ORI's POV
HABANG patagal nang patagal ang pagsasama namin ay unti unting nasisira. Kahapon sila Theo at Frank nag away sila nang dahil sa akin. Ngayon naman si Gab at si Lliope. Napahawak ako sa ulo ko at ang dalawang siko ko ay nakapatong sa desk. Naaalala ko ang mga sinabi ni Theo ka'y Frank. Natuklasan niya kasi si Frank na hinalikan ako.
FLASHBACK
Tinawagan ako ni Frank na pwede daw ba akong pumunta sa park. Agad naman ako'ng nagayos. Kanina pa ako na ligo dahil kakagaling ko lang sa pagjojogging. Nag palit din ako na'ng damit na simple lang alangan naman lalabas ako na bongga ang damit ko.
Papunta na ako sa park na'ng mahagip na'ng mata ko si Frank na nakaupo at hinaantay ako. Bumilis na ang paglakad ko at lumapit na sa kaniya. Nakayuko siya at ang dalawang kamay niya ay magkahawak.
"Bakit mo 'ko gusto pumunta dito?" Tanong ko habang nakatingin sa malayo. Ramdam ko na lumingon siya sa akin kaya lumingon na rin ako.
"Ori," tawag niya sa pangalan ko.
Bahagya naman ako'ng napakunot at tumingin sa mga mata niya. "Bakit?" Saad ko.
Mas lalo ako'ng napakunot na'ng humarap siya sa akin. Halos mapatalon ako sa gulat na'ng bigla niya akong hawakan sa magkabilang braso. "F-Frank?" Kinakabahan na sabi ko.
"Bakit hindi na lang ako?" Saad niya. Nagtataka naman ako'ng tinignan siya. Dahil una sa lahat hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "Bakit? Bakit si Theo pa?" Usal niya. Nagulat ako nang bigla siyang lumuha.
Kahit na nginginig ay pinilit kong magsalita. "F-Frank, ano bang s-sinasabi m-mo?" Hindi ko alam kung bakit naluluha na din ako.
Maemosyonal ako na tao kaya pag may nakikita ako na taong umiiyak sa harap ko ay napapaiyak na din ako. "Sabihin mo kahit ngayon lang." Nagtataka ako dahil hindi ko alam ang sinasabi niya. "Sabihin mo na gusto ko mo 'ko," saad niya. Bagsak balikat ko siyang tinignan.
"I'm sorry," saad ko. Tatayo na sana ako nang hilain niya ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
HE KISSED ME!
Nakamulat lang ang mata ko habang siya ay nakapikit. Napakuyom ako na'ng kamao. Agad ko siya'ng tinulak na'ng makita ko si Theo na nakatayo sa harap namin. Napatingin din si Frank sa kaniya at bahagya'ng nanlaki ang mata.
"T-Theo.." saad ko na'ng suntukin niya si Frank sa mukha. Agad naman napaupo si Frank sa sahig at hinawakan ang bibig kung may dugo.
"Wala'ng 'ya ka! Kaibigan kita pero bakit mo 'to ginawa!" Galit na sabi niya. Agad siya'ng lumapit kay Frank at kinuwelyuhan siya. "Matagal ko na'ng sinabi sayo diba! Na hindi mo mahahawakan si Ori!" Gigil na sabi niya.
Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko na ngumisi si Frank. "Bakit sino ka ba? Boyfriend niya?" Nakangising sabi niya. "Wag kang umasa na mamahalin ka ni Or--" naputol ang sasabihin niya na'ng sapakin siya na'ng paulit ulit ni Theo.
"Hayop ka! Simula ngayon kakalimutan ko na naging kaibigan kita!" Saad niya at tumayo. Agad niya ako'ng hinawakan na'ng mahigpit at hinatak.
"T-Theo, nasasaktan ako." Daing ko pero hindi niya ang pinakinggan. "T-Theo--"
"Ano!" Sigaw niya dahilan para mapaatras ako nang bahagya. "Ano ginagawa mo du'n?" Gigil na sabi niya. Kita ko sa mga mata niya ang galit at ano mang oras ay mananapak siya. "Ano!" Sigaw niya. Napapikit naman ako at umatras.
BINABASA MO ANG
The Taste Of Revenge
RomanceIsang babae na gusto'ng makamit ang hustisya dahil sa pagpatay sa kaniya'ng ina. Ina na siya lang nakakapagbigay na'ng ligaya. At ngayon na wala na ang kaniya'ng ina. Possible ba na may magbago simula na mawala ang kaniya'ng ina? Simula na mapatay a...