Epilogue

141 1 0
                                    

ORI's POV

After 2 years

"HELL, YEAH!" Sigaw namin. Andidito kami ngayon sa bar nagsasaya dahil sa wakas ay college na kami.

"Uy! Baka naman!" Sigaw ni Irene. Napakunot naman kami nang noo sa kaniya. "Guys! Don't be so innocent!" Napatawa ako na'ng makuha ko na ang point niya.

"Yeah! Guys we're in the legal age." Saad ko. "Kaya ngayon, wala nang hiya hiya! Inom na agad, ganern! Hahaha!" Tawa ko. Tumawa naman sila at nagsilagya sila nang beer sa mga baso nila.

"Geonbae!" Agad na namin tinaas ang mga baso at nagsimula ito nang tunog. Agad na namin tinungga at ininom.

"Hoooo!" Sigaw namin.

Masaya.

Sobrang saya.

Yung tipong walang gulo. Bumalik kami sa normal. Yung masaya. Mas lalo na ako. Bumalik na ako sa normal. Hindi na ako yung babaeng sobrang lamig nabawasan ko naman na kasi yun kahit papaano. Medyo nawala naman konti. Hindi na katulad noong dati. Ngayon tanggap ko na nawala na sila. Tanggap ko na, na kahit kailan ay hindi na mababalik ang nawala na. Hindi na mababalik kasi umalis na.

Matagal ko na'ng tinanggap na wala na sila. "Ori," napatingin ako ka'y Theo na'ng magsalita siya. Tumingin naman ako sa kaniya na may ngiti sabay taas na'ng dalawang kilay.

"Mm.." saad ko. Medyo may tama na din kasi ako.

"Tahimik mo," saad niya. Napangiti naman ako at hinawakan siya sa balikat.

"Wala 'to. May naisip lang ako," saad ko. Nagaalala naman siyang napatingin sa akin kaya kinurot ko ang dalawang pisngi niya.

"Tss," saad niya habang kinukurot ko ang dalawang pisngi niya. Napatawa naman ako habang pinaghahampas ang balikat niya.

"Tanggap ko na," sambit. Nagpangalumbaba ako at nakaharap sa kaniya. "Tanggap ko na, na wala na sila, na kahit kailan ay hindi na sila babalik." Nakangiting sabi ko. Niyuko ko ang ulo ko. Nangilid na naman ang mga luha ko.

Why am I crying?

Huminga ako na'ng malalim at naglakad loob na sumigaw sa loob na'ng bar. "O-Ori!" Away sa akin ni Theo. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti.

Sa totoo lang. Ang hirap mawalan na'ng ina. Yung tipong masaya ka noon pero hihilain ka at papalit ang lungkot. Halos hindi ako makatulog sa kakaisip na paano kung sumuko na ako. Gusto ko nang mamaalam pero hindi ko magawa. Kaya nang pumalit si Francis ang sakit. Sobrang sakit. Dalawa ang nawala sa akin. Mommy ko at yung nagiisang lalaki sa buhay ko. Ang sakit niya. Yung tipong biniyak ang katawan mo.

Kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakakalimutan ang mga masasayang alaala namin ni Francis. Kung tutuusin siya yung lalaking inintindi ako. Wala siyang ginawa kun'di mahalin ako. Pero ngayon tanggap ko. Masaya na ako at ayoko nang madagdagan pa ang trahedya na naganap. Hindi naging madali sa akin ang mawalan. Sobrang sakit niya. Halos ilang linggo akong umiyak at hindi kumain.

Doctor ang kinuha kong course at yung school na ipinamana sa akin ni Daddy ay hindi ko na tinanggap. "Bye!" Sigaw namin nang magsipunta na kami sa kaniya kaniya naming kotse.

"Oh," saad ni Theo. Napatingin naman ako sa kaniya nang matagal pagkatapos niya akong saluhin. Napalunok ako at napatingin ako sa labi niya. Dahan dahan naman ako'ng tumingin sa kaniya. Napapakurap siya sa tuwing titignan niya ang labi ko.

The Taste Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon