Chapter 17: Her freedom

747 14 15
                                    

A/N: Medyo magulo po ang chapter na ito dahil magulo ang isip ko nang ginawa ito. So, kayo na po ang bahala na umintindi. Hihi!

***

Shecailah Torres's

"PUT all your bags at the back and prepare your ballpen as well as you permission slip at the top of your chair. Faster. We'll start our exam after five minutes."

It's our finals today. Kahit kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaaral. Habang nilalagay namin ang aming bag sa dulo, hindi ko mapigilang mapatingin sa pinto. Nasaan na ba si Ryle? Mag-eexam na pero wala parin siya. Hindi niya naman ugaling mag-absent during exam!

"Okay, time is up. Sit properly now and we'll start our exam." Anunsyo ng aming propesor.

Ryle nasaan ka na ba?

Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit alalang-alala ako sa kanya. I shouldn't be worried, right? Dapat nga maging masaya ako dahil wala siya rito at hindi niya ako mahihigitan pa. Pero hindi ganoon ang iniisip ko ngayon.

Nasaan na ba kasi siya?!

Nagsimula nang magbigay sa amin ang aming propesor ng test paper. Sh*t! Nag-aral naman ako kagabi pero bakit mukhang mahirap ang mga tanong?

Natapos ang una naming exam. Sa sumunod na subject, umaasa ako na papasok si Ryle pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Gusto ko sanang pumunta sa Hideout pero hindi naman pwede dahil finals. At isa pa, baka naroroon si Chris kaya huwag na lang. Hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa niya sa akin. Balak ko sanang isumbong siya sa Admin namin pero ayaw ko ng gulo. Kahit hindi naman kami close ni Ryle, naniniwala ako sa kanyang sinabi na tutulungan niya ako na makawala kay Chris. Alam kong one week lang naman ang pretend relationship namin pero atat na akong makawala sa kanya.

"My God! Ang sakit ng ulo ko, bes! Sobrang hirap ng ating exams! Mag shift na lang kaya ako ng course?" Reklamo ni Richel habang nasa corridor kami.

"Yeah." Sang-ayon ko, "Pero kahit mahirap, wala akong balak magshift, Rich. Wala namang course na hindi mahirap eh. Nasa iyo iyan kung gusto mong lumaban o sumuko. But if you keep fighting, then something good awaits you after the storm."

"Sana all ganyan mag-isip." At sinabayan niya ng tawa.

The next day, exam parin namin. Kung mahirap kahapon, mas mahirap ngayon dahil lahat ay major subjects. Panay tingin ko sa pinto dahil umaasa ako na papasok na ngayong araw si Ryle pero wala parin siya. Kalahating oras na lang ang nalalabi bago matapos ang CriLaw exam pero wala parin siya. Ano bang nangyayari sa kanya? Kagabi, panay text ko sa kanya dahil ni-save ko ang number niya noong una siyang nagtext sa akin pero namuti lang ang mata ko, hindi ako nakatanggap ng text mula sa kanya.

"Pass all your test papers now."

Sh*t! Dalawang items pa ang hindi ko nasagutan!

"1.."

"Bes, alam mo ba iyong sa number 2?" Bulong ni Richel.

"2.."

"Hindi ko rin alam.."

"3.."

"Yung sa number 10? Yung two Napoleonic codes?"

"4.."

Tumingin ako sa kanya, "Code d'instruction criminelle and Code pénal."

"What?"

"Pass all your test papers! Now!"

My Love from Pornhub (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon