng Saliksik." At ngayon, aking babasahin ang kriterya para sa paligsahan ng pagsusulat ng kwento." Nakinig ako sa anunsiyo ng MC. Pagkatapos basahin ang kriterya, sunod niyang ipinakilala ang panel of judges.
Bigla ay tinawag ako ng kalikasan. Parang maiihi ako. Sinipat ko ang aking relo tapos ang MC at mga judges. Hala! Mukhang malapit nang magsimula ang patimpalak! Naku naman! Walang CR dito sa loob ng Conference room kaya kailangan ko talagang lumabas. Hindi ko na talaga ito mapipigilan pa. Baka mamaya, sa gitna ng pagsusulat ko, maramdaman ko na lang na basa na ang aking pantalon dagdagan pa ang kaba sa aking dibdib.
Palihim akong lumabas. Bahala na basta makakaraos ako sa tawag ng kalikasan na ito. Dumiritso ako sa CR. Walang tao sa labas dahil busy ang lahat sa gym at sa mga booths. Pumasok ako sa isang cubicle. Pumikit pa ako para feel na feel ko ang pag-iihi pero napamulat ako sa aking narinig sa kabilang cubicle. Kumakalampag iyon na para bang may pumupukpok. Tapos may ungol ng babae.
Taena naman! Ginawa pa nilang motel ang CR! Kating-kati na talaga at hindi mapiligilan? Mga haliparot talaga!
"Uhmm..ohhh! There! There! Please...yes! Yes! babe malapit na ako!"
I just rolled my eyes while zipping my pants. Lumabas na ako at naghugas ng aking kamay. Humarap ako sa salamin at inayos ang aking eyeglass. Biglang natahimik ang cubicle kung saan nanggaling ang ingay. Pero nang bumukas iyon, saktong nagkatinginan kami ng poncio pilatong haliparot sa salamin. Si Ryle! Oh please... siya na naman?
Nakita ko pang hinalikan siya ng babae sa pisngi sabay sabing, "Sarap mo.." Pero nang makita ako ng haliparot na babae sa salamin, nanlaki ang mata niya at walang pakundangang lumabas ng CR! Mabuti naman at tinubuan ng hiya ang haliparot na iyon! Pwede naman kasi magmotel sila. Pero bakit dito pa? Para may thrill, ganun?
"I told you." Rinig kong sabi ni Ryle habang nakasandal sa pinto ng cubicle. Nakatingin siya sa akin sa salamin.
Kinunutan ko siya ng noo, "You told me what?"
"Na hindi iyon ang huli mong beses na makita akong—"
"I don't care." Plain kong sagot.
Sh*t!
Ang contest!
Hindi ko na tinignan pa si Ryle bago lumabas ng CR at mabilis na tumakbo pabalik ng Conference room. Mabuti na lang talaga at kakasimula lang pagdating ko. Kung hindi...ewan ko na lang!
BINABASA MO ANG
My Love from Pornhub (COMPLETED)
RomanceWARNING: SPG | R18 | Sino ang mag-aakala na ang pornstar na pinapanood mo sa pornhub sites noon ay magiging kaklase mo ngayon? Out of curiosity, sinubukan ni Shecailah Torres na manood ng kalaswaan sa pornhub. Unang kita pa lamang niya sa porn...